Wikipedia:Kapihan
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagpulong ng Wikipedia sa Kalakhang Maynila | |
Ginanap sa Starbucks, The Podium noong Oktubre 21, 2007, Linggo
|
Pinaplano
|
[baguhin] Commons at mga malayang larawan
Aking iminumungkahing ipagbawal natin ang pagkakarga ng mga malayang larawan sa Wikipedya natin gaya ng ginawa ng mga Espanyol. Ito ay upang matiyak na sa Commons ikakarga ang mga larawan, at magagamit din ito ng iba pang mga proyekto. Paano ipapaganap ito? Kung mapayagan ng niyo nito:
- Paglilipat ng lahat ng malayang larawan natin dito sa Commons
- Pagbura ng mga malayang larawan dito kapag naiurong na
- Pagdaragdag ng tag ng mabilisang pagbura para sa Creative Commons at GFDL na mga tag. Para kung mayroon mang magkarga. Kagaya ng {{Permission from license selector}} at {{non-commercial from license selector}} at iba pang imbalidong lisensya.
- Iurong ang GFDL at Creative Commons na tag sa mga imbalidong lisensya kapag napili sa pagkakarga.
Lahat ito ay, muli, upang matiyak na sa Commons pupunta ang mga larawan. Kaya sa huli, mga patas na paggamit na mga larawan na lamang ang maaari sa Wikipedya. -- Felipe Aira 07:49, 21 Marso 2008 (UTC)
Ito ang gagamiting suleras sa mga malalayang larawan: Heto naman kapag naikarga na sa Commons o kung matagal nang mayroong kopya ang Commons: {{NasaCommons}}
-- Felipe Aira 08:04, 21 Marso 2008 (UTC)
- Maari rin sigurong gamitin ito, kasama ng nasa itaas: Template:Ilipat-sa-commons - AnakngAraw 18:32, 25 Marso 2008 (UTC)
Mukhang walang gustong magkumento sa usaping ito. Botohan na lamang.
[baguhin] Tanong (1)
- Kung sakali niya na matuloy ang batas na pinagmungkahi ni Ginoong Felipe, saan na tayo mag uupload, sa Commons muna diba? Meron parin bang upload wizard dito o i-reredirect nalang ang link sa commons? Huli, gagawa pa ba ng akawnt sa commons ang mga user na gustong mag-upload? Kung kailangan pa ng akawnt, eh di nahirapan ang mga baguhan? Estudyante (Pahina ng Usapan) 06:57, 16 Mayo 2008 (UTC)
- Sa Commons talaga ang kargahan ng mga larawan. Sunod mayroon na akong ginawang wizard na magtuturo sa Commons, ngunit hindi pa ito gagamitin ngayon dahil isa pa lamang itong mungkahi. Sunod, kailangang gumawa ng isang kwenta sa Commons upang makapagkarga. Mabilis lang iyon para ng sa paggawa mo ng kwenta dito sa Tagalog, at sa Ingles. Ngunit balang araw hindi na ito kailangan, kasi mayroon nang feature ang MediaWiki na kapag mayroon kang kwenta sa isang proyekto, meron ka na rin sa lahat. Kaya wala nang hirap na raranasin ang mga baguhan pagdating ng panahon. Ang feature na ito ay nasa testing stage pa lamang, at magagamit lamang ng mga tagapangasiwa ngayon. Di bale malamang kapag napaipatupad natin ito, pangkalahatan na ang sakop niyon. -- Felipe Aira 07:54, 16 Mayo 2008 (UTC)
- Paglilinaw: HINDI PA perpekto ang SUL. Dito lang sa Tagalog Wikipedia ang pagbawal na magkarga maliban sa Commons. Dapat voluntary ang choice na 'to, hindi inaatasan ng patakaran. --Sky Harbor 21:04, 16 Mayo 2008 (UTC)
- Hindi po totoo iyon. May ilan na ring Wikipedya ang nagbabawal ng pagkarga sa wiki nila. Isa na roon ang Kastila. Nagkakaiba lang tayo dahil ang sakop lang natin ay mga malalayang larawan upang ipagbawal. -- Felipe Aira 03:10, 17 Mayo 2008 (UTC)
- Excuse me? Ang pamayanang Hapones (at ang mga ibang pamayanan) ay nagpabawal ng pagkarga ng mga larawang sakop sa tadhanang patas na gamit (fair use), at dahil ito ay ayon sa kanilang mga batas. Tayo lang ang nagpapabawal ng mga malayang larawan mula sa Wikipedia. Unusual naman iyon, at sa tingin ko, counter-productive ito sa paglikha ng isang tunay na malayang ensiklopedya. Hindi dapat natin kailangan ipagbawal ito kung pwede naman natin silang bigyan ng opsyon na magkarga dito kaysa sa gawin nating mandatory na kailangan nilang pumunta sa Commons. --Sky Harbor 01:28, 20 Mayo 2008 (UTC)
- Kung hahayaan natin ang pagkakarga ng mga malalayang talaksan, isa lang naman ang hahantungan niyan eh. Magiging mga kandidato pa rin iyon sa paglilipat sa Commons, at kapag dumami iyon malamang mangangailangan nanaman ng isang malawakang paglilipat. Ngayon para saan itong mungkahing ito, para pigilan ang sinumang Wikipedista o Wikiperoyekto sa pagsayang ng oras nila roon kaysa sa nagsusulat sila ng artikulo. Kung sa Commons lang maaaring magkarga, eh di hindi na tayo mamomroblema sa paglilipat nito kasi wala nang kailangang ilipat. At bilang isa pang magandang dagdag, magagamit pa ito ng ibang proyekto. -- Felipe Aira 02:57, 20 Mayo 2008 (UTC)
- Kahit na. Kumparahin mo ang sitwasyon ng English Wikipedia: maraming malayang talaksan ang kinarga roon, at ilan na ang inilipat sa Commons, pero marami pa rin ang inilagay doon kaysa sa Commons. Wala namang nagrereklamo doon. Kaya nga opsyonal dapat ang proseso, at hindi inaatasan. --Sky Harbor 16:14, 20 Mayo 2008 (UTC)
- Kung hahayaan natin ang pagkakarga ng mga malalayang talaksan, isa lang naman ang hahantungan niyan eh. Magiging mga kandidato pa rin iyon sa paglilipat sa Commons, at kapag dumami iyon malamang mangangailangan nanaman ng isang malawakang paglilipat. Ngayon para saan itong mungkahing ito, para pigilan ang sinumang Wikipedista o Wikiperoyekto sa pagsayang ng oras nila roon kaysa sa nagsusulat sila ng artikulo. Kung sa Commons lang maaaring magkarga, eh di hindi na tayo mamomroblema sa paglilipat nito kasi wala nang kailangang ilipat. At bilang isa pang magandang dagdag, magagamit pa ito ng ibang proyekto. -- Felipe Aira 02:57, 20 Mayo 2008 (UTC)
- Excuse me? Ang pamayanang Hapones (at ang mga ibang pamayanan) ay nagpabawal ng pagkarga ng mga larawang sakop sa tadhanang patas na gamit (fair use), at dahil ito ay ayon sa kanilang mga batas. Tayo lang ang nagpapabawal ng mga malayang larawan mula sa Wikipedia. Unusual naman iyon, at sa tingin ko, counter-productive ito sa paglikha ng isang tunay na malayang ensiklopedya. Hindi dapat natin kailangan ipagbawal ito kung pwede naman natin silang bigyan ng opsyon na magkarga dito kaysa sa gawin nating mandatory na kailangan nilang pumunta sa Commons. --Sky Harbor 01:28, 20 Mayo 2008 (UTC)
- Ipinaaalala lang po na mabisa na ang Unified login, at maaari nang gamitin ng mga regular na manggagamit. -- Felipe Aira 04:46, 28 Mayo 2008 (UTC)
- May ikalawang concern pa rin ako: may garantiya ba na gagamitin ang mga larawang ikinarga sa Commons? Maraming larawan doon pero nakatambak lang. --Sky Harbor 05:44, 1 Hunyo 2008 (UTC)
- Kaya nga po natin tinatawag na "free image repository" ang Commons, Repository as in sisidlan/tambakan/imbakan/lagayan atbp. . At iyon nga ang maganda roon eh kapag nasa Commons kahit hindi ginagamit ok lang hindi katulad sa Wikipedya na binubura ang mga larawan kapag hindi ginagamit. -- Felipe Aira 07:43, 1 Hunyo 2008 (UTC)
- Hindi binubura ng Wikipedia ang mga larawan kapag hindi ito ginagamit. Ginagawa lamang ito kapag ang larawan ay sakop sa mga tadhanang fair use o patas na gamit. Kapag malayang gamit o free use ang larawan, iniiwan lamang ito o kusang kinakarga ito sa Commons. Kaya nga dapat kusa ang proseso ng pagkarga sa Commons. Halimbawa: kumakarga lamang ako sa Commons kapag humihiram ako ng larawan mula sa Flickr, pero kumakarga pa rin ako ng aking sariling larawan sa Wikipedia mismo. Kahit kung ang layunin ng Commons ay maging isang malayang repositoryo ng mga larawan at iba pang midya, iyan rin ang Wikipedia bilang repositoryo ng impormasyon, kasama ang mga larawan. --Sky Harbor 07:43, 2 Hunyo 2008 (UTC)
-
- Ayon sa en:Wikipedia:Commons:
- On Wikipedia, an image can be nominated for deletion if it does not (attempt to) illustrate an article. Commons is less concerned about an image's "usefulness" as there are so many projects that the images are available to. See commons:Commons:Criteria for inclusion.
- On Wikipedia, it is important that an image is placed in an article. On the image description page, the section "File links" shows which pages are using the image. On Commons, this section only shows which pages within Commons an image is used on (to find out which wikimedia projects a commons image is being used in, use the Check-usage tool). Because of this, it is important that images are placed in categories and/or on gallery pages, so as to avoid becoming orphans. The Commons community is divided between the gallery camp and the category camp, but it is agreed that at least one must be used. To find suitable categories easily, try using the CommonSense tool.
- Ang Wikipedia ay isang katipunan ng mga artikulo, at ang tanging dahilan kaya tayo nagkakarga rito ay upang magamit sa mga artikulo. Taliwas sa Commons, kung saan ang layunin ay magkaroon ng mas marami pang mga larawan ginagamit man ito o hindi. -- Felipe Aira 10:21, 2 Hunyo 2008 (UTC)
- Ayon sa en:Wikipedia:Commons:
-
- Hindi binubura ng Wikipedia ang mga larawan kapag hindi ito ginagamit. Ginagawa lamang ito kapag ang larawan ay sakop sa mga tadhanang fair use o patas na gamit. Kapag malayang gamit o free use ang larawan, iniiwan lamang ito o kusang kinakarga ito sa Commons. Kaya nga dapat kusa ang proseso ng pagkarga sa Commons. Halimbawa: kumakarga lamang ako sa Commons kapag humihiram ako ng larawan mula sa Flickr, pero kumakarga pa rin ako ng aking sariling larawan sa Wikipedia mismo. Kahit kung ang layunin ng Commons ay maging isang malayang repositoryo ng mga larawan at iba pang midya, iyan rin ang Wikipedia bilang repositoryo ng impormasyon, kasama ang mga larawan. --Sky Harbor 07:43, 2 Hunyo 2008 (UTC)
- Kaya nga po natin tinatawag na "free image repository" ang Commons, Repository as in sisidlan/tambakan/imbakan/lagayan atbp. . At iyon nga ang maganda roon eh kapag nasa Commons kahit hindi ginagamit ok lang hindi katulad sa Wikipedya na binubura ang mga larawan kapag hindi ginagamit. -- Felipe Aira 07:43, 1 Hunyo 2008 (UTC)
- May ikalawang concern pa rin ako: may garantiya ba na gagamitin ang mga larawang ikinarga sa Commons? Maraming larawan doon pero nakatambak lang. --Sky Harbor 05:44, 1 Hunyo 2008 (UTC)
- Hindi po totoo iyon. May ilan na ring Wikipedya ang nagbabawal ng pagkarga sa wiki nila. Isa na roon ang Kastila. Nagkakaiba lang tayo dahil ang sakop lang natin ay mga malalayang larawan upang ipagbawal. -- Felipe Aira 03:10, 17 Mayo 2008 (UTC)
- Paglilinaw: HINDI PA perpekto ang SUL. Dito lang sa Tagalog Wikipedia ang pagbawal na magkarga maliban sa Commons. Dapat voluntary ang choice na 'to, hindi inaatasan ng patakaran. --Sky Harbor 21:04, 16 Mayo 2008 (UTC)
[baguhin] Sang-ayon(5)
- Bilang tagapagmungkahi. -- Felipe Aira 09:15, 2 Abril 2008 (UTC)
- Sa akin okey yan (basta puwede ring gamitin yung dagdag ko)... - AnakngAraw 03:13, 3 Abril 2008 (UTC)
- Gawing kailanganan (requirement) ang paglalagay ng mga imahe sa Commons. Starczamora 05:31, 13 Abril 2008 (UTC)
- ako po'y sumasang-ayon sa panukalang ito -- Saluyot 12:03, 20 Abril 2008 (UTC)
- Sang-Ayon dahil para rin magamit ng ibang Wikipedia ang ating mga larawan na ipinalalathala. Redmask 08:29, 17 Mayo 2008 (UTC)
[baguhin] Tutol(1)
- Tingnan ang aking pahayag sa ibaba. Isang malaking inconvenience and mungkahi na ito sa mga Wikipedista, lalo na sa mga baguhan. Sa totoo lamang, parang isang virtual ban laban sa pagkarga ng mga malayang kontento dito sa Tagalog Wikipedia ang panukalang ito. --Sky Harbor 15:22, 25 Abril 2008 (UTC)
- Kakaunti lamang naman pong abala iyon dahil sa wizard para sa pagkarga malinaw na itinuturo ang mismong Commons:Upload. Maraming Wikipedya na ang gumawa nito. At mas maganda rin ang mangyayari dahil hindi lamang limitado sa isang proyekto ang gamit ng larawan. -- Felipe Aira 02:00, 26 Abril 2008 (UTC)
- Alam mo ba na kailangan nilang lumikha ng kuwenta sa Commons para makapagkarga sila ng kanilang mga gawain? Iilan lamang ang mga manggagamit dito na may kuwenta sa Commons, at mas nais naman ng mga baguhan ng kumbiniyensiya kaysa sa patuloy na paggawa ng mga bagong kuwenta para lang maabot nila ang pamantayan ng Wikipedia. Hindi iyon ang pakay ng Wikipedia; kailangan na kahit kung magagamit nila ang impormasyon at kung may nais silang umambag sa pamamagitan ng pagkarga ng malayang larawan o midya, hindi natin kailangang demandahin sa kanila na kailangan may kuwenta rin sila sa Commons. --Sky Harbor 13:17, 26 Abril 2008 (UTC)
- Huwag pong mag-alala, mayroon na pong Unified login. (m:Unified_login) Mangyayari roon kapag mayroon kang panagutan sa isa, mayroon na rin sa lahat. Hindi ko lamang alam kung mayroon na ring ganito ang mga karaniwang manggagamit, ngunit lahat ng mga tagapangasiwa ay mayroon nang ganito. Malamang din naman kapag tapos na tayong magtalakayan dito, ganap na ang epektibidad ng unified login. -- Felipe Aira 13:38, 26 Abril 2008 (UTC)
- Hindi pa perpekto ang SUL, at ang mga tagapangasiwa lamang ang makakagamit nito sa kasalukuyan. --Sky Harbor 15:53, 26 Abril 2008 (UTC)
- Dagdag pa sa iyon, hindi dapat tayo umasa sa SUL para lang makagamit tayo ng Commons. Hindi pa ito handa, hindi pa ito magagamit ng mayoridad ng mga manggagamit dito, at may ilan pa kung saan ang kanilang mga kuwenta ay hindi pantay sa mga proyekto. --Sky Harbor 17:57, 28 Abril 2008 (UTC)
- Huwag pong mag-alala, mayroon na pong Unified login. (m:Unified_login) Mangyayari roon kapag mayroon kang panagutan sa isa, mayroon na rin sa lahat. Hindi ko lamang alam kung mayroon na ring ganito ang mga karaniwang manggagamit, ngunit lahat ng mga tagapangasiwa ay mayroon nang ganito. Malamang din naman kapag tapos na tayong magtalakayan dito, ganap na ang epektibidad ng unified login. -- Felipe Aira 13:38, 26 Abril 2008 (UTC)
- Alam mo ba na kailangan nilang lumikha ng kuwenta sa Commons para makapagkarga sila ng kanilang mga gawain? Iilan lamang ang mga manggagamit dito na may kuwenta sa Commons, at mas nais naman ng mga baguhan ng kumbiniyensiya kaysa sa patuloy na paggawa ng mga bagong kuwenta para lang maabot nila ang pamantayan ng Wikipedia. Hindi iyon ang pakay ng Wikipedia; kailangan na kahit kung magagamit nila ang impormasyon at kung may nais silang umambag sa pamamagitan ng pagkarga ng malayang larawan o midya, hindi natin kailangang demandahin sa kanila na kailangan may kuwenta rin sila sa Commons. --Sky Harbor 13:17, 26 Abril 2008 (UTC)
- Kakaunti lamang naman pong abala iyon dahil sa wizard para sa pagkarga malinaw na itinuturo ang mismong Commons:Upload. Maraming Wikipedya na ang gumawa nito. At mas maganda rin ang mangyayari dahil hindi lamang limitado sa isang proyekto ang gamit ng larawan. -- Felipe Aira 02:00, 26 Abril 2008 (UTC)
[baguhin] Pasya
Dahil mukhang hindi na uusad itong mungkahi, at wala namang tumututol. Iminumungkahi kong isara na ang usapang ito 10 araw (Abril 19) mula ngayon, at gawin nang mabisa ang napagsang-ayunan sa itaas. -- Felipe Aira 08:27, 9 Abril 2008 (UTC)
- Isinasara ko na ito, at malinaw namang makikita na ang pasya ng pamayanan ay ilipat lahat. -- Felipe Aira 03
- 02, 19 Abril 2008 (UTC)
- Ibinubuksang muli para maiharap ang mas marami pang opinyon. -- Felipe Aira 07
-
- 45, 24 Abril 2008 (UTC)
- Mahigit dalawang buwan na itong narito. Kailangan na itong isara, at halatang-halata namang iisa lamang ang tumututol laban sa 4 na sumasang-ayon. Iminumungkahing kong isara ito sa Mayo 1, 2008. -- Felipe Aira 03
-
-
- 58, 28 Abril 2008 (UTC)
-
- Hindi ako sang-ayon sa maagang pag-sara. Ang limang manggagamit ay hindi sapat na consensus dahil maraming aktibong manggagamit dito. Kailangan sila rin ay involved sa isang malaking step tulad nito. --Sky Harbor 00:11, 30 Abril 2008 (UTC)
- Eh di imbitahan natin sila isa-isa, kung ayaw nilang magbigay-puna matapos ng ilang araw matapos silang imbitahan, maaari na ba nating isara itong usapang ito? Mayo 5 ang aking bagong mungkahi, at imbitahan sila isa-isa, at kung hindi sila makapagbigay-puna hanggang Mayo 5 eh di pagpasyahan na. -- Felipe Aira 02:41, 30 Abril 2008 (UTC)
- Pakiragdag na lamang po sa sitenotice kasama ng para sa Unang Pahina upang malaman ng lahat ang tungkol dito. Tapos paki alis na lamang po pagkatapos ng 5. -- Felipe Aira 02:50, 30 Abril 2008 (UTC)
- Pasensya na pero hindi ko po naintinihan ang pasya, pwede pa ba bumoto o hindi? May decision na ba na naganap? Estudyante (Pahina ng Usapan) 08:24, 15 Mayo 2008 (UTC)
- Pakiragdag na lamang po sa sitenotice kasama ng para sa Unang Pahina upang malaman ng lahat ang tungkol dito. Tapos paki alis na lamang po pagkatapos ng 5. -- Felipe Aira 02:50, 30 Abril 2008 (UTC)
- Eh di imbitahan natin sila isa-isa, kung ayaw nilang magbigay-puna matapos ng ilang araw matapos silang imbitahan, maaari na ba nating isara itong usapang ito? Mayo 5 ang aking bagong mungkahi, at imbitahan sila isa-isa, at kung hindi sila makapagbigay-puna hanggang Mayo 5 eh di pagpasyahan na. -- Felipe Aira 02:41, 30 Abril 2008 (UTC)
[baguhin] Pamamalakad
Sisimulan ko na ang paglilipat at pagtatag ng bawat malayang larawan dito sa Wikipedia papuntang Commons. Sunod namang kailangang gawin ay baguhin ang mga malalayang nanlilisensyang mga tag upang malaman ng mga nagkakargang bawal magkarga ng mga malalayang larawan. Tapos kung maaari rin, kailangan ko ng tulong ng isang tagapangasiwa, palitan ang pagtuturo ng "Magkarga ng talaksan (file)" diyan sa kaliwa. Imbis na tumuturo sa Special:Upload ay dito na lamang sa Wikipedia:Pagkarga para ng sa Ingles at sa Commons. Kailangan ko ang tulong ninyong lahat lalo na ang mga tagapangasiwa dahil sigurado akong hindi lamang isang araw ito magagawa. -- Felipe Aira 03:52, 19 Abril 2008 (UTC)
Paano kayo makakatulong? Itag ang lahat ng malalayang larawan ng {{Ilipat-sa-commons}}. -- Felipe Aira 03:56, 19 Abril 2008 (UTC)
Makikita niyo ang mga nailipat na sa commons:Category:Files moved from tl.wikipedia to Commons requiring review. -- Felipe Aira 04:52, 19 Abril 2008 (UTC) Paumanhin kay AnakngAraw at hindi magagamit ang suleras na iyon dahil magiging redundant. Bilang isang pantulong sa bagong patakarang ito, inihihiling ko sa mga tagapangasiwang ilagay ang mga sumusunod sa MediaWiki:Uploadwizard-url. Ang alin mang nakalagay diyan ang papupuntahan ng "Magkarga ng talaksan (file)" sa kaliwang kahong "mga kagamitan". Ang nakatakdang kawing niyon ay ang Special:Upload, kagaya ng sa Ingles na Wikipedya. Ngunit kung lalagyan ang pahina ng sumusunod, tuturo iyon sa Wikipedia:Pagkarga. Parang sa Ingles na tumuturo naman sa en:Wikipedia:Upload. Paki silip na lamang po ang Wikipedia:Pagkarga. Nakasaad sa pahinang kapag ikaw ay magkakarga ng isang malayang larawan kailangan mong pumunta sa Commons. Ito ay upang hindi na, o kaya naman ay makaiwas na tayo sa pagkakarga ng mga malalayang larawan mula sa iba-ibang tagagamit. Sang-ayon ba kayo? Salamat. -- Felipe Aira 09:15, 20 Abril 2008 (UTC)
<!-- Mga tagapangasiwa: gawin ang pahinang MediaWiki:Uploadwizard-url at ilagay iyan.--> Wikipedia:Pagkarga
Nailipat na pala lahat. -- Felipe Aira 10:25, 20 Abril 2008 (UTC)
[baguhin] Mga malayang larawan/Pahayag
MAHIGPIT na dinidiin ko na HINDI PINAGBABAWAL ng Tagalog Wikipedia ang pagkarga ng mga malayang larawan dito. Kahit kung ang Commons ay isang malaking kalipunan ng mga malayang larawan, hindi patakaran ng Tagalog Wikipedia ang birtuwal na pagbabawal ng pag-upload ng mga malayang larawan dito. Nakikita ko na lahat ng mga suleras para sa mga lisensiyang malaya ay naka-tag ng isang pahayag na dapat burahin ang mga larawan na ito at ilagay sa Commons.
Kailangan kumbiniyente ang Wikipedia para sa mga manggagamit/tagagamit, lalo na sa mga baguhan. Dapat sila ay maaaring magkarga ng kanilang mga malayang gawain nang walang inconvenience sa kanila na kailangan pa nilang pumuta sa Commons para magkarga ng mga talaksan. Kung ganun, kailangan rin ayusin ang Wikipedia:Pagkarga para mas malapit sa pormat ng Wikipedia:Upload sa Ingles. Hindi pa ito ginagawa. --Sky Harbor 16:25, 22 Abril 2008 (UTC)
- At ano naman po ang masasabi ninyo sa mga hinahangad ng iba pang mga manggagamit dito (4) iyon laban sa kagustuhan ng isa. Apat kasama kay Saluyot. Bubuksan muli ang sa itaas. -- Felipe Aira 07:42, 24 Abril 2008 (UTC)
- Eh dapat tumutol ako doon sa itaas. Ano ba tayo: ang Wikipediang Hapones, na maaari lamang mag-upload ng mga malayang kontento at hindi ang mga kontentong fair-use? --Sky Harbor 18:01, 24 Abril 2008 (UTC)
[baguhin] Mga katanungan sa pagsasalin
(Inihayag sa English Wikipedia, kaya ito ay nasa Ingles. Maaaring magbigay ng komento sa Tagalog.)
I can foresee that there will be issues on translating quite a few things between English and Philippine languages:
- Street names, including addresses
- Building names (ex. Eiffel Tower)
- Country names
All three are quite contentious in ways where this basically elevates the (silent) translation debate a step higher. All three sets of proper nouns are usually in English, and in Tagalog/Filipino, despite having words that exist to describe them, they are rarely (if ever) used. For example, you would hear Ayala Avenue everywhere, but you will never hear Abenida Ayala in Tagalog or any other Philippine language. The same with the Eiffel Tower, but never the Toreng Eiffel.
With regard to country names, not all countries where there is a corresponding translation to the nationality (i.e. Danes for Danish, Suweko for Swedish, Tay for Thai) have a translation to the country itself (i.e. Dinamarka for Denmark, Suwesya for Sweden, Taylandya for Thailand [translations transliterated from the Spanish]). This is a very peculiar phenomenon upon our linguists who write our dictionaries and we should have some sort of consensus on this.
I agree that we are not all linguists, but at least we should have some consensus on this issue. Hopefully whatever comes out of this can serve as an effective guide not only to us but even to newbies and the like. --Sky Harbor 01:18, 26 March 2008 (UTC)
- Sa tingin ko po, talagang dapat ituro ang pahina sa salin (natin) sa Tagalog. At gamitin sa pagtalakay sa katawan ng paksa ang salin (natin) nito sa Tagalog. Ngunit sa pambungad pa lamang ay dapat nang banggitin ang katumbas sa Ingles (lalo't karaniwang ito ang gamit kahit sa mga nakapaskel sa tarangkahan, sa kaso ng mga adres at pagmamarka ng mga kalye at abenida sa Pilipinas). Dapat ding banggitin ang mga baybay ng transliterasyon sa pambungad pa lamang. Isama na rin ang lahat ng bersyon nito sa Tagalog, transliterasyon man mula sa wikang Kastila o iba pa. Ganito po ang sinasaad ko sapagkat ito nga po sa tingin ko ang layunin ng Wikipediang Tagalog: ang magsa-Tagalog. Kung transliterasyon, kailangan po lang nating banggitin ang katumbas na pinagmulan ng pangalan. Madalas o pangkaraniwan mang gamitin ang mga katawagang banyaga, tulad ng Ingles, sa Pilipinas, dapat pa ring tumuro sa pahina at ituro sa babasa ang kapangalanang Tagalog ng pook, bansa, gusali, nasyonalidad at mga katulad. At kung bakit kailangan ang mga katumbas at transliterasyon, dapat pa rin po nating ituro sa mga mambabasa ng Wikipediang Tagalog ang tamang baybay ng mga pinanggalingan o katumbas sa ibang wika. Dapat po sigurong gamitin ang katawagan sa Tagalog kahit na hindi madalas marinig o gamitin. Maaaring tayo po, sa pamamagitan ng Tagalog na Wikipedia, ang maging daan para maging karaniwan ang mga katawagang ito. - AnakngAraw 23:27, 31 Marso 2008 (UTC)
- Pahabol po: kung hindi sigurado ang manunulat kung ano ang pangalan sa Tagalog, hayaan munang gamitin niya (pansamantala habang isinusulat ang pahina o artikulo) ang alam niyang tawag, at itama na lamang ng Wikipedista o ng tagapangasiwang nakakaalam ng tawag sa Tagalog. - AnakngAraw 23:45, 31 Marso 2008 (UTC)
- Para sa akin, sa tingin ko makakabuti kung gagamitin ang sumusunod sa pangkalahatang pagsasalin, hindi lamang ng mga lugar:
- Gamitin ang Tagalog na pangalan.
- Kung walang Tagalog na katumbas, gamitin ang Espanyol, tapos Tagalugin na lamang ang baybay. (Ventilador -> Bintilador; Corporacion -> Korporasyon; Embajada ->Embahada)
- Ngayon bakit ko sinasabi ito kahit ito na ang karaniwan nating ginagawa. Kasi kailangan na natin ng isang mabisang patakaran o gabay para maiwasan ang paulit-ulit na mga debate. Ito ang unang iminungkahi ni Star. -- Felipe Aira 04:26, 1 Abril 2008 (UTC)
- May problema doon: ang layunin ng Wikipedia ay magbigay-espasyo sa lahat ng mga ideya na may walang kunsiderasyon sa ortograpiya. Dahil may consensus na ang Tagalog at ang Filipino ay magkaisa, paano naman ang mga pro-Filipino? --Sky Harbor 00:27, 3 Abril 2008 (UTC)
- Susundin po ang consensus, walang problema sa akin. - AnakngAraw 01:53, 3 Abril 2008 (UTC)
- Nasaan po ang consensus na iyon? -- Felipe Aira 02:17, 3 Abril 2008 (UTC)
- May problema doon: ang layunin ng Wikipedia ay magbigay-espasyo sa lahat ng mga ideya na may walang kunsiderasyon sa ortograpiya. Dahil may consensus na ang Tagalog at ang Filipino ay magkaisa, paano naman ang mga pro-Filipino? --Sky Harbor 00:27, 3 Abril 2008 (UTC)
May iba pa ba kayong ideya kung ano ang dapat maging patakaran natin sa mga banyagang salita, at pook? Kasi nagiging patay na itong mahalagang usapang ito. -- Felipe Aira 13:24, 15 Abril 2008 (UTC)
[baguhin] Sang-ayon(2)
- Bilang tagapagmungkahi
- Sang-ayon - para maiwasan na nga po ang pagkalito. Kung di sigurado ang Wikipedista, maaaring magtanong muna siya sa Kapihan. Dapat gumawa na rin talaga ng pahinang gabay para rito. - AnakngAraw 04:36, 1 Abril 2008 (UTC)
[baguhin] Mungkahi
- Nasa orihinal (hindi ko alam ang salitang ito sa Tagalog) na ngalan ang mga artikulo (hindi ko alam ang salitang ito sa Tagalog) tulad ng Serbia. Ang nakasulat sa artikulo ay nasa katawagang Filipino tulad ng Serbya na nakakawing sa orihinal na ngalan (Serbia). Gagawa ng mga pagreredirect (hindi ko alam ang salitang ito sa Tagalog) sa orihinal ang mga nasa katawagang Filipino (Serbya patungong Serba). Ganito rin ang maaaring gawin sa ibang Pilipinong Wiki. Ang kalakaran ng pagbibigay ng sariling katawagan (halimbawa: bansa) ay bigkas-Kastila at baybay-katutubo (sa panahon ng pamamayagpag ng wikang Kastila sa bansa, subalit hindi bigkas-English at baybay-katutubo o maging baybay-Filipino, sa kasalukuyan.) Ireserba (hindi ko alam ang salitang ito sa Tagalog) na natin ang "Abenida Ayala" (o Ayala Avenyu) sa Filipino Wiki, at gamitin ang mungkahing "Abenidang Ayala" o "Abenida ng Ayala" sa Tagalog Wiki. Ang ng kasi ay Tagalog na kan sa Bikol, sa (?) sa Cebuano, atbp. --Filipinayzd 16:09, 5 Mayo 2008 (UTC)
sa aking palagay ay kakaunti ang kakulangan ng wikang tagalog sa mga katumbas nito sa iba pang mga wika tulad ng inggles at espaniol.ang orihinal sa tagalog ay "tunay",sibol at siya na ngang dating anyonito.samantala ang artikulo ay maaaring maging paksa o usapin.ang re direct ay muling ayusin o bigyan ng bagong simulain dahil sa may mali sa naunang nailabas na paksa o usapin.ang ireserba ay maaaring bigyan ng daan o puwang sa paksaing ito.ang paggamit ng tagalog ay di pa lubus na nagagamit ng mga pilipino dahil nahumaling ang marami sa wikang inggles at kastila sa pagaakalang inferior o mababang uri ang sariling wika nating ito.ang wikang tagalog ay simple o payak subalit may lalim na wala sa ibang anyo ng ibang wika,kaya may pangyayari na ang isang salita ay paulit ulit na ginagamit subalit may kaibahan sa kahulugan.(NI dan magen elliseo)
[baguhin] Tutol
[baguhin] Buod ng mga mungkahi
Sa tingin ko ito na ang lahat ng ating maaaring pagpilian. Pumili na lamang kayo ng numero para mabilis nang matapos itong usapang mahalagang-mahalagang hindi naman pinapansin. Kung sa tingin niyo ang nangungulang ang maaaring pagpilian magdagdag na lamang kayo. Para lamang sa mga pook/bansa ito dahil mangangailangan ng ibang hiwalay na patakaran ang iba pang mga salita kagaya ng sa Kompyuter. At ito rin ay para sa mga salitang walang katumbas sa Tagalog. -- Felipe Aira 08:31, 24 Abril 2008 (UTC)
- Gamitin ang Ingles. Ito ay dahil lahat naman siguro ng maalam mag-Internet ay maaalam din nito. Ngunit ito ang Wikipedyang Tagalog, at hindi magbabago iyon. Magiging Taglish din ang Wikipedyang ito kung mangyari man.
- Gamitin ang Kastila. Hindi ito ang Wikipedyang Kastila. Magiging "Kastalog" o "Tagatila" tayo. (hal. Russia = Rusia; Germany = Alemania; Ireland = Irlanda; New Zealand = Nuva Zelanda; Ayala Avenue = Avenida Ayala)
- Tinagalog na Ingles. Palitan ang baybay ng sa Tagalog batay sa pagbigkas nito. Magiging Filipinong Wikipedya ito sa diwa. (hal. Russia = Rasya; Germany = Dyermani; Ireland = Ayrland; New Zealand = Nyu Siland; Ayala Avenue = Ayala Abenyu)
- Tinagalog na Kastila. Palitan ang baybay ng sa Tagalog batay sa pagbigkas nito. Eto ang kasalukuyang isinusunod ng karamihan ng mga artikulo. (hal. Russia = Rusya; Germany = Alemanya; Ireland = Irlanda; New Zealand = Nwebo Selanda; Ayala Avenue = Abenida Ayala)
- Tinagalog na Kastila at Tagalog kung may katumbas. Mangyayari ang nauna ngunit magiging "Abenidang Ayala" at "Bagong Selanda"
- Gamitin ang katutubong salitang ipinaghiraman. (hal. Russia = Rosiya; Germany = Deutschland; Ireland = Éire; New Zealand = New Zealand; Ayala Avenue = Abenidang Ayala)
- Tagalugin ang gagamiting katutubong salitang ipinaghiraman. (hal. Russia = Rusiya; Germany = Doytsland; Ireland = Era; New Zealand = Nyu Siland; Ayala Avenue = Ayala Abenyu)
Muli pumili lamang ng numero upang maging mabilis ang usapan. -- Felipe Aira 08:31, 24 Abril 2008 (UTC)
KOMENTO: Ang lahat po na nabanggit ay maaaring gamitin sa Filipino....depende sa kung sasang-ayon ito sa salitang ginagamit. :) Salamat. Pasensya rin po kung hindi po ako gaanong nakakapagpalawig ng mga artikulo. Squalluto 16:44, 12 Mayo 2008 (UTC)
[baguhin] Pagpili
- -- Felipe Aira - 5
- Filipinayzd 11:07, 26 Abril 2008 (UTC) - 5 dahil ito ang pinakalikas sa Tagalog. Ang ilan sa mga pinagpipilian ay ginagamit sa pagpapaunlad ng Filipino. Hiwalay ang pagpapaunlad ng Tagalog.
- Mas gusto ko ang halo ng bilang 4 at bilang 5. Karaniwan na itong ginagamit: Bureau of Internal Revenue = Kawanihan ng Rentas Internas, bilang halimbawa. (Tandaan: DAPAT HINDI ITO BINDING) --Sky Harbor 20:58, 12 Mayo 2008 (UTC)
- 1 at 5 - Ang mga tagalog, at sa pangkalahatan, ang buong bansa, ay sakop ng mga kastila ng mahigit tatlong sentenaryo at naging malaki ang impluwensiya ng wikang kastila sa tagalog, ang mga amerikano naman, gamit ang wikang ingles, ang nagpatupad ng mas maayos na sistema ng edukasyon sa bansa. --[[User talk:Rebskii|RebSkii]] 11:50, 22 Mayo 2008 (UTC)
[baguhin] Komento
Ang pagsasalin ng mga salitang tagalog at asyano sa tunug ng tagalog ay walang problema kapag isinulat sa alin mang paksa o artikulo.subalit kapag ginamit ang mga pangalan ng europeo at inggles ay nagiging iba na ang dating nito kapag ibinaybay sa tagalog na mga tunug,kaya naman mas mainam na manatili na ang mga pangalang dayuhan ay isulat sa dating forma at bagong forma sa tagalog para malinaw ang pagpapakilala nito at pagpapahayag.tulad ng eiffel tower ay maaaring manatili subalit may salin sa tagalog na gusaling eiffil.ang pagbabaybay sa tagalog ng iba pang ngalan ng tao o lugar ay natural lang dahil ang tunog nito ay halos magkakatulad naman.kung matatandaan ang baybaying tagalog ay isinusulat ng kulang subalit buo kapag binasa ay gayon din ang patakaran ng pagbabaybay ng iba pang mga salita,na bagamat kulang sa kapahayagan sa tagalog ay lubus naman sa pang unawa ng bumabasa.samatuwid,ang pang unawa ang paiiralin hindi ang pagkakaibaiba ng baybay(magkatulad naman sa tunug)! —Ang komentong ito ay idinagdag ni Dan magen eliseo (usapan • kontribusyon) .
- Sinasabi niyo po bang huwag na nating isalin ang mga pangalan ng lugar? Ipinaalala ko lang po na kahit naiintindihan naman ng karamihan sa ating mga Pilipino ang mga katagang Ingles na orihinal, wala naman po tayong pakialam doon, ang pakialam lang po natin ay maging Tagalog hanggang maaari. Sa susunod po, huwag kalimutang lumagda upang malaman ng mambabasa na ikaw ang nagsulat, at ayusin po natin ang pagsulat upang madaling basahin ang inyong mga opinyon. -- Felipe Aira 07:30, 7 Hunyo 2008 (UTC)
Ang panukala ko po ay isulat sa orihinal na wika bagu susundan ng pagkakabaybay sa tagalog para malinaw ang pagpapakilala ng tao o lugar.sa ganitong paraan ay magiging pamiliar ang bawt mambabasa sa bagong pagkakabaybay ng ngalan o salita o katawagan sa isang lugar o tao. (dan ellihseoh)
[baguhin] Makilahok sa Manila 4
Makilahok at pakipagtalaktakan sa unang pagpulong ng mga wikipedista sa taong 2008! --Exec8 04:25, 13 Abril 2008 (UTC)
[baguhin] Purismo
Sa tingin ko, kailangan natin ng isang patakaran tungkol dito. Susuportahan ba natin ang mga puristang salitang inimbento ng mga mag-aaral ng wika noong 1960's, o hindi? Ilang mga halimbawa diyan ay matatagpuan dito sa User talk:Život#Hingi ng tulong. Para sa inyong hindi nakakaalam kung ano itong purismo, ito ang ginawa ng mga mag-aaral ng wikang Tagalog noong 1960's. Ito ay upang pagyamanin lalo ang wikang Tagalog, at maiwasan ang panghihiram ng mga salita sa mga banyaga. Ginawa nila ito sa paggawa ng mga bagong salita. Mga neolohismo ito noon, pero ngayon hindi na dahil kahit hindi ito masyadong sinuportahan, ginagamit pa rin ito ng ilang tao ngayon at noon. Kaunti nga lamang. Ang ama ko ay kasama roon. Eto yung gma salitang "salumpuwit" = "upuan" at "salipapaw" (sasakyang lumilipad sa hipapawid) = "eroplano". Para sa akin ay oo, dahil ginamit naman sila, at mas mabuti na iyon kaysa humiram tayo ng mga salita. Ano sa tingin niyo? -- Felipe Aira 15:29, 15 Abril 2008 (UTC)
- Isama pa rin/gamitin din kasama ng mga hindi-puro. Lahat ay bahagi na ng wikang Tagalog. Makagagawa ba kayo ng artikulo o glosaryo? (o maidaragdag pa sa talaang nabanggit ninyo?). Salamat. - AnakngAraw 15:57, 15 Abril 2008 (UTC)
- Ang ilan sa mga salitang 'yan ay buhay pa ring ginagamit sa araw na ito, tulad ng agham (syensya), dalubhasa (eksperto), atbp. Ang ilan ay patay na, tulad ng sipnayan, atbp. Matira matibay. Ang kagandahan ng Wikipedya ay na maaari itong bagu-baguhin sa katagalan ng panahon na 'di na nangangailangan ng bayad ('di tulad sa pisikal na paglalathala). --Angelo 19:43, 15 Abril 2008 (UTC)
- Mahalaga ring 'di mapadala sa mga radikal na simpleng binabaybay lang sa Filipino ang mga salita o mismong buong pariralang Inggles. Ito ay code-switching o kaya'y salitang impormal--ni isa sa kanila'y nagiging angkop para sa isang ensiklopedyang gumagamit ng pormal na wika. --Angelo 19:45, 15 Abril 2008 (UTC)
- Ang ilan sa mga salitang 'yan ay buhay pa ring ginagamit sa araw na ito, tulad ng agham (syensya), dalubhasa (eksperto), atbp. Ang ilan ay patay na, tulad ng sipnayan, atbp. Matira matibay. Ang kagandahan ng Wikipedya ay na maaari itong bagu-baguhin sa katagalan ng panahon na 'di na nangangailangan ng bayad ('di tulad sa pisikal na paglalathala). --Angelo 19:43, 15 Abril 2008 (UTC)
- Talaga namang dapat gamitin lahat, gaya ng sinabi ni AnakngAraw, ang itinatanong ko sa inyo ay kung ano ba ang kailangang pairalin dito kagaya ng mga pamagat ng artikulo "Sipnayan" ba o "Matematika" hindi naman kasi pwedeng "Matematika/Sipnayan" o "Matematika o Sipnayan" ang pamagat ng artikulo. Parang sa Ingles, hindi naman "metre/meter" o "meter o metre" ang pamagat ng mga artikulo, iisa lamang ang nananaig. Dagdag pa nga pala roon sa mga nakatala sa usapan ni Zivot, yung mga "patinig", "katinig", "sugnay", "taludtod", mga sinabi ni Angelo, at iba pang salitang pangwika. -- Felipe Aira 02:35, 16 Abril 2008 (UTC)
- Hindi naman na kailangan talagang purista ang gamit dito ng Tagalog. Kailangan ang paggamit dito ay ang pinaka-karaniwan na paggamit. Halimbawa, mas karaniwan ang matematika kaysa sa sipnayan, kaya dapat matematika ang ginagamit. Gagawin ba natin ito kapag ang pinag-uusapan ay telepono laban sa hattinig o eroplano laban sa salipawpaw? --Sky Harbor 18:57, 16 Abril 2008 (UTC)
- Ang pamantayan dapat/sana ng Tagalog yung Tagalog bago nagkaroon ng Pambansang Wika. Mas ginamit ng mga Tagalog yung denebelop na Tagalog (para maging Filipino) kaya ito (Filipino/"karaniwang Tagalog") ang nagiging/nagin nang pamantayan ng Tagalog (na hiwalay/kaiba sa Filipino). Kung iisipan, nababawasan ang bilang ng mananalita ng Tagalog (at may hiwalay na mananalita ang denebelop na Tagalog/Filipino. Ang mga salitang "matematika", "telepono" at iba pang mga salitang Kastila na isina-Filipino ay hindi Tagalog. Gumagamit nito ang mga wikang Pinoy. Ganun rin ang mga salitang "nars", "trak" at iba pang mga salitang Ingles. Ang mga nabanggit na salita ay Filipino. Hindi naging katanggap-tanggap ang mga salitang "salipapaw", "hatinig" at iba pang binuong salita para maging katawagang Filipino para sa mga salitang "airplane", "telefono" atbp. dahil ang "sa" (sasakyan), "li" (lipad) at "papaw" (himpapawid) ay Tagalog ganun rin ang "ha" (hatid) at "tinig" (tinig). Para sa akin, mas Tagalog ang purismo. Mananatiling iisa ang akala ng mga Tagalog at mga Pilipino sa Tagalog at Filipino kung patuloy na susundin bilang pamantayan ng Tagalog ang Filipino/"karaniwang Tagalog" (at hindi rin ito magiging ganap at hiwalay na wika). --Filipinayzd 16:27, 3 Mayo 2008 (UTC)
- Hindi naman na kailangan talagang purista ang gamit dito ng Tagalog. Kailangan ang paggamit dito ay ang pinaka-karaniwan na paggamit. Halimbawa, mas karaniwan ang matematika kaysa sa sipnayan, kaya dapat matematika ang ginagamit. Gagawin ba natin ito kapag ang pinag-uusapan ay telepono laban sa hattinig o eroplano laban sa salipawpaw? --Sky Harbor 18:57, 16 Abril 2008 (UTC)
[baguhin] Anyo ng pahina bago lumagda
Bakit Ingles na ang lumilitaw na salita sa kanang itaas na bahagi: Log-in / Create an account sa halip na Lumagda / lumikha ng akawnt? Kailangang ayusin ito, di ba?- AnakngAraw 15:26, 22 Abril 2008 (UTC)
[baguhin] Pagkikita-kitang birtwal
Mabuhay, mga Wikipedistang Tagalog! Mayroong isang pagkikita-kitang birtwal na magaganap sa 8:00 (GMT+8:00) Mayo 3, 2008. Pag-uusapan doon ang mga usaping tungkol sa mga proyektong Wikimedia sa mga wikang Pilipino. Inaanyayahan ka naming makilahok! Kailangan mo lamang ng Yahoo! Messenger, at isang panagutan niyon. Pumunta sa en:Wikipedia talk:Tambayan Philippines#Virtual meetup para sa karagdagang kaalaman. -- Felipe Aira 03:57, 28 Abril 2008 (UTC)
[baguhin] Paanyaya
Mangyaring bisitahin ang WP:Diskusyon para sa ilang mahalagang usapin Tomas De Aquino 01:46, 29 Abril 2008 (UTC)
[baguhin] Betawiki: better support for your language in MediaWiki
Dear community. I am writing to you to promote a special wiki called Betawiki. This wiki facilitates the localisation (l10n) of the MediaWiki interface. You may have changed many messages here to use your language in the interface, but if you would log in to for example the Japanese language Wiktionary, you would not be able to use the interface as well translated as here. In fact, of 1,736 messages in the core of MediaWiki, 5.99% of the messages have been translated. Betawiki also supports the translation of messages for 126 extensions, with 2,174 messages. Many of them are used in WMF projects and they are vital for understanding the wiki. Currently 0.00% of the WMF extension messages have been translated. Translators for over 90 languages contribute their work to MediaWiki this way every month.
If you wish to contribute to better support of your language in MediaWiki, as well as for many MediaWiki extensions, please visit Betawiki, create an account and request translator privileges. You can see the current status of localisation of your language on MediaWiki.org and do not forget to get in touch with others that may already be working on your language on Betawiki.
If you have any further questions, please let me know on my talk page on Betawiki. We will try and assist you as much as possible, for example by importing all messages from a local wiki for you to start with, if you so desire.
You can also find us on the Freenode IRC network in the channel #mediawiki-i18n where we will be happy to help you get started.
Thank you very much for your attention and I do hope to see some of you on Betawiki soon! Thanks, GerardM@Betawiki
- Currently 24.84% of the MediaWiki messages and 0.37% of the messages of the extensions used by the Wikimedia Foundation projects have been localised. Please help us help your language by localising at Betawiki. This is the localisation activity for your language. Thanks, GerardM 10:44, 3 Mayo 2008 (UTC)
- We still have a bounty program for people working on the localisation of this language. We are also quite happy to import messages from this project into Betawiki ... GerardM 10:45, 3 Mayo 2008 (UTC)
Inilipat mula sa Wikipedia talk:Puntahan ng pamayanan batay sa hiling ng naglagay. -- Felipe Aira 11:24, 3 Mayo 2008 (UTC)
- Currently 24.79% of the MediaWiki messages and 0.26% of the messages of the extensions used by the Wikimedia Foundation projects have been localised. Please help us help your language by localising at Betawiki. This is the recent localisation activity for your language. Thanks, GerardM 11:31, 17 Mayo 2008 (UTC)
[baguhin] Tamang pagbaybay sa Tagalog ng Ingles "Wikipedia"
Maari po bang gawing malinaw ang tunay talagang pagbaybay sa salitang sinabi? Sa Tagalog, hindi po maaaring ibaybay ang salita na WIKIPEDIA dahil ito ay nasa anyong Ingles o 'di kaya'y Espanyol. Ilalagay ko po sa ibaba ang mga posibleng pagbaybay sa isinaling salita.
- WIKIPIDYA
- WIKIPIDIYA
- WIKIPEDYA (pagbigkas, pEdya , E na nasa pEdal)
- WIKIPEDIYA
- WIKIPEDEYA
At isa pa, talaga po ba na Tagalog ang Wikipediyang ito? Dahil kung Tagalog, e sana'y mas mukhang puro ang mga salita. Ang Filipino ay mas nagmumukhang tama.
gs2kongmatuto 13:38, 3 Mayo 2008 (UTC)
-
- Hiwalay ang pagdebelop ng Tagalog at Filipino. Kung patuloy na susundin ang debelopment ng Filipino, patuloy na iisa ito sa tingin ng mga Pilipino. --Filipinayzd 16:59, 3 Mayo 2008 (UTC)
-
-
- Depende ito sa interpretasyon mo ng mga tuntunin ng KWF. Kung tutuusin, ang Wikipedia ay isang tatak (trademark), kaya maaari itong iwanin nang nakabaybay sa Ingles. Pero, kung gusto ng WMF (ang Pundasyong Wikimedia) na isalin ang mga pangalan, mas tama ang Wikipedya kung aayon ito sa pagbaybay ng Tagalog/Filipino. Higit pa sa iyon, ang convergence ng Tagalog at ng Filipino ay nagiging inevitable dahil sa tingin ng mga Pilipino na walang diperensiya ang dalawa. --Sky Harbor 15:10, 4 Mayo 2008 (UTC)
- Sumusunod sa pagbaybay ng Filipino ang mga tagagamit ng Tagalog sa pagpapalagay na ang Tagalog ay ginawang/naging Filipino. Dahil Tagalog Wikipedia ito, Wikipedya. At kung sa ibang Pilipinong wika, ewan ko. Sa Filipino, marahil ito ay Wikipidiya (na maaaring para ibang nasa KWF na gustong manatiling mala-Tagalog ang Filipino o ginawang/naging Filipino ang Tagalog, Wikipedya). --Filipinayzd 15:28, 5 Mayo 2008 (UTC)
- Depende ito sa interpretasyon mo ng mga tuntunin ng KWF. Kung tutuusin, ang Wikipedia ay isang tatak (trademark), kaya maaari itong iwanin nang nakabaybay sa Ingles. Pero, kung gusto ng WMF (ang Pundasyong Wikimedia) na isalin ang mga pangalan, mas tama ang Wikipedya kung aayon ito sa pagbaybay ng Tagalog/Filipino. Higit pa sa iyon, ang convergence ng Tagalog at ng Filipino ay nagiging inevitable dahil sa tingin ng mga Pilipino na walang diperensiya ang dalawa. --Sky Harbor 15:10, 4 Mayo 2008 (UTC)
-
[baguhin] Mga Tagalog na mga salita
Alam niyo ba na ang Tagalog ng "nut" ay pilì? Silipin nyo ang bansa.org. Mukhang magagamit ninyo ito sa pagpapayaman ng tl.wikt. --Lenticel (usapan) 06:48, 11 Mayo 2008 (UTC)
- talaga? akala ko walang tagalog ang nut kasi hindi naman masyadong madami ang variety ng nuts na lokal sa bansa kaya hindi nagkaroon ng kataga para sa grupong ito 'di tulad ng ibang grupo gaya ng prutas o bunga, gulay, lamang-ugat at iba pa (hal: ang pili nut ay pili, ang cashew nut ay kasoy) [nga pala trivia, ang peanut o mani ay hindi isang nut kundi isang legume] at ang lahat ng mga nuts kasama ang mga iba pang seeds, grains at legumes ay ikinukusidera ng DOH sa Go, Grow, Glow chart bilang gulay--Rebskii 12:07, 22 Mayo 2008 (UTC)
magandang araw!alam ko ang tagalog ng salitang "nut"!ito ay buto o mga buto!kapag isasalin naman ang salitang pili sa tagalog,tinawag itong basyad sa quezon.kapag ginamit ang nut sa salitang tagalog,ganito ang anyo niya-peanut-buto ng mani,lima beans-patani at iba pa.saka may idadagdag lang ako tungkol sa fluidity ng wikang tagalog.fluidity-mapanimbang na katangian ng wika o salita.nagtatalo kasi ang maraming tawo sa pagsulat ng mga salitang tagalog.dahil ang tagalog ay nahubog at nabuo mula sa isang anyo ng matandang sanskrito na nalahukan ng iba pang mga salita mula sa ibat ibang wika,pangkaraniwan lang na magkakaroon ito ng ibat ibang anyo ng mga salita,isang katangian ng wikang ito ay ang pagiging malinaw nito sa pagpapahayag na siyang dapat napapanatili sa kabila ng kayamanan ng ibat ibang wika na ipinapasok dito.wag na kayong magtalo,sadyang ang tagalog ay may anyo na paiba iba at nagbabago sa paglakad ng panahon subalit ang diin at linaw ng kapahayagan nito ay nanatiling mahigpit na patakaran sa pagpapahayag maging sa pananalita,sa tula o maging sa awit!katulad ng salitang bulong marami itong kahulugan kapag sinalita sa ibat ibang situwasyon o kaganapan o pangyayari.ano ang ibinulong mo? may bulong ka? maaaring may lihim na bagay ito o balita at iba pang itinatagong pangyayari! ni dan ellihseoh
[baguhin] WMPH: Pasulong (isang mala-manifesto)
Kung hindi sapat ang pangangampanya upang magkaroon ng interes sa Wikimedia Pilipinas, baka kaya ng isang mala-manifesto o pseudo-manifesto. Matitingnan niyo ito dito, o, dito kung gusto niyo sa Ingles. --Sky Harbor 21:02, 12 Mayo 2008 (UTC)
[baguhin] Osama bin Laden
Ngayong buwan, napiling artikulo sa Bisayang Wikipedia ang artikulo ni bin Laden. Sino ang nagnanais na isalin iyon sa Tagalog upang mapalitan na si Thalia? Alexius08 06:14, 14 Mayo 2008 (UTC)
- Gusto ko lang pong ipaalalang walang talasanggunian ang artikulo, at buwanan ang pagpili ng Wikipedyang Sinugbuanon. Hindi ito pumapasa sa ating pamantayan. -- Felipe Aira 11:00, 14 Mayo 2008 (UTC)
Mas mainam sigurong isalin ang artikulo sa English Wikipedia dahil mas marami ang citations nito. --bluemask 12:33, 14 Mayo 2008 (UTC)
- Isasalin ko po ng patagpi-tagpi yung artikulo ni bin laden sa tagalog, lalagyan ko rin po yun ng mga talasanggunian para pumasa sa pamantayan dito. Ilang buwan na po bang nalagay si Thalia sa Unang Pahina bilang napiling artikulo?--Palang hernan 07:25, 20 Hunyo 2008 (UTC)
[baguhin] Sidebar
Gusto ko lang pong ipaalam na may bago na tayong sidebar. Sino'ng gumawa noon? Maganda. -- Felipe Aira 11:02, 14 Mayo 2008 (UTC)
[baguhin] Infobox
Maituturing bang mga artikulo ang mga pahinang tanging infobox lang ang laman? Para sa akin, kailangang burahin iyon. -- Felipe Aira 11:10, 14 Mayo 2008 (UTC)
-
- palagay ko mas mainam kung papalawakin na lamang ang artikulo kaysa burahin. hal. lagyan ng panimulang mga pangungusap. :-) Mananaliksik 00:28, 15 Mayo 2008 (UTC)
[baguhin] Napiling nilalaman
Pakisilip po ang Wikipedia:Mga nominasyon para sa napiling nilalaman, mayroon po akong talaang isinulat at iniharap doon. -- Felipe Aira 05:45, 19 Mayo 2008 (UTC)
[baguhin] Ang Wikipedia Tagalog at ang Google
Napansin ko kamakailan na pumapangibabaw ang mga artikulo ng Tagalog Wikipedia sa Google, lalo na kapag may karampatan itong interwiki sa Ingles. Sa palagay ko'y isa itong magandang senyales upang maging umangat ang interes ng mga manunulat dito. Starczamora 08:56, 2 Hunyo 2008 (UTC)
[baguhin] Friendster group
- www.friendster.com/pinoywikipedia
- Pinoy Wikipedia Friendster Group
- Facebook group keyword: "Pinoy Wikipedia"
- pinoywikipedia.multiply.com
- www.come.to/wikipedia
- PhilWiki Yahoo Group
--Exec8 07:23, 14 Hunyo 2008 (UTC)
[baguhin] Request bot flag for WikiDreamer Bot
- Operator: WikiDreamer
- Automatic or Manually Assisted: Automatic
- Programming Language(s): Python (Pywikipedia framework)
- Function Summary: Interwiki from bs wikipedia
- Bot with flag: 41 & ++ wikipedia
I run my bot now for 50 test edits. Thanks! --WikiDreamer Talk 14:09, 16 Hunyo 2008 (UTC)
[baguhin] Template:California
Hello. patulong naman sa pag-ayos ng template na ito kasi hindi ko mabago yung pamagat na "Estado of California". Salamat sa inyong tulong. Mananaliksik 01:02, 18 Hunyo 2008 (UTC)
- Tapos na. --Sky Harbor (usapan) 11:53, 21 Hunyo 2008 (UTC)
[baguhin] Consensus: Biyetnam, Kambodya, Indonesya at Singapura
Sa iilang mga bagong artikulong isinulat dito sa Tagalog Wikipedia, tumaas nanaman ang isyu ng mga pangalan ng mga bansa sa Timog-silangang Asya. Ano na kaya ang magagawa natin dito? Iilan dito ay may basehan (hal. ang Biyetnam ay nagmumula sa Biyetnames, na inimbento ng mga lingguwistiko para sa "Vietnamese"), iilan ay may basehang kuwestiyonable (hal. ang Singapura ay hiram sa Malay at Indones, kung saan sila ay may bihirang impluwensiya sa Tagalog) at iilan ay wala (hal. ang Kambodya). --Sky Harbor (usapan) 08:23, 23 Hunyo 2008 (UTC)