Ibong karpintero
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
- Para sa ibang gamit, tingnan Karpintero (paglilinaw).
Tariktik | ||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Magulang na lalaking may sisiw.
|
||||||||||||||
Katayuan ng pagpapanatili | ||||||||||||||
Pag-uuring pang-agham | ||||||||||||||
|
||||||||||||||
Pangalang dalawahan | ||||||||||||||
Dryocopus martius (Linnaeus, 1758) |
Ang ibong karpintero, karpintero [pangalang panlahat], o tariktik (Ingles: black woodpecker) - na may pangalang pang-agham na Dryocopus martius - ay isang ibon na may habang-pangkatawan mula 40 hanggang 46 sentimetro, at may kahabaan ng pakpak mula 67 hanggang 73 sentimetro. Naninirahan sila sa mga kagubatan sa may hilagang paleartiko. Siya lamang ang kinatawan ng henerong ito sa rehiyong iyon. Lumalawak ang teritoryo nito sa Eurasia. Hindi ito ibong migratoryo.
[baguhin] Paglalarawan
Kasing laki ito ng isang uwak, at may lubhang maitim na mga balahibo maliban sa isang pulang korona. Maitim ang kabuuan ng korona ng mga kalalakihan, samantalang ang mapula lamang sa mga kababaihan ay ang panlikurang bahagi ng korona. May pagkakaiba rin ang mga lalaki at babaeng sisiw sa panahon ng kanilang pagiging mga pitson.
Patuwid ang lipad ng karpinterong ibon. Hindi sumasawsaw, na katangian ng ibang mga espesye ng mga tariktik. Isang butas sa puno ang pugad nito. Nangingitlog ito ng apat o higit pa.
[baguhin] Mga talasanggunian
- BirdLife International (2004). Dryocopus martius. 2006 IUCN Red List of Threatened Species. IUCN 2006. Retrieved on 11 Mayo 2006. (Paunawa: Binibigyang-katuwiran dito kung bakit hindi kabilang ang ibong ito sa mga nanganganib na mawala na sa mundong ibabaw.)