Anime
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang anime ay isang daglating ng salitang "animation" sa Hapon, na kadalasang tinatawag na Japanimation sa Kanluraning mundo. Ito ay ginagamit eksklusibo lamang sa mga "animation" galing sa bansang Hapon. Sa madaling salita, hindi lahat ng "animation" ay anime, at ang anime ay isang uri ng "animation".
Kadalasang gumagamit ito ng mga istilong makukulay na mga larawan na nagsasalarawan ng mga maliliwanag na mga karakter sa mga iba't ibang tagpo at linya ng istorya, na sinsadyang makuha ang malawak na tagapanood.
Ang istilo ng pag-gawa ay maaaring guhit-kamay o may tulong mula sa mga computer. Ang anime ay maaaring ipalabas sa telebisyon, ibenta sa pamamagitan ng VHS, VCD o DVD. May mga pelikula na anime din na nagawa. Malaki ang impluwensya ng mga maiikling nobela at komiks na Hapon o manga sa anime. May mga istorya din na isinalin sa mga "live action" na pelikula at mga serye sa telebisyon.
[baguhin] Mga kaugnay na artikulo