Papa
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang Papa ay ang Obispong Katoliko at patriarch ng Roma, at ang namamahala ng Simbahang Katoliko Romano at ang Silangang Simbahang Katoliko.
[baguhin] Viva il Papa!
Nangangahulugan ang pariralang Italyanong Viva il Papa! ng “Mabuhay ang Papa!” Ito ay ang karaniwang sigaw ng mga debotong Katoliko matapos na makalabas ang papa sa ospital o kapag nagpapakita ito sa madla.