Martha de San Bernardo
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Martha de San Bernardo ang pinakakauna-unahang Katolikong Pilipina na naging madre sa Pilipinas at sa buong mundo.[1][2][3]
[baguhin] Talambuhay
Kabilang si De San Bernardo sa nakakariwasa at maimpluwensiyang pamilya sa Pampanga, at isang ladina o isang Pilipinang nakapagsasalita ng wikang Kastila na walang dugong Kastila. Noong 1633, bagaman sa klimang kolonyal at rasismong pangkasarian ng kapanahunan ni De San Bernardo, nakakuha siya ng suporta mula sa mga madre Kastila ng kumbento ni Madre Jeronima de la Asuncion, ang Monasteryo ni Santa Clara sa Intramuros, Maynila. Sa tulong ng punong pari ng mga Pransiskano, naipadala si De San Bernardo sa isang bagong bukas na monasteryo sa kolonyang Portuges ng Macau, isang pook na hindi sakop ng pamamahala ng kahit anong samahang relihiyoso sa Maynila. Naging tunay na madre si De San Bernardo matapos lisanin ang baybaying ng Maynila at bago marating ang baybayin ng Macau, habang naglalakbay sa karagatan ng Katimugang Tsina, kasama ang iba pang mga Kastilang kababaihan na ibig maging bahagi ng samahan ng mga madre ng Mahihirap na Clara sa Asya.[1][2][3]
[baguhin] Mga talasanggunian
- ↑ 1.0 1.1 Tantingco, Robby. Ang Pinakaunang Madreng Pilipino ay Kapampangan (Paunawa: Ang unang Pilipinong madre, si Martha de San Bernardo, ay nasa ilalim ng samahang relihiyoso ni Donya Madre Jeronima de la Asuncion), Sunstar.com, Marso 06, 2007, isinangguni noong: Hunyo 18, 2007
- ↑ 2.0 2.1 99 Mahahalagang Mga Kapampangan sa Kasaysayan at Bakit, Sentro ng mga Pagaaral Pang-Kapampangan, HAU.edu.ph at Geocities.com, 2007, isinangguni noong: Hunyo 23, 2007
- ↑ 3.0 3.1 Pascual Jr., Federico D. Mga Una sa Relihiyon, Postscript, ABS-CBN Interactive, ABS-CBNNews.com, Marso 06, 2007, isinangguni noong: Hunyo 23, 2007