See also ebooksgratis.com: no banners, no cookies, totally FREE.

CLASSICISTRANIERI HOME PAGE - YOUTUBE CHANNEL
Privacy Policy Cookie Policy Terms and Conditions
Cape Verde - Wikipedia

Cape Verde

Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

República de Cabo Verde
Republic of Cape Verde
Watawat ng Cape Verde National Emblem ng Cape Verde
Pambansang awit
Cântico da Liberdade
Lokasyon ng Cape Verde
Kabisera
(at Pinakamalaking lungsod)
Praia
14°55′ N 23°31′ W
Opisyal na wika Portuguese (official)
at siyan na mga Wikang Cape Verdean Crioulo
Pamahalaan Republic
 -  Pangulo Pedro Pires
 -  Punong Ministro José Maria Neves
Kalayaan mula Portugal 
 -  Kinilala Hulyo 5, 1975 
Lawak
 -  Kabuuan 4,033 km² (ika-172)
1,557 sq mi 
 -  Tubig (%) -
Populasyon
 -  taya ng Hulyo 2006 420,979 (ika-165)
 -  sensus ng 2005 507,000 
 -  Densidad 126 /km² (ika-79)
326 /sq mi
GDP (PPP) 2005 estimate
 -  Total $3.055 bilyon (ika-158)
 -  Per capita $6,418 (ika-92)
HDI (2004) 0.722 (medium) (ika-106)
Pananalapi Cape Verdean escudo (CVE)
Sona ng oras CVT (UTC-1)
 -  Summer (DST) wala (UTC-1)
Internet TLD .cv
Kodigong pantawag +238

Ang Republika ng Cape Verde o Cape Verde (internasyunal: Republic of Cape Verde Portugues: Cabo Verde) ay isang republika na matatagpuan sa kapuluan ng Macaronesiang ekorehiyon ng Hilagang Dagat Atlantiko, sa labas ng kanlurang pampang ng Aprika. Natuklasan at ginawang kolonya ang dating walang-nakatirang mga pulo ng mga Portuges noong ika-15 siglo; naging sentro ito ng kalakalan ng mga aliping Aprikano sa kalaunan.

[baguhin] Pagpapangalan

Ang pangalang Cape Verde ay nagmula sa Cap Vert (wikang Pranses na nangangahulugang Lunting Kapa) sa Senegal, ang pinakakanluraning pook sa kontinente ng Aprika.

[baguhin] Kasaysayan

Pangunahing artikulo: Kasaysayan ng Cape Verde

Walang naninirahan sa Cape Verde nang magsidating ang mga Portuges noong 1460 at gawing bahagi ng imperyong Portuges ang mga kapuluan. Dahil sa lokasyon nito sa may dalampasigan ng Aprika ang Cape Verde ay naging isang mahalagang tubigang himpilan, na noon ay isang lugar na taniman ng mga tubo, at naging pangunahing pinagkukunan ng mga alipin para sa kalakalang transatlantiko, na nang kalaunan ay humubog ng Diyasporang Aprikano, o sapilitang pagkalat ng bilang ng mga Aprikano sa ibang mga lupain.

Noong 1975, nakamit ng Cape Verde ang kasarinlan mula sa Portugal matapos ang isang mahabang pakikibakang sandatahan sa mga kagubatan ng Guinea-Bissau. Ang Partidong Aprikano para sa Kasarinlan ng Guinea-Bissau at Cape Verde (PAIGC) ay ang nagiisang kinatawan na nagdulot ng kalayaan para sa Cape Verde. Bilang karagdagan, may ginanapan ding papel ang rebolusyanoryang popular ng armadong hukbo ng Cuba sa pagsasarili ng Cape Verde. Pagkatapos ng kasarinlan, sinubok ng PAIGC na pag-isahin ang Cape Verde at Guinea-Bissau para maging isang bansa, na hinahawakan ng PAIGC ang dalawang pamahalaan, ngunit naunsiyami ang plano dahil sa pag-aalsa (coup) ng Guinea-Bissau noong 1980. Bilang resulta, ang titik na G - na panandang titik para sa Guinea-Bissau, ay tinanggal mula sa daglat na PAIGC. Mula sa paglaglag na ito, nabuo ang PAICV o Partidong Aprikano para sa Kasarinlan ng Cape Verde. Sa Cape Verde, namuno ang PAICV hanggang sa ganapin ang halalang makademokrasya ng 1991, na nagdulot ng pagpapalit ng pamahalaan. Nagwagi sa eleksiyong ito ang Mobimyento para sa Demokrasya (MPD, Mga Galaw para sa Demokrasya). Muling nahalal ang MPD noong 1996. Muling nagbalik sa kapangyarihan ang PAICV noong 2001, at muling nanalo noong 2006.



aa - ab - af - ak - als - am - an - ang - ar - arc - as - ast - av - ay - az - ba - bar - bat_smg - bcl - be - be_x_old - bg - bh - bi - bm - bn - bo - bpy - br - bs - bug - bxr - ca - cbk_zam - cdo - ce - ceb - ch - cho - chr - chy - co - cr - crh - cs - csb - cu - cv - cy - da - de - diq - dsb - dv - dz - ee - el - eml - en - eo - es - et - eu - ext - fa - ff - fi - fiu_vro - fj - fo - fr - frp - fur - fy - ga - gan - gd - gl - glk - gn - got - gu - gv - ha - hak - haw - he - hi - hif - ho - hr - hsb - ht - hu - hy - hz - ia - id - ie - ig - ii - ik - ilo - io - is - it - iu - ja - jbo - jv - ka - kaa - kab - kg - ki - kj - kk - kl - km - kn - ko - kr - ks - ksh - ku - kv - kw - ky - la - lad - lb - lbe - lg - li - lij - lmo - ln - lo - lt - lv - map_bms - mdf - mg - mh - mi - mk - ml - mn - mo - mr - mt - mus - my - myv - mzn - na - nah - nap - nds - nds_nl - ne - new - ng - nl - nn - no - nov - nrm - nv - ny - oc - om - or - os - pa - pag - pam - pap - pdc - pi - pih - pl - pms - ps - pt - qu - quality - rm - rmy - rn - ro - roa_rup - roa_tara - ru - rw - sa - sah - sc - scn - sco - sd - se - sg - sh - si - simple - sk - sl - sm - sn - so - sr - srn - ss - st - stq - su - sv - sw - szl - ta - te - tet - tg - th - ti - tk - tl - tlh - tn - to - tpi - tr - ts - tt - tum - tw - ty - udm - ug - uk - ur - uz - ve - vec - vi - vls - vo - wa - war - wo - wuu - xal - xh - yi - yo - za - zea - zh - zh_classical - zh_min_nan - zh_yue - zu -