Bibliya
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang artikulong ito ay hindi sumisipi ng anumang sanggunian o pinagmulan. (Pebrero 2008) Tumulong sa pagpaganda ng artikulo sa pagdagdag ng mga sipi sa mga makakatiwalaang pinagmulan. Ang hindi matiyak na nilalaman ay maaaring mapagdudahan at matanggal. |
Kinakailangang isulat muli ang artikulong ito. Pag-usapan ang mga pagbabago sa pahina ng usapan. |
Bahagi ito ng serye hinggil sa Kristyanismo |
|
Kasaysayan ng Kristyanismo |
|
Trinidad |
|
Bibliya |
|
Teolohiyang Kristyano |
|
Simbahang Kristyano Mga denominasyong Kristyano |
Ang Bibliya (Biblya sa ponemikong baybay at Biblia sa mala-Kastilang baybay) ay kalipunan ng mga banal na kasulatan ng Hudaismo at Kristyanismo. Para sa maraming tao, ito rin ang mismong salita ng Dyos at isinulat lamang ng mga tao.
Mga nilalaman |
[baguhin] Kanon ng Hudaismo
Sa mga Hudiyo ang biblia ay kinapapalooban lang ng 39 kasulatan, na tinatawag nilang Tanakh (Ebreo: תנ״ך) o Miqra’ (Ebreo: מקרא). Kinalamnan ang Biblyang Ebreo ng mga sumusunod: (Una ang ngalan ng aklat sa Tagalog, sunod ang ngalan nito sa Ebreo sa sulat Ebreo at Latin.)
[baguhin] Tora (תורה)
- Henesis (בראשית, Breshit)
- Eksodo (שמות, Shemot)
- Lebitiko (ויקרא, Wayiqra)
- Mga Bilang (במדבר, Bamidbar)
- Deuteronomyo (דברים, Dvarim)
[baguhin] Mga Propeta (נביאים, Nevi’im)
- Josué (יהושע, Yhoshu‘a)
- Mga Hukom (שופטים, Shofetim)
- Samuel (1 at 2; שמואל, Shmu’el)
- Mga Hari (1 at 2; מלכים, Melakhim)
- Isaías (ישעיה, Ysha‘yahu)
- Jeremías (ירמיה, Yirmyahu)
- Ezequiel (יחזקאל, Yẖezqel)
- Ang Labindalawa (תרי עשר)
- Oseas (הושע, Hoshe‘a)
- Joel (יואל, Yo’el)
- Amós (עמוס, ‘Amos)
- Abdías (עובדיה, ‘Ovadia)
- Jonás (יונה, Yona)
- Miqueas (מיכה, Mikha)
- Nahúm (נחום, Naẖum)
- Habacuc (חבקוק, Ḥavaqquq)
- Sofonías (צפניה, Ẕfanya)
- Hageo (חגי, Ḥaggay)
- Zacarías (זכריה, Zkharya)
- Malaquías (מלאכי, Mal’akhi)
[baguhin] Mga Kasulatan (כתובים, Ktuvim)
- Mga Awit (תהלים, Tehilim)
- Mga Kawikaan (משלי, Mishle)
- Job (איוב, Iyyov)
- Awit ng mga Awit (שיר השירים, Shir haShirim)
- Rut (רות)
- Mga Panaghoy (איכה, Ekha)
- Eclesiastés (קהלת, Qohelet)
- Ester (אסתר, Ester)
- Daniel (דניאל, Daniyyel)
- Ezra-Nehemías (עזרא ונחמיה, ‘Ezra’ wNẖemya)
- Mga Kronika (1 at 2; דברי הימים, Dvre haYamim)
[baguhin] Kanong Kristyano
Bukod sa Biblyang Ebreo na tinutukoy ng mga Kristyano bilang ang Lumang Tipan, kasama sa kanong Kristyano ang Bagong Tipan na kinapapalooban ng 27 kasulatan kabilang ang apat na Ebanghelyo, Gawa ng mga Apostol, sulat ng mga Apostol sa mga naunang simbahan at Ang Pahayag kay Juan.
May pagkakaiba ang mga pagkakabuo ng mga kanon sa pagitan ng Katolisismo, Ortodoksya, Protestantismo, atbp. Sumusunod ang mga kanon ng mga pangunahing sangay.
[baguhin] Katolisismo
Sakop ng kanong Katoliko ang Biblyang Ebreo at ang Bagong Tipan, pati na rin ang mga sumusunod na aklat na tinatawag na mga deuterokanoniko:
- Tobías
- Judit
- Ester (Gryego) (madalas pinapalitan ang orihinal na Ester ng Biblyang Ebreo)
- 1 Macabeos
- 2 Macabeos
- Karunungan ni Salomón
- Sirácida
- Baruc
[baguhin] Ortodoksya
Sakop ng kanong Ortodokso ang lahat ng mga aklat ng biblyang Katoliko kasama ang 3 Macabeos, Awit 151, 1 Esdras, o minsan pati ang 4 Macabeos.
[baguhin] Protestantismo
Sakop ng kanong Protestante ang orihinal na Biblyang Ebreo at ang Bagong Tipan.
[baguhin] Modernong Salin
Sa Pilipinas marami nang salin ng Banal na Kasulatan ang nailabas. Ang ilan dito ay mas madaling maunawan kung ikukumpara sa mga sinaunang salin. Isa na rito ang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
Ang artikulong ito ay maaring nangangailangan ng pagsasaayos upang matugunan ang pamantayan sa kalidad ng Wikipedia. Maari po kayong makatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito. (Marso 2007) |
Mula sa Griegong salita na bi·bli´a, na ibig sabihin "maliliit na aklat." Ito, sa katunayan, ay hinango mula bi´blos, isang salita na lumalarawan sa panloob na bahagi ng halamang papirus na mula dito ginagawa ang papel. Ang lungsod ng Gebal sa Phoenicia ay tinawag ng mga Griego na "Byblos" dahil kilala ang lugar na ito sa paggawa ng papel na papirus. Sa paglipas ng panahon ang bi·bli´a ay lalo pang nakilala bilang mga sulat, mga iskrol, mga aklat hanggang sa naging mga koleksyon ng maliliit na aklat na bumubuo sa Biblia. Ang koleksyon na ito ay tinawag ni Jerome na Bibliotheca Divina, ang Banal na Aklatan.
Tinukoy ni Jesus at ng mga manunulat ng Kristiyanong Griegong Kasulatan (Bagong Tipan) ang koleksiyon ng banal na mga sulat na ito bilang "ang Kasulatan," o "ang banal na Kasulatan," "ang banal na mga sulat." (Mat 21:42; Mar 14:49; Luc 24:32; Ju 5:39; Ga 18:24; Ro 1:2; 15:4; 2Ti 3:15, 16)
[baguhin] Paghahati
Animnaput-anim na aklat ang bumubuo sa kanon ng Bibliya, mula Genesis hanggang Apocalipsis (Pahayag). Tatlumput-siyam ang Hebreo at 27 naman sa Griego kasama na ang iilang bahagi na isinulat sa Aramayko (Ezr 4:8–6:18; 7:12-26; Jer 10:11; Dan 2:4b–7:28) Ang paghahati sa Bibiya na may mga kabanata at talata (ang KJV ay may 1,189 kabanata at 31,102 talata) ay hindi ginawa ng orihinal na mga manunulat, ngunit ang bagay na ito ay nakatulong ng malaki makalipas ang ilang siglo. Hinati ng mga Masoret ang Hebreong Kasulatan sa mga talata; at noong mga ika-13 siglo ng ating Karaniwang Panahon (C.E.) idinagdag naman ang paghahati-hati ng kabanata. Nang dakong huli, noong 1555 inilathala ni Robert Estienne ang edisyong Latin Vulgate bilang ang kauna-unahang Biblia na may kompletong kabanata at talata na ginagamit hanggang ngayon.
Walang ibang aklat tulad ng Bibliya na matagal ang lumipas bago nakompleto. Pinasimulan ni Moises ang pagsulat ng Bibliya noong 1513 B.C.E. Naidagdag ang ilang sagradong mga isinulat sa pagtapos ng 443 B.C.E nang nakompleto nina Nehemias at Malakias ang kanilang aklat. Nagkaroon ng pagitan ang pagsulat ng Bibliya nang halos 500 taon, hanggang sa naisulat ng apostol na si Mateo ang kaniyang makasaysayang dula. Halos 60 mga taon nang dakong huli nang si Juan, ang huli sa mga apostol, ay nagbahagi ng kaniyang aklat at tatlong mga sulat para makompleto ang kanon ng Bibliya. Kung gayon, lahat-lahat, may kabuuang 1,610 mga taon ang sangkot sa pagkagawa ng Bibliya.
[baguhin] Tingnan din
[baguhin] Mga kawing palabas
- Philippine Bible Society
- Bibliang Ingles Online
- Bibliang Tagalog Online (Bagong Tipan)
- Literaturang Tagalog
- Mechon Mamre, ang Tora at Tanakh sa Ebreo at Inggles
- Ang Bagong Tipan sa Ebreo