Wikang Ingles
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang artikulong ito ay bahagiang nag-improba at hindi na nangangailangan ng atensyon. Kung ito ay hindi tuloy-tuloy mag-improba sa loob ng apat na linggo, pupwedeng mangangailangan ulit ito ng atensyon. |
Ang Ingles o Inggles ay isang wikang Hermanikong nagmula sa Ingglatera na lumaganap sa mga kolonya ng Mga Nagkakaisang Kaharian hanggang sa Mga Nagkakaisang Estado.
[baguhin] Katanyagan
Ang Wikang Ingles ay ang pangalawang kilalang pangunahing wika (o inang wika) na mayroong 402 milyong mananalita noong 2002. Ito rin ang nangungunang ginagamit na pangalawang wika sa mundo.
Nagkaroon ng estadong lingua franca (wikang internasyonal) ang Inggles dahil sa mga impluwensyang pangmilitar, pampolitika, at pangkultura ng Kahariang Nagkakaisa at di naglaon ng Mga Nagkakaisang Estado. Hangga’t maaari lahat ng mag-aaral sa buong daigdig ay kinakailangang matuto ng Inggles dahil kinakailangan ito sa maraming uri ng larangan at trabaho.
Ang Inggles ay ang pangunahing wika sa Awstralya, Bahamas, Barbados, Bermuda, Guyana, Irlanda, Jamaica, Bagong Zilandya, Antigwa, Santa Kitts at Nevis, Trinidad at Tobago, Mga Nagkakaisang Kaharian at Mga Nagkakaisang Estado.
Ang Ingles ay isa sa pangunahing wika sa Beliz (kasama ang Kastila), Kanada (kasama ang Pranses), Kamerun (kasama ang Pranses at ibang wikang Aprikano), Dominika, Sta. Lucia, San Vicente at ang mga Grenadin (kasama ang Kreol Pranses), Mga Estadong Pederal ng Mikronesya, Irlanda (kasama ang wikang Irlandes), Liberya (kasama ang mga wikang Aprikano), Malaysia (kasama ang mga wikang Malay, Tsino at Tamil), Singapura, at Timog Aprika (kasama ang Afrikaans at iba pang wikang Aprikano).
Ito ay wikang opisyal (o isa sa mga wikang opisyal), ngunit hindi katutubo, sa Fidyi, Gana, Gambya, Hong Kong, Indya, Kiribati, Lesoto, Kenya, Namibya, Nigerya, Malta, Kapuluang Marsyal, Pakistan, Papua New Guinea, Pilipinas, Puwerto Riko, Kapuluang Solomon, Samoa, Siyera Leon, Swazilandya, Tanzanya, Zambya, at Zimbabwe. Ito rin ay malawakang ginagamit, nguni't hindi opisyal, sa Israel at ng lumalaking bilang ng mga bansa gaya ng Alemanya, Norwega, at Suwesiya.