Marte
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
- Para sa ibang gamit, tingnan Marte (paglilinaw).
Ang Marte (o Mars) ay ang ika-apat na planeta mula sa Araw sa ating sistemang solar. Ipinangalan ito sa Romanong diyos ng digmaan (Ares sa Mitolohiyang Griyego). Kilala din ang Marte bilang "Ang Pulang Planeta" hinggil sa mamulang anyo nito kapag nakikita mula sa Daigdig sa gabi. May dalawang buwan ang Marte, ang Phobos at Deimos, na maliliit at kakaiba ang hugi at posibleng nakuhang mga asteroyd katulad ng 5261 Eureka. Makikita ang Marte mula sa Daigdig sa pamamagitan ng hubad na mata na may kaliwanagan ng hanggang -2.9 magnitud, nilalagpasan lamang ng Venus, Buwan at Araw.
Tumutukoy ang unlaping areo- sa Marte katulad sa pagtukoy ng geo- sa Daigdig — halimbawa, ang areolohiya laban sa heolohiya. Ginagamit din ang areology bilang pangtukoy sa pag-aaral sa Marte sa isang kabuuan sa halip sa mga prosesong heolohikal ng planeta. Ang simbolong astronomikal ng Marte ay ♂, isang bilog na may palaso na tumuro sa hilaga-silangan. Kinakatawan ng simbolong ito ang kalasag at sibat ng diyos na Marte, at sa biyolohiya, ginagamit ito bilang tanda para sa kasariang lalaki.
Tumutukoy sa Intsik, Hapon, Koryano at Vietnames na mga kultura ang planeta bilang 火星, or bituing apoy, isang pagpapangalan na nakabatay sa lumang mitolohikal na Intsik ng sirkulo ng Limang Elemento.
Ang mga Planetang Terestriyaledit |
Mercury | Venus | Earth | Mars |