Wikipedia:Mga huling dinagdag
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ito ang mga huling mga bagong artikulo sa Wikipedia na napili sa Unang Pahina bilang bahagi ng Alam ba ninyo? Tingnan ang mga bagong pahina para sa kumpletong tala ng mga bagong pahina. Hindi pa gaanong mahigpit ang Tagalog Wikipedia sa mga patakaran sa pagdagdag sa "Alam ba ninyo?" at kahit sino ay maaaring magdagdag.
Ito lamang ang mga paunang gabay sa pagdagdag ng paksa sa "Alam ba ninyo?":
- Tumingin ng mga bagong pahina sa Special:Newpages para maidagdag.
- Dapat na may sanggunian ang artikulo. Kung wala pa, pakihanapan at pakilagyan.
- Bilang tulong at ambag sa Tagalog na Wikipedia, pumili o magsulat po sana ng artikulong hindi bababa sa 1,500 titik o karakter (mga 2 kilobyte) ang nilalaman ng katawan ng artikulo (hindi kabilang ang pamagat o pangalan ng pahina, mga pamagat ng seksyon, mga titik na nasa sanggunian, kawing na panlabas, mga kapsyon ng larawan, mga kahon ng impormasyon (infobox), talaan, tabla, kategorya, at mga katulad. Isa lamang pong mungkahi at panukala ang mga ito para sa kapakanan ng mga mambabasa at tagagamit ng Tagalog na Wikipedia. Maaari mong bilangin ang mga nilalamang titik ng iyong artikulo sa pamamagitan ng pagkopya nito patungo sa isang pahinang pandokumento ng Microsoft Word sa tulong ng Tools (kasangkapang-kagamitan) kung saan matatagpuan ang word count o pambilang. Maaari ka ring gumamit ng ibang program na pangkompyuter, kung ibig.
- Kung minsan, maaari pa rin kayong makakita ng maiikling artikulo sa "Alam ba ninyo?", depende sa bilang ng mga kandidato sa loob ng isang panahon. Sa kasong iyon, hinihiling po na tumulong kayo sa pagpapahaba, pagpapalawig, at pagpapaunlad ng artikulo hanggang sa maabot o malampasan ang hinihinging bilang, maging ang kalidad. Lalo na kung usbong (stub) pa ito. Ngunit talaga pong higit na mas mainam kung umabot na sa bilang at pamantayan ang artikulo bago ito mailagay dito sa Alam Ba Ninyo? dahil mas nakatutulong na sa tagabasa.
- Dapat na nakapupukaw ng pansin ang "pamukaw na tanong" na gagamitin (tingnan ang mga halimbawang nasa supnayan na nasa ibaba).
- Hindi isang pangkalahatang seksyon ng trivia ang "Alam ba ninyo?".
- Dapat nasa loob ng nakaraang 5 araw ng Mga Bagong Pahina ang artikulo na idadagdag.
- Nasa artikulo dapat ang binanggit sa "Alam ba ninyo?"
- Kailangang may larawan ang nasa pinakaibabaw na paksa.
- Dapat naka-'''BOLD''' ('''MATAPANG ANG MGA TITIK''') ng titulo ng bagong dinagdag na paksa sa "Alam ba ninyo?"
- Sa pangkalahatan, nakalimita lamang sa TATLONG (3) paksa, ngunit kung anumang kaso maaaring mahigit dito ngunit hindi lalampas sa PITO (7). Siguraduhin lamang na susukat ito sa pahina noong mga panahong iyon. Gamitin ang inyong sintido kumon.
- Lagyan ng tag o tatakan ng {{Template:AlamBaNinyoUsapan}} ang pahina ng usapan ng artikulo bilang rekord.
- Halimbawa:
.
- Bukod sa itaas, padalhan mo ng isang mensahe ang may-akda o nagsimula ng artikulo sa pamamagitan ng paggamit ng suleras na ito: {{subst:AlamBaNinyoUsapan2|Abril 3|2008|Pangalan ng artikulo}} --~~~~ (nagmula sa: {{Template:AlamBaNinyoUsapan2}}), upang maipagbigay-alam sa may-akda ang pagkakapili ng kaniyang artikulo. Kung sakaling wala pang panagutan ang nag-ambag ng artikulo, ipadala pa rin ang mensahe upang mahikayat siyang gumawa ng sariling akawnt. Huwag mong kalimutang lumagda sa pahina ng usapan ng pinagbigyan ng mensahe. Ganito ang mababasa ng pinadalhan ng mensahe:
- Kung minsan, maaaring muling mapili ang isang lumang artikulo, lalo na kung napalawig ito ng may ikatlong ulit ang haba (mungkahi), at may kahalagahan at nakapupukaw ng isipan ang mga nadagdag na kaalamang maipapamahagi nito sa mambabasa.
- Idagdag dito sa ibaba ang mga paksang tinanggal - dahil nagamit na - para sa "Alam ba ninyo?"
[baguhin] Supnayan ng mga napiling "Alam ba ninyo?"
Alam ba ninyo...
- ... na ang mga Cassidinae ay tinatawag na mga tortoise beetle sa Ingles dahil sa pagkakahawig nila sa mga pagong?
- ... na ang teks ay isang popular na laro ng mga batang Pilipino na ginagamitan ng mga barahang may mga larawang pang-komiks at diyalogo?
- ... na ang Bangko sa Pagpapaunlad ng Pilipinas ay ang ikapitong pinakamalaking bangko sa Pilipinas batay sa antas ng mga pag-aari?
- ... na sa larangan ng abyasyon, ang pusod ay isang paliparang gamit ng linya ng mga eroplano sa paglilipat ng mga pasahero patungo sa kanilang mga paroroonan?
- ... na ang Pangkat ng Walo ay isang sabansaang poro ng mga pamahalaan mula sa Europa, Hapon at Canada?
- ... na ang Bangko sa Pagpapaunlad sa Aprika ay itinatag noong 1964 para paunlarin ang ang ekonomiya at lipunan sa Aprika?
- ... na ang bayan ng Valencia sa Negros Oriental ay dating kilala bilang Ermita, Luzuriaga at Nueva Valencia?
- ... na ang Bangko sa Pagpapaunlad sa Asya ay itinatag upang itaguyod ang kaunlarang pang-ekonomiya at panlipunan sa mga bansa sa Asya at Pasipiko?
- ... na ang mga Mithiing Pangkaunlaran ng Milenyo ay walong mga mithiing sinang-ayunan ng mga Mga Nagkakaisang Bansa na ibig makamit sa taong 2015?
- ... na ang Sonang Malayang Kalakalan ng ASEAN ay isang kasunduang pangkalakalan ng Kapisanan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya?
- ... na ang Philippine National Bank ay isang bangkong institusyon na pag-aari ng pamahalaan ng Pilipinas na itinatag noong 1916?
- ... na ang Talatuntunang Komposito ng PSP ay ang punong talatuntunan ng pamilihang sapi ng Pamilihang Sapi ng Pilipinas?
- ... na ang Organisasyon ng Pandaigdigang Kalakalan ay binubuo ng mga 152 kasaping-bansa?
- ... na noong unang mga panahon, ang mga likidong pandikit ay nagmumula sa mga dagta ng puno o hayop?
- ... na si Flash Elorde ay nagtrabaho muna bilang tagapulot ng bola sa bolingan bago maging boksingero?
- ... na ang Awit ng Pagkakaisa ng ASEAN ay isang dalit para sa Kapisanan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya?
- ... na tinatayang may mga 40,000 di-pampamahalaang organisasyon (o mga NGO) sa kasalukuyan?
- ... na ang Bangkong Pandaigdig ay isang sabansaang bangko na nagbibigay ng tulong pananalapi at teknikal sa mga bansang umuunlad?
- ... na ang Grand Theft Auto ay isang makontrobersyal na serye ng video game na tumanggap ng batikos mula sa mga kritiko tulad nina Jack Thompson, Hillary Rodham Clinton at Julia Boseman?
- ... na si Wesley So ang kasalukuyang pinakabatang grandmaster ng ahedres sa Pilipinas?
- ... na unang natutong umarte ang Rusong aktor na si Petr Shelokhonov sa kagubatan noong panahong ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
- ... na ang halimaw ng Lagunang Ness ay pinaniniwalaang isang hayop na naninirahan sa isang lawa sa Eskosya?
- ... na ang Moroni ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod sa bansang Comoros?
- ... na ang palosebo ay isang pampistang laro na may kawayang nilangisan?
- ... na ang Cebu ay isang nobelang isinulat ng Pilipino-Amerikanong si Peter Bacho?
- ... na ang estilo ng Sikolohikal na Asosasyong Amerikano ay isang pamamaraan ng pananangguning pandokumentasyon?
- ... na ang unang simbahan sa Lungsod ng San Fernando, Pampanga (nasa mapa) ay itinayo noong 1755?
- ... na ang matandang pangalan ng Lungsod ng San Jose (sagisag nakalarawan) ay Kabatiran?
- ... na ang talang kasaysayan ng mga Hudyo sa Pilipinas ay nagsimula pa noong panahon ng mga Kastila?
- ... na ang Pagkubkob ng Tanay na simula ang pakikipaglaban sa pagitan ng mga sundalong Pilipino at mga gerilya kasama ang mga Pilipinong piloto ay lumaban sa mga pwersang pananakop ng mga Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong Marso, 1945 sa bayan ng Tanay, Rizal?
- ... na nagbabago ang kulay ng fungus na taingang daga (nasa larawan) kapag nabababad sa tubig?
- ... na ang pangalan ng Lungsod ng Gapan ay hango mula sa dalawang alamat?
- ... na ang Huling Hapunan ay naging paksa sa isang dibuho ni Leonardo da Vinci?
- ... na noong unang panahon, ang mga akwaryong tubig-tabang (nakalarawan) ay pinaiinitan ng bukas at lantad na apoy?
- ... na ang Pagpapalaya sa Kabite ay nagsimula ng nakipaglaban sa pagitan ng mga sundalong Pilipino, Amerikano at ang gerilyang Kabitenyo ay lumaban sa mga pwersa ng hukbo ng Imperyong Hapon sa lalawigan ng Kabite noong 1945?
- ... na ang Lungsod ng Palayan ay itinatag ng Kongreso ng Pilipinas noong 1965?
- ... na ang Oras ng Daigdig ay isang kaganapang internasyonal kung kailan papatayin ng mga mamamayan ang kuryente sa loob ng isang oras sa isang gabi ng Marso?
- ... na ang Istatwa ng Kalayaan (nakalarawan) ay isang higanteng istatwa na iniregalo ng Pransya sa Estados Unidos noong 1886?
- ... na kailangang pitasin muna mula sa puno ang mga bunga ng tsiko para bumilis ang paghinog ng mga ito?
- ... na ang Raccoon City ay isang kathang-isip na lungsod na pinamamalagian ng mga taong-bangkay?
- ... na ang Malayang Simbahang Pilipino ay naging kilala bilang Iglesiang Aglipay dahil kay Gregorio Aglipay?
- ... na ang Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus ay isang palabas at bersyong pang-kabataan ng Pinoy Big Brother sa Pilipinas?
- ... na itinuturing ang wikang Arabe bilang isang banal na wika ng Islam, subalit, walang masasabing nag-iisang "wikang Muslim"?
- ... na ang kuskus (nakalarawan) ay isang pangunahing pagkaing nagmula sa Hilagang-kanlurang Aprika?
- ...na ang wika ng pagsesenyas ng kamay sa Pilipinas ay nagsimula noong 1950?
- ... na bukod sa pagiging pasyalang pook, mahalaga rin ang Toreng Eiffel (nakalarawan) sa larangan ng komunikasyon?
- ... na ang Pinoy Big Brother ay isang palabas na batay sa isang palabas mula sa Netherlands?
- ... na si Marlee Matlin ay isang artistang nagkamit ng mga gantimpala kahit hindi nakakarinig?
- ... na ang Hindi Ka Na Sisikatan ng Araw ang ikatlong karugtong ng pelikulang Kapag Puno Na ang Salop?
- ... na si Bruce Lee na kilala ng isang artistang Tsino Amerikano na ginamit ng Jeet Kune Do?
- ... na unang ginamit ang salitang alkoholismo para sa mga lasinggero (nakalarawan) noong 1852?
- ... na ang tatak na Ajax ay may kaugnayan sa isang mandirigma ng Matandang Gresya?
- ... na si Johann Wolfgang von Goethe ay isang manunulat sa Alemanya na nakaimpluho kay Charles Darwin?
- ... na ang Ako ang Huhusga ay isang pelikula nina Fernando Poe, Jr. at Eddie Garcia noong 1989?
- ... na ang Battle City ay isang larong pangkompyuter na may mga tangke?
- ... na ang mga limatik (nakalarawan) ay ginagamit sa panggagamot bilang mga pampadugo?
- ... na ang Po-on ay ang pinakasimula ng saga ng Rosales ni F. Sionil José?
- ... na ipinagbawal ang My Brother, My Executioner ni F. Sionil José noong may batas militar sa Pilipinas?
- ...na may apat na misteryo na pala ang pagdarasal ng rosaryo (nakalarawan)?
- ...na si Fabian de la Rosa ay naging guro sa pagpipinta ni Fernando Amorsolo?
- ...na ang Florante at Laura ay isang daglat lamang para sa buo nitong pamagat?
- ...na ang pintor na si Pablo Amorsolo ay naging koronel para sa imperyo ng Hapon?
- ...na ang ariwanas (nakalarawan) ay isang pulutong ng mga bituin na kinalalagyan ng ating daigdig?
- ...na ang Ermita ay isang nobela sa wikang Ingles ng Pilipinong si F. Sionil José?
- ...na ang Bata, Bata...Pa'no Ka Ginawa? ay kapwa mga aklat at pelikula?
- ...na ang sanggol ay dumaraan muna sa proseso ng pamumuo bago iluwal (nakalarawan)?
- ...na si Gregorio C. Laconsay ay isang patnugot ng Liwayway at Bannawag?
- ...na ang palamigan ay isang lalagyan na nakapipigil sa pagdami ng mga mikrobyo?
- ...na ang palabas pantelebisyong Kaputol ng Isang Awit ay batay sa isa pang palabas noong 1991?
- ...na ang Lambak ng mga Hari ay libingan ng mga paraon ng matandang Ehipto?
- ...na ang pulotgata ay tinatawag ding lunademiyel at hanimun?
- ...na sa lahat ng pagbubuntis ng mga mamalya, ang pagdadalangtao (anatomiya nakalarawan) ang higit na pinagaaralan?
- ...na mga tao at unggoy lamang ang dumaranas ng pagsasapanahon?
- ...na mayroong lalaki at babae ang mga halamang laurel?
- ...na si Albert Camus ay tumanggap ng Gantimpalang Nobel para sa panitikan?
- ...na si Rowan Atkinson ay isang sikat na komedyante mula sa Inglatera?
- ...na may dalawang uri ang mga kubang kamelyo?
- ...na maraming klase ang mga pinapansit na luglog?
- ...na umaabot sa 6,700 kilometro ang buong kahabaan ng Mahabang Muog ng Tsina (nakalarawan)?
- ...na ang pinakamahabang bibingka ay ginawa sa Dingras, Hilagang Ilokos ng Pilipinas?
- ...na ang Ras el hanout ay isang halo ng mga panimpla sa Kanlurang Asya at Hilagang Aprika?
- ...na ang Pandaka pygmaea ay dating isa sa mga pinakamaliit na isda sa mundo?
- ...na ang Greenwich Mean Time ay ginagamit lang sa Greenwich, London tuwing panahon ng niyebe?
- ...na ang isdang bakalaw (nakalarawan) ay napananatiling sariwa kapag inasnan at pinatuyo?
- ...na ang pinakaunang talahuluganan ay isinulat ng mga Babilonyano noong ika-6 dantaon BCE?
- ...na ang pamamalakad sa ilang lungsod sa Estados Unidos ay may pagkakatulad sa pamamaraang parliyamentaryo?
- ...na si Cyrus the Great ang tagapagtatag ng Imperyo ng Persya?
- ...na ang Vedas ay mga mahahalagang esktritura mula sa sinaunang Indya?
- ...na ang apulid ay may mga bungang malutong (nakalarawan) at kahawig ng kastanyas?
- ...na ang pangalan ng bayan ng Mabitac sa Laguna ay hango sa salitang bitag?
- ...na ang Ikalawang Labanan sa Mabitac ay isang lumaban sa pagitan ng mga sundalong Pilipino at mga gerilya sa nakipaglaban ng mga pwersa ng Imperyong Hapon sa bayan ng Mabitac, Laguna?
- ...na maraming uri ng paghahanda ng mga pagkaing almondigas?
- ...na ang Arhentina ay ika-31 sa mga bansang may malalakas na ekonomiya sa mundo?
- ...na ang mga Trapa ay napagkakamalang mga apulid?
- ...na ang Cape Verde ay dating kolonya ng imperyo ng Portugal?
- ...na sa mga kabayo-kabayohan (nakalarawan) ay mga lalaki ang nagbubuntis sa halip na mga babae?
- ...na si Lisa Gerrard ay isang manunugtog mula sa Australya na naging tanyag dahil sa pelikulang Gladiator?
- ...na ang Mga Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernandez ay naisalin sa Ingles at Ruso?
- ...na ang pagtitinda ng bangus na walang tinik ay nagsimula sa Dagupan?
- ...na ang pelikulang Dekada '70 ay batay sa isang nobela ni Lualhati Bautista?
- ...na ang paskwa (nakalarawan) ay isang uri ng bulaklak na pang-Pasko?
- ...na si Ana María Orozco ay isang aktres ng pelikulang Yo soy Betty, la fea mula sa Colombia ?
- ...na ang pagkuha ng mga litrato sa Pilipinas (halimbawa nakalarawan) ay nagsimula noong 1840?
- ...na ang Ysabella ay isang palabas ng pag-ibig mula sa ABS-CBN ng Pilipinas?
- ...na si Lualhati Bautista ay isang bantog na nobelista ng Pilipinas?
- ...na noong mga taon ng 1580, tinatawag na bayan ng Dilao ang Paco, Maynila?
- ...na ang lapi ay isang kahanayang pang-taksonomiya na nasa pagitan ng kaharian at ng biyolohiya?
- ...na may kaibahan ang mga larangan ng pagpapaliwanag at pagsasalinwika?
- ...na ang Deutschlandlied (panitik nakalarawan) ay ang pambansang awit ng Alemanya?
- ...na ang alay-ay (nakalarawan) ay isang uri ng panakot sa mga uwak na kahugis ng tao?
- ...na si Tadamichi Kuribayashi ay isang heneral ng Imperyo ng Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
- ...na ang kaharian ay isang antas ng kahanayan sa biyolohiya na nasa ilalim ng dominyo?
- ...na ang halu-halo ay isang meryendang may impluho ng mga Pilipino, Tsino, Amerikano at Indiyano?
- ...na ang uri (nasa larawan) ang pinakapayak na pangkat ng mga may-buhay?
- ...na ang sari, pamilya, orden, at klase (nakalarawan) ay mga hanay ng nilikha sa biyolohiya?
- ...na ang dominyo (nasa larawan) ang pinakamataas na antas sa hanay ng mga hayop at halaman?
- ...na ang Pamantayang Oras ng Pilipinas ay ang opisyal na tawag sa oras sa Pilipinas?
- ...na si Prinsipe Harry ay isa sa mga apo ni Reyna Elizabeth II ng Britanya?
- ...na ang mga halamang madera (nakalarawan) ang pinagmumulan ng kulay na alisarin?
- ...na si Otto Wilhelm Thomé ay isang mangguguhit (halimbawa nakalarawan) at botaniko?
- ...na ang bughaw-alisya ay kulay na ipinangalan sa anak ni Theodore Roosevelt?
- ...na magkaiba ang paraan sa paggawa ng tapang karne at tinapang isda?
- ...na si Lope K. Santos ang sumulat ng nobelang Banaag at Sikat?
- ...na si Teresa Teng ay isang mang-aawit mula sa Taiwan?
- ...na ang Kubo ni Rubik ay isang laruang pampalaisipan?
- ...na ginagamit na pangulay at pampalasa ng mga lutuin ang mga buto (nakalarawan) ng atswete ?
- ...na ang Biarritz at Cabanatuan ay kapwa mga pangalang panlungsod?
- ...na si Ruhollah Khomeini ay isa sa mga naging pinuno ng Himagsikan sa Iran noong 1979?
- ...na ang pagbibigay ng paunang tulong-panlunas (sagisag nakalarawan) ay maaaring matutunan ng isang pangkaraniwang tao?
- ...na ang sungka ay isang uri ng larong ginagamitan ng tabla at mga butil?
- ...na ang arahan ay isang uri ng isdang kanduli?
- ...na ang SpongeBob SquarePants ay isang animadong serye ng mga guhit-larawan sa Nickolodeon?
- ...na si F. Sionil José (nakalarawan) ay isa sa mga pinakabantog na Pilipinong manunulat sa wikang Ingles.
- ...na hindi ganap na magagaya ng mga kompyuter ang mga kulay ng kalikasan?
- ...na si Fernando Amorsolo ay isang pintor na dalubhasa sa paggamit ng liwanag?
- ...na ang Doraemon ay isang animadong serye ng mga guhit-larawan tungkol sa paglalakbay sa panahon?
- ... na si Joseph Anton Koch ay isang pintor mula sa Austria?
- ...na bukod sa pagiging artista sa Power Rangers, si Michael Copon ay isa ring modelo sa Amerika?
- ...na ang Rosalinda ay isang tele-nobelang mula sa Mehiko?
- ...na ang Kernel ay isang importanteng operating system driver base sa Microsoft Windows?
- ...na ang kadalisayan ng bawat kulay ay makikita mula sa loob ng bahaghari (nakalarawan)?
- ...na ang paraon ay isang pamagat para sa hari ng Egipto?
- ...na ang mga panitikang pambata ay nagsimula mula pa noong ika-pitong siglo?
- ...na ang bedelyo ay isang halamang mababasa mula sa Bibliya?
- ...na ang isa sa mga pinakaunang salaysaying maka-agham (halimbawa nakalarawan) ay nasulat sa loob ng ika-1600 dantaon?
- ...na ang Mehikanang si Thalía ay gumawa ng isang album na pinamagatang Nandito Ako?
- ...na ang Cacatua haematuropygia ng Pilipinas ay kabilang sa mga lorong katala na nanganganib na mawala mula sa mundo?
- ...na mayroong isang uri ng ibon na kung tawagin ay ibong karpintero?
- ...na ang kastanyo ay may labing-walong mga uri?
- ...na ang Klingones ay isang kathang-isip na wika sa Star Trek?
- ...na ang isang bahay ay matatawag lamang na tahanan kung may nakatirang pamilya sa loob nito?
- ...na nagsulat din si Noah Webster (nakalarawan) ng mga aklat hinggil sa ekonomiya, panggagamot, politika, kasaysayan at agham?
- ...na naglingkod si Carlos P. Romulo sa walong Pangulo ng Pilipinas magmula kay Pangulong Manuel Quezon hanggang kay Pangulong Ferdinand Marcos?
- ...na ang kalabasa ay may kulay na pinaghalong narangha at dilaw?
- ...na isang lutuing Pilipino ang kare-kare na may niligis o dinurog na mani at mga laman at paa ng baboy o laman at buntot ng baka?
- ...na sa pagpupursige ni Martin Luther King, Jr. ay nagdulot sa Martsa sa Washington noong 1963, kung saan inihayag niya ang kanyang talumpating Mayroon akong Pangarap ("I Have a Dream")?
- ... na maraming mga bihirang hayop at mga lihim na ilog sa Phong Nha-Ke Bang sa Vietnam?.
- ... na unang komersyal na pelikula na may elementong pagbatikos sa pamamalagi ng mga base militar ng Estados Unidos sa Pilipinas ang Minsa'y Isang Gamu-gamo?
- ... na noong Oktubre 16, 2002, ginawang santo ni Papa Juan Pablo II si Josemaría Escrivá?
- ... na natatangi ang Pasko sa Pilipinas sa buong mundo bilang may pinakamahabang pagdiriwang ng Pasko?
- ... na ang pugita ay isang cephalopod ng ordeng Octopoda na naninirahan sa mararaming iba-ibang mga rehiyon ng karagatan, lalo na ang mga hanay ng mga baklad?
- ... na itinatag ang Kilusang Propaganda ng mga Pilipinong ilustrado sa Madrid para sa layuning pampanitikan at kultural sa halip na politikal?
- ... na Lauro Z. de Guzman ang superyor ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Marikina?
- ... na mayroon lamang sa Windows at GNU/Linux ang scripting language na KonsolScript?
- ... na maliban sa pagpapalakad ng pamahalaan, isang mananalumpati at estratehista, isa ring opisyal ng Sandatahan ng Gran Britanya si Winston Churchill?
- ... na ang mga Gisaeng (binabaybay din na kisaeng), bukod sa pagtatanghal, ay maaari rin sila sa pananahi, pagbuburda, at maging sa panggagamot?
- ... na ang kalansay ay isang sistemang nagbibigay ng suportang pisikal sa mga organismo?
- ... na may kondom na panlalaki at pambabae?
- ... na ang sikmura ng tao ay kahugis ng isang bunga ng bataw?
- ... na ang sistemang respiratoryo (nasa larawan) ay binubuo ng mga tubo sa loob ng katawan ng tao?
- ... na ang Team Rocket ay may limang miyembro?
- ... na may tatlong uri ng mga selula ang dugo ng tao?
- ... na ang mga organo sa katawan ng hayop at halaman ay may takdang tungkulin o grupo ng mga tungkulin?
- ... na ang mga baga (nasa larawan) ay may mga tungkuling pang-hinga at hindi-panghinga?
- ... na maaari ring magkaroon ng malalaking mansanas ni Adan ang mga kababaihan?
- ... na mainam na panalat sa dilim ng mga kagamitang pambahay ang lulod ng tao?
- ... na ang Bayan ng Bantayan (nasa larawan) ay isang ika-2 klaseng bayan sa lalawigan ng Cebu, Pilipinas?
- ... na ang Star Wars Episode II: Attack of the Clones ay nangyari sampung taon pagkatapos ng mga panyayari sa unang bahagi ng Star Wars saga?
- ... na pipintig nang may 2.5 bilyong beses sa kahabaan ng buhay na may 66 taon ang karaniwang puso ng tao?
- ... na si Jimmy Wales (nakalarawan) ay isa sa mga tagapagtatag ng Wikipedia?
- ... na dalawang magkaibang espesye ng mga loro ang budgerigar at lovebird?
- ... na ang Końskowola ay isang nayon sa timog-silangang Poland?
- ... na ang mga daliri (nakalarawan) ay mayroon ding abnormalidad tulad ng polydactyly at hypodactyly?
- ... na si Ignacia del Espíritu Santo ang pinakaunang Pilipinang nagtatag ng isang kongregasyon para sa mga kababaihan sa Pilipinas?
- ... na ang Pamantasang Normal ng Pilipinas ay isang institusyong itinatag ng mga Amerikano para magsanay ng mga guro?
- ... na ang kangkong (nakalarawan) ay may tatlong karaniwang katawagan sa wikang Ingles?
- ... na si Philinda Rand ay isang Amerikanong guro ng Ingles sa Pilipinas mula 1901 hanggang 1907?
- ... na ang PinoyCentric ay isang blog na nakatuon sa sining, kultura at mga agham ng Pilipinas?
- ... na ang ashtray (nakalarawan) ay ginagamit din sa pagpapatalastas?
- ... na si Lorenzo M. Tañada ang may pinakamahabang panahon sa pagka-senador sa Kasaysayan ng Pilipinas?
- ... na si Stanley Karnow ang may-akda ng In Our Image: America's Empire in the Philippines?
- ... na si Gabe Baltazar ay isang Pilipino-Amerikanong alto-saxoponista sa larangan ng jazz?
- ... na si Fernando María Guerrero ay isang magiting na Pilipinong makata, tagapamahayag, poliglota at politiko noong ginintuang panahon ng panitikang Kastila sa Pilipinas?
- ... na ang Mataas na Paaralang Nasyonal na Pang-Agham ng Rizal ay mas kilala bilang RiSci?
- ... na si Psycho T ay isang Amerikanong manlalaro ng basketbol sa kolehiyo para sa Pamantasan ng North Carolina?
- ... na ang Goodbye America ay isang pelikula ng 1997 na tumatalakay sa pagsasara ng baseng hukbong-pandagat ng Estados Unidos sa baybayin ng Subic?
- ... na ang babaylan ay isang katawagan sa mga katutubong Pilipinang manggagamot at pinuno ng pamayanan?
- ... na ang egg-fish goldfish ay isang uri ng goldfish na hugis-itlog at walang palikpik sa likod?
- ... na ang musaka (nakalarawan) ay isang pagkaing batay sa talong?
- ... na ang Eksarkado ng Pilipinas ay isang hurisdiksyon ng Simbahang Ortodoksong Pilipino sa Pilipinas?
- ... na si Martha de San Bernardo ang pinakaunang Pilipinong naging madre sa Pilipinas at sa buong mundo?
- ... na ang hummus (nakalarawan) ay isang sawsawan na popular sa Gitnang Silangan?
- ... na si Sinibaldo de Mas ay isang diplomata ng pamahalaan ng Espanya sa Asya noong ika-19 siglo na nagpanimula ng potograpiya sa Pilipinas?
- ... na may mga lungsod na ang pangalan ay San Fernando sa La Union at sa Pampanga?
- ... na si Darren Mcfadden ay isang Amerikanong basketbolista mula sa Pamantasan ng Arkansas at kaunaunahang sophomore na nagantimpalaan ng Doak Walker Award?
- ... na ang tungkulin ng Serbisyo ng Interpretasyon ng Mga Nagkakaisang Bansa ay ang pagsasalin ng mga nagaganap na pagpupulong sa mga wikang Arabo, Intsik, Ingles, Pranses, Ruso at Kastila?
- ... na si Jeff Burton ay isang drayber pangarera ng NASCAR Nextel Cup Series?
- ... na maaaring tumukoy ang salitang transmutasyon sa mitisismo, pisika, relihiyon at iba pa?
- ... na ang oligarkiya ay isang uri ng pamahalaan kung saan ang kapangyarihang pampulitika ay nakasalalay sa isang maliit na pangkat ng mga piniling tao ng lipunan?
- ... na ang Mga Kabataan ng Zion ay isang akda ni Henryk Grynberg na isinalin ni Jacqueline Mitchell (nakalarawan), isang tagapag-salin sa Mga Nagkakaisang Bansa?
- ... na ang Tratado ng Paris ay isang kasunduan na nagbibigay-karapatan sa mga Pranses na sakupin lahat ng mga ari-arian ng Espanya sa Río Muni kung ginusto ng huli na abandonahin ito?
- ... na ang pangalang Muhammad ay may higit pa sa tatlong anyo ng pagbabaybay?
- ... na ang tuldik ay dinadagdag sa isang titik upang mapalitan ang paraan ng pagbigkas ng mga salita?
- ... na ang pinakamalapit na katumbas ng salitang ulam sa wikang Ingles ay ang salitang viand?
- ... na si Teodoro Plata ay isa sa mga bayaning Pilipino na nagtatag ng Katipunan?
- ... na si Jimmy Clausen ay isang Amerikanong manlalaro ng football para sa Pamantasan ng Notre Dame?
- ... na si Lev Šestov (nakalarawan) ay isang pilosopong eksistensyalista mula sa bansang Rusya?
- ... na ang Kongreso ng Pilipinas ay binubuo ng dalawang kapulungan?
- ... na ang kasaysayan ng agham at teknolohiya ay isang larangan kung saan sinusuri kung paano inuunawa ng buong sangkatauhan ang mga pagbabago sa agham at teknolohiya sa loob ng dantaon?
- ... na si Sandara Park ay isang artistang Koreana na sumikat sa Pilipinas?
- ... na Ang Panday ay isang fantaserye na ibinatay sa kwentong komiks sa panulat ni Carlo J. Caparas?
- ... na ang Babaeng May Pamaypay (nakalarawan) ay isang dibuho ni Diego Velázquez na kung saan ang modelo ay hindi pa nakikilala ng husto ng mga eksperto sa larangan ng sining?
- ... na si Irene Saunders ang may-akda ng diksyunaryong Ingles-Intsik na pinamagatang Ang Tamang Salita sa Intsik?
- ... na ang sawikain ay isa o grupo ng mga salita na nagpapahiwatig ng sentimyento ng mga tao, mga bansa at mga institusyon tulad ng unibersidad o empresa?
- ... na may dalawang pangunahing uri ang panitikan?
- ... na mga gobernador-heneral ang namumuno sa Pilipinas noong kapanahunan ng mga Kastila at Amerikano?
- ... na ang Korte Suprema ng Pilipinas (gusali nakalarawan) ay ang pinakamataas na hukuman sa Pilipinas?
- ... na ang Microsoft Windows ay isang pamilya ng mga operating system na gawa ng Microsoft na inilabas noong Nobyembre 1985 bilang dagdag sa MS-DOS?
- ... na marami pang pamamaraan ng pagluluto bukod sa paggamit ng init?
- ... na ang reaksyong kimikal ay isang prosesong nagiging sanhi ng isang pagpapalitan ng mga sustansyang kimikal?
- ... na si Padre Leo James English ay isang Australyanong may-akda sa dalawang pinakaunang diksyunaryong pang-dalawang wika sa Pilipinas?
- ... na ang unang pelikula ng direktor na si Richard Abelardo ay ang Malikmata noong 1948?
- ... na si Thales (nakalarawan) ay isa sa mga pitong paham ng Gresya?
- ... na ang metapisika ay isang sangay ng pilosopiya na may kaugnayan sa mga agham-pangkalikasan at mga paksang espirituwal?
- ... na unang nasilayan ang aktor na si Ramon d'Salva sa pelikulang Suwail ng 1949?
- ... na ang Aa ay isang ilog na matatagpuan sa Hilagang Pransya?
- ... na ang matematikal na lohika ay isang disiplina kung saan pinag-aaralan ang mga pormal na sistema na may kaugnayan sa pundasyon ng matematika?
- ... na ang Kanlaon (nakalarawan) ay isang bundok na nasa pagitan ng mga lalawigan ng Negros Occidental at Negros Oriental sa kapuluang Visayas ng Pilipinas?
- ... na ang ab incunabulis ay isang pariralang Latin na ang kahulugan ay "mula sa duyan"?
- ... na ang abaka ay isang klase ng pibro na gawa sa sanga ng punong saging?
- ... na ayon sa mga alamat ng Pilipinas, si Maria Makiling (nakalarawan) ay isang diwata na nagbabantay ng Bundok Makiling?
- ... na ang Bleach ay isang manga at anime tungkol sa buhay ng estudyanteng si Ichigo Kurosaki?
- ... na ang Labanan ng Pagpapalaya sa Maynila noong 1945 ay isang serye ng labanan na nagtapos sa halos tatlong taon na pagsakop ng mga Hapones sa Pilipinas sa pagitan ng mga sundalong Pilipino, Amerikano at ang mga gerilya sa Maynila?
- ... na nagsimula ang Roma bilang isang siyudad-estado na pinamumunuan ng isang hari?
- ... na si Javaris Crittenton ay isang propesyunal na basketbolista mula sa Estados Unidos at naglalaro bilang point guard sa koponan ng Los Angeles Lakers?
- ... na Ang Munting Prinsipe ay isang akdang Pranses ni Antoine de Saint-Exupéry?
- ... na si Jaime Castellví ay naging artista noong panahon ng mga silent movie?
- ... na si Obi-Wan Kenobi ay isang tauhan mula sa mga kuwento ng Star Wars?
- ... na ang millipede ay isang arthropod na may mahigit sa dalawampung paa?
- ... na ang Mac OS ay isang serye ng mga operating systems para sa kompyuter ng kumpanyang Apple at una itong nakilala bilang Macintosh noong 1984?
- ... na mas malapad at maikli ang ulo ng mga alligator (nakalarawan) kaysa sa mga buwaya?
- ... na ang salitang sanitasyon ay hindi lamang patungkol sa isang gawaing pangkalinisan?
- ... na ang ablutophobia ay isang uri ng phobia na ang isang tao ay may takot sa pagligo?
- ... na ang Botika sa Baryo ay isang pelikulang Pilipino na ipinalabas noong 1960 at kinabibidahan nina Diomedes Maturan, Marita Zobel at Bayani Casimiro?
- ... na nalalaman ng mga astronomo ang mga katangian ng isang bituin (nakalarawan) sa pamamagitan ng pagmamatyag ng espektrum, ningning at kilos nito sa kalawakan?
- ... na may anim na edisyon ang Microsoft Windows Vista sa kasalukuyan?
- ... na ang ika-12 Palaro ng Timog Silangang Asya noong 1983 ay ginanap sa Singapore imbis na sa Brunei Darussalam?
- ... na ang Mirmo! ay isang seryeng anime mula sa bansang Hapon?
- ... na ang basketbolistang si Ronald Glen Davis mula sa Baton Rouge, Louisiana ay mas kilala bilang "Big Baby"?
- ... na ang Bayan ng Kapalong (nakalarawan ang mapa) ay isang bayan sa lalawigan ng Davao del Norte, Pilipinas?
- ... na ang Microsoft Windows ay isang pamilya ng mga operating system na gawa ng korporasyong Microsoft?
- ... na si Akira Kushida ay isang mang-aawit para sa Anime mula sa bansang Hapon?
- ... na si Kuh Ledesma ang kauna-unahang Pilipino na nagkamit ng Salem Music Awards sa London?
- ... na ang mga ilustrado ang nagkalat ng ideya ng nasyonalismo sa Pilipinas noong panahon ng mga Kastila?
- ... na si Jeronima de la Asuncion (nakalarawan) ang nagtayo ng pinakaunang monasteryo ng mga madre sa Maynila at sa Asya?
- ... na si Daequan Cook ay isang Amerikanong basketbolista para sa koponan ng Miami Heat?
- ... na ang Kasunduang Schengen ay isang kasunduan ng mga estadong Europeo na sumasang-ayon para sa pagwawalang-bisa ng mga sistematikong kontrol ng mga hangganan?
- ... na ang cuneiform ay isang paraan ng pagsulat ng mga Sumerian?
- ... na ang mitopilosopiya ay isang pag-aaral na nakatuon sa pagkilala sa sarili?
- ... na ang mga Ivatan ay naniniwala sa mga pamahiin?
- ... na tungkol sa kuwento ng limang dalaga ang W.I.T.C.H.?
- ... na ang pinuno ng barangay bago dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ay ang datu?
- ... na ang pinakahilaga at pinakakanlurang lalawigan ng Thailand ay ang Mae Hong Son (nakalarawan ang mapa)?
- ... na naganap ang tatlong makasaysayang pangyayari ng Pilipinas sa Simbahan ng Barasoain?
- ...na ang abestrus (nakalarawan) ang pinakamalaking ibong nabubuhay ngayon?
- …na ang Kalakhang Cebu ang isa sa dalawang opisyal na takdang kalakhan sa Pilipinas?
- …na naglalaman ang paelyang Pilipino ng higit na nakararaming húling-dagat kaysa sa uring Kastila?
- ...na ang Bank of the Philippine Islands ay ang pinakamatandang bangko sa Pilipinas na bukas pa para sa operasyon at ang ikalawang pinakamalaki?
- ...na isa sa mga pinakatanyag na seryeng Hapon na super robot anime sa Pilipinas ang Voltes V, bagaman, nagkaroon ng intriga politikal at kontrobersiya pagkatapos ipagbawal ito ng dating Pangulong Marcos?
- ...na isang nagngangalang Valentin Viola na kaibigan ni Jose Rizal ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang El Filibusterismo noong Setyembre 22, 1891?
- ...na naging tanyag ang pagsuot ng Barong Tagalog sa pamamagitan ni dating Pangulong Ramon Magsaysay ng Pilipinas?
- ...na tinuturing ang gawa ni Dante Alighieri na la Divina Commedia (Ang Banal na Komedya) bilang ang pinakadakilang pangungusap pang-panitikan sa Europa noong Gitnang Panahon, at ang batayan ng makabagong wikang Italyano?
- ...na noong 1999, nagkasama muli ang The Dawn kasama sina Francis Reyes at Atsushi Matsuura sa gitara at nagpatugtog sa 2000 today Global Millennium Day Broadcast ng GMA Network sa Abenida ng Ayala, Lungsod ng Makati, at sa taong din na iyon ni-rekord nila ang Prodigal Sun.
- ...na ang Villeneuve d'Ascq ay lungsod sa pinakahilagang bahagi ng Pransya, sa département ng Nord, 10 km ang layo mula sa hangganan ng Belhika?
- ...na isa si Bill Gates sa mga sumulat ng larong pang-kompyuter na DONKEY.BAS para sa PC-DOS operating system?
- ...na ang Lating Pansimbahan, na may sariling pamamaraan ng pagbigkas, ang uri ng Latin na ginagamit ng Simbahang Katoliko?
- ...na si Sir Isaac Newton ay isang Ingles na pisiko, matematiko, astronomo, pilosopo, at alkimiko?
- ...na ang ESPN ay isang tsanel sa telebisyong kaybol, na pinapalabas sa Estados Unidos, mula pa noong 1979?
- ...na ginagamit pa rin ang abacus ng mga mangangalakal at kleriko sa Tsina at mga iba pang lugar?
- ...na kabilang sa malalaking tagapag-ani ng tubo ang Brasil, Indya, at Tsina?
- ...na Olandes ang orihinal na sinasalitang wika sa lungsod ng Dunkerque sa France?
- ...na nahati sa Timog Korea at Hilagang Korea ang Korea pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
- ...na bukod kay Mario at Luigi, ay mayroon ring Wario at Warluigi sa Nintendo?
- ...na nanalo ang drayber ng NASCAR na si Tony Stewart sa Winston Cup Championship noong 2002?
- ...na ang awiting Pinoy Ako ay nasa loob rin ng album na may parehong pamagat?
- ...na Ilocano ang wikang gamit (lingua franca) ng halos kabuaan ng Hilagang Luzon lalo na sa Rehiyon ng Ilocos, sa Lambak ng Cagayan at sa maraming bahagi ng Abra at Pangasinan at marami ring mga nagsasalita ng Iloko sa Nueva Ecija, Tarlac, Mindoro at sa ilang lalawigan sa Mindanao?
- ...na ang València ang pangatlong pinakamataong lungsod sa Espanya na itinatag noong 138 AD, ayon sa konsul Romano na si Decimus Junius Brutus?
- ...na may lahing Irish ang tatay ni Michelle Branch at may lahing Olandes, Indonesian (Javanese), at Pranses naman ang kanyang ina na nagresulta sa kanyang anyong Eurasian?
- ...na ayon sa opisyal na posisyon ng pamahalaan ng Pilipinas, ang wikang Tagalog ang batayan para sa pambansang wikang Filipino?
- ...na ang Québec ang tanging lalawigan ng Canada na kung saan ang Ingles ay hindi opisyal na wika (sa antas panlalawigan)?
- ..na nasa lahat ng uri ng Windows operating system ng Microsoft ang blue screen of death sa iba't ibang anyo simula pa noong Windows 3.1 na bersyon.
- ...na hindi pa alam noon ang estruktura sa loob ng atomo nang gawin ang unang talaang peryodika
- …na bituin ang huling salita sa bawat tatlong bahagi o cantica ng Banal na Komedya ni Dante Alighieri?
- …na nasa urban ang karamihan ng mga taga-Ehipto, nakatira sa mga matataong lugar katulad ng Cairo, ang pinakamalaking lungsod sa Aprika, at Alexandria?
- ...na nagkaroon ng interes si Charles Darwin sa likas na kasaysayan habang nag-aaral ng medisina noong una, pagkatapos teolohiya, sa isang pamantasan.
- ...na base ang palabas na Pinoy Big Brother sa Big Brother na nagmula sa Kaharian ng Lupaing Olandes noong 1999.
- ...na mahirap o imposibleng makagawa ng pribadong kita sa isang public good, dahil nabigong isaalang-alang ng merkado ang malaki nitong kapakipakinabang na mga externality.
- ...na sa pangkalahatan, sinusubok ng mga likas na agham ipaliwanag ang mga gawa ng mundo sa pamamagitan ng mga natural na proseso sa halip na prosesong pang-diyos.
- ...na nagpapatangay lamang sa hangin ang ibang mga mamalya, katulad ng mga lumilipad na ardilya o mga palanger ngunit ang paniki lamang ang totoong lumilipad.
- ...na bago pa noong 1925, nagkakahalaga ng 50 piso ang isang kalabaw.
- ...na matatagpuan sa Lawa ng Bato at Lawa ng Buhi sa Camarines Sur ang isdang pinakamaliit na komersyal na inaani, ang Sinarapan.
- ...na ang Harbin ay tinatawag na “Silangang Moskva” o “Silangang Paris” dahil sa arkitektura ng lungsod?
- ...na ang 2003 UB313 ay hindi ang Planet X, ang planeta na hinahakang magpapaliwanag ng mga anomalya sa mga orbit ng mga panlabas na planeta o outer planet?
- ...na ang Saint-Petersburg ang pinakahilagang lungsod sa daigdig na may populasyong humihigit isang milyon?
- ...na kadalasang tinutukoy ang DNA bilang molecule ng pagkakamana (heredity), dahil ito ang responsable sa henetikong pagpapalaganap ng karamihan sa minanang katangian.
- ...na dinagdag ng mga Katoliko ang mga aklat na Deuterokanoniko sa Lumang Tipan ng Biblia?
- ...na unang pinanukula ang Kalendaryong Gregorian ng isang doktor na taga Neapolitan na si Aloysius Lilius?
- ...na bukod sa Internet Explorer, mayroon pang ibang web browsers gaya ng Mozilla, Mozilla Firefox, Safari, Epiphany, Konqueror at Opera?
- ...na kung ang alpabetong Filipino ay may 28 titik, mayroon naman 30 titik Wikang Bulgaro sa kanilang alpabeto?
- ...na kabilang sa mga pinakamaunlad na bansa ang Pilipinas matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ngunit nalampasan na ito ng mga karatig-bansa dahil sa mahinang paglago ng ekonomiya at dahil na rin sa malawakang katiwalian sa pamahalaan?