Wikipedia:Patungkol
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang Wikipedia ay isang ensiklopedya na may malayang nilalaman na magsamang sinulat ng mga taga-pagambag mula sa buong mundo. Wiki ang site na ito, nangangahulugang na maaaring i-edit ng kahit sino ang mga artikulo sa pamamagitan ng pag-klik sa baguhin link.
Ang Wikipedia ay isang palatandaan ng Wikimedia Foundation, Inc.
Sinasakop ng GNU Free Documentation License (GFDL) ang lahat ng teksto sa Wikipedia, at karamihan ng mga larawan at iba pang nilalalaman. Nanatiling pag-aari ng mga lumikha ang mga inambag, samantala tinitiyak ng GFDL license na malayang ipamahagi at muling ilabas ang mga nilalaman (tignan ang copyright notice at ang content disclaimer para sa karagdagan impormasyon).
Mga nilalaman |
Tungkol sa Tagalog na Wikipedia
Ang Tagalog Wikipedia ay ang edisyon ng Wikipedia sa wikang Tagalog.
Kasaysayan
Sinimulan ang Tagalog Wikipedia, Ang Malayang Ensiklopedya, noong Disyembre 2003. Sa kasalukuyan, mayroon na itong 16,850 mga artikulo.[1]. Naging ika-10,000 artikulo ang Bantayan, Cebu noong Oktubre 20, 2007, samantalang ang Pasko sa Pilipinas ang naging ika-15,000 noong Disyembre 24, 2007.[2] Naabot ang ika-16,000 artikulo nang malathala ang Pandaka pygmaea noong Marso 11, 2008.[3]
Mga unang hakbang ng Tagalog Wikipedia
- Ang unang naikargang artikulo ay Wikipedia (maliban sa Unang Pahina), noong Marso 25, 2004.
- Noong maluwag pa ang pamantayan ng Tagalog Wikipedia, ang pinaka-unang Napiling Artikulo ay ang Livestrong wristband, ngunit napalitan ito ng artikulong Kimika (ayon sa nabagong pamantayan).[4] Ngunit napalitan din ang Kimika dahil sa isang proseso ng pagsusuri at pagbabalik-tanaw.[5]
- Gayundin, ang unang Napiling Larawan ay ang Image:Flutterbye.jpg para sa artikulong Paru-parong Viceroy, subalit napalitan ng Image:St Vitus stained glass.jpg na para sa artikulong Katedral ng San Vitus.[6]
- Ang tatlong unang artikulong pang-Alam Ba Ninyo? ay ang Web browser, Wikang Bulgaro at Pilipinas.[7]
- Naaprubahang may kundisyon ang Tagalog Wikinews noong Disyembre 19, 2007.[2]
- Nagkaroon ng seksyong Sa Araw na Ito sa Unang Pahina noong Abril 2, 2008, ngunit pansamantalang itinago ito noong Mayo 3, 2008 dahil sa kakulangan ng taga-ambag sa bahaging ito.[8][9]
Mga talasanggunian
- ↑ Tagalog Wikipedia Home Page, isinangguni noong: Oktubre 20, 2007
- ↑ 2.0 2.1 Mula sa Announcements (Mga Paunawa) sa Wikipedia:Tambayan ng Ingles na Wikipedia
- ↑ Mula sa pahina ng usapan ng Pandaka Pygmaea
- ↑ Mula sa Supnayan ng Tagalog Wikipedia
- ↑ Wikipedia: Pagbabalik-tanaw sa artikulong Kimika, Marso 25-26, 2008
- ↑ Mula sa Supnayan ng Tagalog Wikipedia.
- ↑ Mula sa pahinang pangkasaysayan ng Suleras ng Alam Ba Ninyo?
- ↑ Mula sa kasaysayan ng Wikipedia:Mga pangyayari noong unang panahon
- ↑ Mula sa kasaysayan ng Unang Pahina
Tingnan din
Ibang mga wika sa Pilipinas na may Wikipedia
Mga panlabas na kawing
Mga kawing patungo sa ibang mga edisyon ng Wikipedia sa ibang mga wika sa Pilipinas
- Cebuano Wikipedia
- Ilocano Wikipedia
- Kapampangan Wikipedia
- Pangasinan Wikipedia
- Waray-Waray Wikipedia
- Zamboangueño Wikipedia