Lungsod ng San Fernando, Pampanga
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Lokasyon | |
Mapa ng Pampanga na nagpapakita sa lokasyon ng San Fernando | |
Pamahalaan | |
Rehiyon | Gitnang Luzon (Rehiyon III) |
Lalawigan | Pampanga |
Distrito | Ikatlong distrito of Pampanga |
Mga barangay | 35 |
Kaurian ng kita: | Ikalawang klaseng lungsod; komoponente |
Alkalde | Oscar Samson Rodriguez (Lakas-CMD) |
Pagkatatag | Agosto 16, 1754 |
Naging lungsod | Pebrero 4, 2001 |
Opisyal na websayt | Opisyal na Websayt ng Lungsod ng San Fernando, Pampanga |
Mga pisikal na katangian | |
Lawak | 67.74 km² |
Populasyon | 221,857 3,275/km² |
Mga coordinate | 15 00 N, 120 38 E |
Ang Lungsod ng Fernando, (Kapampangan: Lakanbalen ning San Fernando/Siudad ning San Fernando; Ingles: City of San Fernando) ay isang lungsod sa probinsya ng Pampanga. Ito ang kabiserang lungsod ng Pampanga at ang sentrong panrehiyon ng Gitnang Luzon (Rehiyon III). Ang lungsod ay kilala sa mga parol nito at binansagang "Christmas Capital of the Philippines" (Kabiserang Pangkapaskuhan ng Pilipinas). Ang taunang Giant Lantern Festival (Pista ng mga Higanteng Parol) ay isinasagawa ng lungsod tuwing Disyembre.
Ayon sa senso noong taong 2000, mayroon itong 221,857 na katao sa 43,649 na kabahayan. Ito ay may layong 67 kilometro mula sa Maynila, 50 kilometro mula sa Look ng Subic sa probinsya ng Zambales at 16 na kilometro mula sa Paliparang Clark sa Lungsod ng Angeles. Ang lungsod ay nasa gitna ng mga sanga-sangang kalsada sa Gitnang Luzon. Ang lungsod ay ipinangalan kay Fernando VI ng Espanya at inilagay sa pangangalaga ni San Fernando, Hari ng Castile at Leon, kung saan ang kapistahan ay ipinagdiriwang tuwing Mayo 30.
Mga nilalaman |
[baguhin] Kasaysayan
Ang bayan ng San Fernando ay nilikha mula sa mga bayan ng Bacolor at Mexico. Ang unang simbahan ay itinayo noong 1755 na may mga pader na yari sa kahoy at bubungan na nipa. Ang tribunal municipal ay sumunod na itinayo sa harap ng plaza ng bayan. Si Don Vidal de Arrozal ay ang unang gobernadorcillo noong taong iyon.
Noong 1796, matapos manilbihan bilang gobernadorcillo noong nakaraang taon, si Don Angel Pantaleon de Miranda ay nagbitiw at nagtungo sa Baryo Saguin kung saan nagtayo siya ng hacienda niya sa Baryo Culiat. Ang barrio ay inihiwalay sa San Fernando noong Disyembre 8, 1829 bilang bagong bayan ng Angeles.
Isang expediente na nakikiusap na ilipat ang kabisera ng Pampanga sa San Fernando ay nilagdaan noong Agosto 6, 1852. Ang Real Cedula 745, na nagpapatibay sa paglilipat ng kabisera ng Pampanga mula Bacolor sa San Fernando ay nilagdaan noong Setyembre 11, 1881. Ang paglilipat na ito ay hindi matutuloy.
Noong 1878, may mga hakbang na isinagawa upang itatag ang bayan ng Calulut. Ang bayan na ito ay bubuuin ng Calulut at ng mga baryo ng Bulaun, Malpitic, Sindalan, La Paz, Lara, Saguin, Telebastagan, Balete, Malinao, Pulung Bulu, Panipuan, Macabacle, at ang caserio ng Pau sa San Fernando at Panipuan, Acle, Suclaban at ang sitio ng Gandus sa Mexico. Ito ay hindi natuloy dahil sa pagtutol ng cura paroco ng San Fernando.
Pinasinayaan ni Gobernador-Heneral Eulogio Despujol at ni Arsobispo ng Maynila Bernardino Nozaledo ang istasyon ng tren ng San Fernando kasama ng bahagi ng Bagbag-Mabalacat ng daang bakal ng Maynila-Dagupan noong Pebrero 23, 1892. Ang estasyon ay pumangalawa lamang sa Maynila sa kita noong taong iyon at ang pinakaimportanteng istasyong pambrobinsya ng daang bakal ng Maynila-Dagupan. Noong Hunyo 27 nang taong din iyon, ang pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal ay tumigil muna sa bayan bilang bahagi ng kanyang misyon na humikayat ng mga kasapi sa La Liga Filipina.
Noong Setyembre 1, 1896 ang bayan ay idineklarang nasa gitna ng digmaan kahit na mapayapa ang sitwasyon. Si Heneral Diego de los Rios ay dumating noong Disyembre 2 upang pahupain ang rebolusyon na nagsimula sa Maynila noong Agosto 30. Si Heneral Ruiz Serralde ang pumalit kay Heneral Rios noong Hunyo 26, 1897 to panatilihin ang kapayaan sa San Fernando. Ang rebolusyon ay wala pa sa kahigitan nito at mayroon lamang manaka-nakang palitan ng putok sa ibang lugar sa Pampanga.
Noong Hunyo 26, 1898, ang mga kinatawan mula sa mga bayan ng Pampanga maliban sa Macabebe ay nagtipon sa San Fernando upang manumpa ng katapatan kay Hen. Maximino Hizon na siyang gobernador militar ng probinsya at sa kinatawan ni Hen. Emilio Aguinaldo. Noong Oktubre 9, si Heneral Emilio Aguinaldo kasama ng kanyang gabinete ay binisita ang bayan at masayang sinalubong ng mga tao. Siya ay nagtungo sa convento na nagsisilbing pamunuan ng militar noon.
Noong Mayo 4, 1899, sinunog ng mga rebolusyonaryong hukbo na pinamumunuan ni Heneral Antonio Luna ang casa municipal, ang simbahan ng bayan at ang ilang bahay upang mawalan ito ng saysay sa mga paparating na mga Amerikano. Noong Hunyo 16, dahil sa lokasyon ng bayan, si Presidente Aguinaldo mismo ang namuno sa mga Pilipino sa labanan sa San Fernando. Ang plano upang bawiin ang bayan ay nabigo. Ang Calulut ay bumagsak sa mga Amerikano noong Agosto 9.
Noong Agosto 15, 1904, ang kabisera ng Pampanga ay nailipat sa San Fernando mula Bacolor, sa pamamagitan ng Act No. 1204 na nilagdaan noong Hulyo 22, 1904. Ito ay noong termino noong Gobernador Macario Arnedo at Pangulong Municipal Juan Sengson. Ang bayan ng Minalin ay naging bahagi ng San Fernando noong ding taong iyon. Naging bayan muli ang Minalin noong 1909.
Noong Enero 2, 1905, ang bayan ng Santo Tomas ay naging bahagi ng San Fernando sa pamamagitan ng Act 1208.
Noong Agosto 12, 1904, si Kalihim ng Digmaan William H. Taft ay bumisita sa bayan upang makakuha ng impormasyon at magkaroon ng ideya para sa pamamahala ng Pampanga. Dahil sa maikli pasabi, ang pavilion na gawa sa kawayan ay minadali para sa kanyang pagdalaw kung saan siya ay sinalubong ng 200 tao.
Noong 1921, ang Pampanga Sugar Development Company (PASUDECO) ay nagsimula na ng kanilang operasyon. Ang kumpanya ay nabuo noong 1918 sa pamamagitan nina Jose de Leon, Augusto Gonzales, Francisco Liongson, Tomas Lazatin, Tomas Consunji, Francisco Hizon, Jose Henson, at Manuel Urquico sa bahay ni Gobernador Honorio Ventura bilang bahagi ng plano na magtayo ng isang lokal na sentrong pinansyal.
Noong 1932, ang Partido Sosyalista ng Pilipinas ay itinatag ni Pedro Abad Santos. Dalawang taon mula noon, itinatag at pinamunuan niya ang Aguman Ding Madlang Talapagobra (AMT). Ang bahay ng mga Abad Santos sa San Jose ang naging pamunuan ng mga militanteng magsasaka.
Noong Pebrero 14, 1939, pinasinayaan ni Pangulong Manuel L. Quezon ang kanyang programang katarungang sosyal sa harap ng mga nagtipun-tipong mga magsasaka sa harap ng kapitolyo.
Noong 1941, sinakop ng mga Hapones ang bayan at inilagay ang gobyernong municipal sa kanilang pamumuno. Nang sumunod na taon, libu-libong Pilipino at Amerikano ang pinaglakad mula Bataan hanggang sa istasyon ng San Fernando, ito ang Martsa ng Kamatayan.
Noong 1945, nagsimula ang pagpapalaya sa bayan ng San Fernando, Pampanga na ang pakikipaglaban sa pagitan ng mga sundalong Pilipino, Amerikano at mga gerilyang Kapampangan na silang kalabanin ng pwersa ng hukbo ng Imperyong Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Noong 1952, ang bayan ng Santo Tomas ay inihiwalay sa San Fernando.
Noong 1986, si Mayor Paterno Guevarra ay inatasan upang mamuno sa bayan matapos ang Rebolusyon sa EDSA na nagpabagsak sa rehimeng Marcos ng taong iyon. Siya rin ang inihalal bilang alkalde ng bayan.
Noong 1990, pinasinayaan ni Pangulong Corazon Aquino ang Paskuhan Village, ang unang pang-kapaskuhang bayan sa Asya at ikatlo sa daigdig. Noong sumunod na taon, pumutok sa bulkang Pinatubo matapos ang 600 na taong pananahimik na nagdulot ng pagbagsak ng abo at buhangin sa bayan.
Noong Oktubre 1, 1995, si Bagyong Sibyl (Mameng) ay tumama sa bayan. Nagdulot ito ng pagbaha at pag-agos ng putik mula sa Pinatubo patungo sa bayan. Ang mga barangay ng Santo Nino, San Juan, San Pedro Cutud at Magliman ay matinding tinamaan ng lahar. Ang mga tao sa bayan ng San Fernando ay nagkaisa upang makalikom ng pondo upang itayo ang St. Ferdinand People's Dike. Ang Pampanga Megadike ay itinayo ng sumunod na taon, kaya napigilan ang pagkawasak ng bayan.[1]
[baguhin] Mga dating alkalde
CAPITANES MUNICIPALES[2]
|
|
|
PRESIDENTES MUNICIPALES
|
REPUBLIKA NG PILIPINAS
|
[baguhin] Pagkalungsod
Noong Enero 6, 1997, si Alkalde Rey B. Aquino at Senadora Gloria Macapagal-Arroyo ay nagpasimula ng kampanya para sa pagkalungsod. Noong Abril 27 ng taong ding iyon, si Rep. Oscar Rodriguez ay naghain ng House Bill blg. 9267 na gagawa ng Lungsod ng San Fernando.
Noong 2000, pinirmahan nina Ispiker ng Mababang Kapulungan Arnulfo Fuentebella at Pangulo ng Senado Aquilino Q. Pimintel ang tsarter ng lungsod ng San Fernando noong Disyembre 4 at 13.
Ang bayan ay opisyal na naging lungsod na komponente noong Pebrero 4, 2001 matapos ang ratipikasyon ng Republic Act 8990 na nilikha ni Rep. Oscar Rodriguez sa isang plebisito noong nakaraang araw. Si Dr. Rey B. Aquino ang naging unang alkalde ng lungsod. Ang ratipikasyon ng Republic Act 8990 ang naging daan upang maging ika-99 na lungsod ng Pilipinas ang San Fernando.
[baguhin] Mga barangay
Ang Lungsod ng San Fernando ay nahahati sa 35 barangay.
|
|
|
[baguhin] Ekonomiya
Matatagpuan sa puso ng probinsya, ang Lungsod ng San Fernando ay may 2 pampublikong palengke, 39 na bangko, 48 na imbestor, 38 na sanglaan, 17 gasolinahan, 3 sinehan, 29 pribado at pampublikong paaralan, 7 ospital, 13 opisinang pandentista, 9 na otel, 28 na tindahan ng mga gamot, 7 disco, 6 na palitan ng pera, 15 pabrika ng damit, 24 na groseri, 7 supermarket, 42 kompanya ng insurance, 16 ahente ng seguridad, 70 restorant at fast food chains. Bukod sa pagiging kabisera ng Pampanga, halos lahat ng Pilipinong bankong institusyon, militar at mga ahensya ng gobyerno ay may opisinang panrehiyon sa lungsod.
[baguhin] Panlabas na mga Websayt
- Opisyal na Websayt ng Lungsod ng San Fernando
- Mga Larawan at Impormasyon mula sa Lungsod ng San Fernando, Pampanga
- Pamantayanng Heograpiya ng Pilipinas
- Impormasyon tungkol sa senso ng Pilipinas noong 2000
- Opisyal na Websayt Philippine Tourism Authority
- Propayl ni Alkalde Oscar Rodriguez
[baguhin] Talasanggunian
- ↑ Isinalin ang bahaging ito mula sa English Wikipedia sa wikang Filipino.
- ↑ Henares, Ivan Anthony S. "A Brief History of San Fernando, Pampanga 1754-2004"
Lalawigan ng Pampanga | |
Lungsod: | Lungsod ng Angeles | Lungsod ng San Fernando |
Bayan: | Apalit | Arayat | Bacolor | Candaba | Floridablanca | Guagua | Lubao | Mabalacat | Macabebe | Magalang | Masantol | Mexico | Minalin | Porac | San Luis | San Simon | Santa Ana | Santa Rita | Santo Tomas | Sasmuan |