Palosebo
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang palosebo, palo-sebo, palo sebo, o palocebo ay isang kinaugaliang laro ng mga Pilipino na karaniwang isinasagawa tuwing may kapistahang pambayan o anumang mahalagang okasyon, karaniwan na sa mga lalawigan. Kabilang sa tradisyonal na larong ito ang isang mahaba, kininis at nakatayong kawayan na nilagyan ng grasa. Kailangang akyatin ng mga nakikilahok sa laro upang abutin ang isang supot ng gantimpala, na karaniwang naglalaman ng salapi o mga laruan. Maaari ring isang banderitas o maliit na watawat ang aabutin bago magawaran ng tunay na premyo. Nilalaro ang akyatan ng kawayang may pampadulas na ito ng dalawa o higit pang bilang ng mga manlalaro.[1] Karaniwang mga batang lalaki ang sumasali sa larong ito na ginagawa sa labas ng bahay. Diskwalipikado ang hindi makaabot sa pabuyang nakabitin sa dulo ng kawayan. Kailangang kalagin mula sa pagkakatali ang premyo bago pumadausdos pababa ang kalahok.[2][3]
Mga nilalaman |
[baguhin] Mga sanggunian
[baguhin] Talababa
- ↑ "Palo Sebo," Pinoy Games, Cultural Heritage, GlobalPinoy.com, 2006
- ↑ Palo Sebo, Greased Bamboo Climbing, mula sa SeaSite.niu.edu (walang petsa)
- ↑ Barbosa, Artemio C. Palosebo,12 Philippine Games, Traditional Games in the Philippines, Infocus, About Culture an Arts, National Commission for Culture and the Arts, Agosto 15, 2003, mula sa NCCA.gov.ph
[baguhin] Bibliyograpiya
- Marsha's Encounter with the Little Prince (Ang Enkuwentro ni Marsha sa isang Maliit na Prinsipe) - Isang kuwento na may paglalarawan sa larong palosebo (nasa Ingles), mula sa EduProjects.net
- Barbosa, Artemio C. Palosebo,12 Philippine Games, Traditional Games in the Philippines, Infocus, About Culture an Arts, National Commission for Culture and the Arts, Agosto 15, 2003, mula sa NCCA.gov.ph
- Palosebo, Palaro, Festival Components and Events, First National Komedya Festival, mula sa NCCA.gov.ph
[baguhin] Tingnan din
- Iba pang mga larong tradisyonal sa Pilipinas
[baguhin] Mga kawing panlabas
[baguhin] Mga litrato
- Larawan ng paglalaro ng palosebo, Caminawit Photo Center mula sa Bravenet.com
- Larawan ng paglalaro ng palosebo mula sa Flickr.com
- Larawan ng paglalaro ng palosebo, Kids play the ‘palo sebo’, Pinoy Outlook/Sun+Stars e-magazine mula sa Sunstar.com at sa Flickr.com
[baguhin] Mga panoorin
- Paglalaro ng palosebo mula sa YouTube.com
- Paglalaro ng palosebo rin mula sa YouTube.com
[baguhin] Iba pang mga kaugnay na kawing
- Mga Larong Pilipino at mga Kawing, mula sa Pinoy Games, Pinas, DLSU-Manila (2002):
-
- Mga Laro sa Pilipinas mula sa Philippine Games ni Eric A. Gutierrez, mula sa Geocities.com
- Mga Larong Pilipino, mula sa Filipino Games, SeaSite.niu.edu