Wikipedia:Supnayan ng mga nagdaang napiling larawan
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
- Ito ang mga tala ng mga napiling larawan. Kung nais mong mag-nomina ng larawan pumunta sa pahina ng nominasyon.
Mga napiling larawan sa Wikipedia Itinatangi ng pahinang ito ang mga larawan na itinuturing ng pamayanan na maganda, kabighabighani, kaakit-akit at/o nakapagbibigay-kaalaman. Isa itong namamasid at napagmamasdang katumbas ng nababasang mga napiling artikulo at dahil gayon mas makapaksa. Tinipon ang mga larawan sa supnayang ito upang mapagmasdan mo. Mayroon ding mga napiling larawan sa Wikimedia Commons at mga kategorya ng napiling larawan sa Wikimedia Commons na mailalagay sa mga panoorang pangkompyuter. Sa ngayon, mayroong mga 21 napiling mga larawan sa Tagalog na Wikipedia. Nilalagyan ng tag o tatak na ganito ang mga larawang napili sa kanilang pahina ng talaksan at sa pahina ng usapan, kasama ang petsa kung kailan ito naganap: Kung mayroon kang ibig idagdag na larawan para maging napiling larawan, iharap ito sa pahina ng nominasyon. Dapat lamang na nasa dominyong publiko o nasasakop ng malayang lisensiya ang mga larawang nakatala rito. Kapag napili ang larawan, magkakaroon din ito ng isang maliit na bituing tanso () sa pang-itaas na kanang sulok ng pahina ng usapan ng larawan upang - bukod pa sa tatak na nasa itaas - talagang maipapahiwatig na napili nga ang larawan. Maaari mong ilagay sa iyong pahina ng tagagamit ang kahon ng napiling larawan, sa pamamagitan ng pagdaragdag ng tekstong {{napiling larawan}} o {{NL}} kung saan mo man ibig palitawin ang larawan. Paalala: Isinasama sa paglalagay sa unang pahina ang pangalan ng tagagamit na gumawa (orihinal na kumuha o nag-ambag) ng larawan o litrato. Huwag po sana itong kalilimutan. At mangyari pong limitahan lamang ang mga pananalitang naglalarawan ng larawan sa dalawa hanggang tatlong pangungusap. |
Mga kasangkapan para sa mga napiling artikulo: |
||||||||||||||||||||||||
Mga nilalaman
|
|||||||||||||||||||||||||
[baguhin] Kasalukuyang Napiling LarawanAng langaw at bangaw ay mga insektong may isang pares ng pakpak sa mesothorax at isang pares ng halteres. Sila ay kumakain ng mga dumi; dahil dito, ang kulisap na ito ay naging kilalang nagpapakalat ng sakit katulad ng malaria, dengue, West Nile virus, yellow fever at encephalitis. Ang langaw ay isa ring simbolo ng kamatayan sa Bibliya at sa mga mitong Griyego. Nakatutulong ang ibang uri ng mga langaw sa polinasyon ng mga bulaklak. Kuha ni: Richard Bartz [baguhin] Nagdaang larawan
Ang Hundred Islands National Park ay isang destinasyong panturista na matatagpuan sa Barangay Lucap, Lungsod ng Alaminos, Pangasinan, Pilipinas. Ito ang unang pambansang parke ng Pilipinas. Binubuo ito ng 124 pulo, ngunit 123 pulo lamang ang makikita tuwing mataas na paglaki ng tubig. Kuha ni: Emir214 Mga nagdaang napiling larawan... Ang programang Sputnik ay isang serye ng mga misyong pang-kalawakan na inilunsad ng Unyong Sobyet noong huling mga taon ng dekada 1950 para ipakita ang pagiging praktikal ng mga artipisyal na satellite. "Kasama sa pagbabiyahe" ang ibig sabihin ng salitang Ruso na "Спутник". Nagulat ang Estados Unidos sa sorpresang paglunsad ng Sputnik 1, na nangyari pagkatapos ang pagkabigo sa dalawang pagsubok ng Proyektong Vanguard, na sumunod na nagpadala ng mga satellite, kasama ang Explorer I, Proyektong SCORE, Advanced Research Projects Agency at Courier 1B. Idinulot din ng Sputnik ang pagkakatatag ng NASA at pagtaas ng perang ginagamit ng pamahalaan ng Estados Unidos sa pananaliksik at edukasyon. mula sa NASA Mga nagdaang napiling larawan... Ang abestrus, mas kilala sa tawag na ostrich, ay isang ibong hindi nakakalipad na katutubo ng Aprika. Ito lamang ang nabubuhay na species ng kanyang mag-anak, Struthionidae, at ng genus na Struthio. Kakaiba ang kaanyuhan nito, na mayroong mahabang leeg at binti, at nakakatakbo ito sa bilis na 65 km/h (40 mph). Pinakamalaking nabubuhay na ibon ang mga abestrus at inaalagaan sa maraming sakahan sa buong mundo. Ang pangalang pang-agham ng abestrus ay galing sa salitang Griyego para sa "kamelyong maya" dahil sa mahabang leeg nito. Kuha ni: Emir214 Mga nagdaang napiling larawan... Ang Paliparang Pandaigdig ng Zamboanga ay ang nag-iisang paliparan naglilingkod at matatagpuan sa lungsod ng Zamboanga, Pilipinas. Ito ay ang ikalawang pinakamay-gawang paliparan sa Mindanao, pagkatapos ng Paliparang Pandaigdig ng Francisco Bangoy sa lungsod ng Davao, at ay isang portada sa isang lumalaking sentro ng kalakalan sa timog-silangang Asya at sa Nagsasariling Rehiyon ng Muslim sa Mindanao. Nagsimula ang paliparang bilang Palapagang Moret na isinagawa ng mga Amerikano noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa loob ng 60 taon, lumawak ang paliparan sa kasalukuyang kalagayan nito. Nililingkod ang paliparan ng limang kompanyang himpapawid na naglalaan ng serbisyo patungong mga paroroonan sa Pilipinas at sa Malaysia. Kuha ni: SunKing Mga nagdaang napiling larawan... Ang Bundok Banahaw ay isang dating bulkan sa Pilipinas na matagpuan sa hangganan ng mga lalawigan ng Laguna at Quezon sa Luzon. Ito ay isang tinatawag na "extinct volcano". Kapag dumaan ka sa national road ito ay malinaw na nakikita. Dahil ito ay dating bulkan, maraming hot springs na matatagpuan dito at maraming tao rin ang umaakyat sa tuktok nito dahil may "milagro" raw yung tubig na nakapagpapagaling ng maysakit. Kuha ni: Estudyante Mga nagdaang napiling larawan... Si Papa Juan Pablo II (Latin: Joannes Paulus PP. II), ipinanganak Karol Józef Wojtyła (pinakamalapit na bigkas, /KA-rol YU-zef voy-TI-wa/; Mayo 18, 1920–Abril 2, 2005) ang papa mula Oktubre 16, 1978 hanggang sa kaniyang kamatayan. Siya ang ika-264 na Papa sa kasaysayan ng Simbahang Katoliko, ang kauna-unang di-Italyanong Papa sa nakaraang 455 taon, at ang pinakaunang na nagmula sa Poland. Kuha ni: Radomil Mga nagdaang napiling larawan... Ang Buwan ang tanging likas na satelayt ng Daigdig. Wala itong pormal na pangalan at tinatawag lang itong "Ang Buwan" ngunit paminsanminsan ay tinatawag din itong Luna (Latin ng buwan) upang maiba sa pangkalahatang tawag na "buwan". Kuha ni: User:Lviatour Mga nagdaang napiling larawan...
Kuha ni: GracinhaMarco Abundo
Ang isang karpintero, alwagi, anluagi o anluwagi ay isang bihasang artesano na nagkakarpintero - isang malawak na sakop sa paggawa sa kahoy na kinabibilangan ng pagsasagawa ng mga gusali, kasangkapan, at ibang pang bagay na yari sa kahoy. Kinasasangkutan ang trabahong ito ng paggawang manwal at pagtrabaho sa labas, partikular na ang magaspang na pagkakarpintero. Kuha ni: Alfred T. Palmer Mga nagdaang napiling larawan... |