Asya
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang Asya (Inggles: Asia) ang isa sa mga kontinente ng mundo. Pinakamalaki ang Asya sa buong mundo sa dami ng populasyon at sa lawak ng lupa. Sa kanluran ng Asya matatagpuan ang Europa, sa timog-kanluran naman ang Aprika.
Heograpiya
Ang Asya ang pinakamalaking kontinente at sumasaklaw sa humigit-kumulang na ikatlong bahagi ng mundo. May sukat itong 17,159,995 milya kuwadrado. Ito ay nahihiwalay sa Europa sa pamamagitan ng isang makinaryang libu-libong linya and dumadaan buhat sa Ural Mountains patungong Caspian Sea, Caucasus Mountains at Black Sea. Ang hangganang naghahati sa Africa at Asya ay ang Suez Canal at ang hangganan sa pagitan ng Hilagang Amerika At Asya ay ang Bering Strait. Sa hilaga ng Asya ay ang Arctic Ocean at sa timog nito, ang Indian Ocean. Ang Pacific Ocean ang nasa silangan ng Asya at sa kanluran nito matatagpuan ang Ural Mountains, Caspian Sea, Black Sea at Aegean Sea. Ang ASYA (Inggles-ASIA) ay isang pinakamalaking continente sa buong mundo at tinaguriang isa sa pinagsibulan ng mga dakilang Kabihasnan na nagpabago at humubog sa kaisipan at paniniwala ng mga tao sa daigdig nating ito.Ilan sa mga kilalang kabihasnan na nagmula dito sa Asya ay ang kabihasnang Tsina,India,Mesapotamia,Persia at kabihasnang aramaiko na may dalawang sangay-ang Israel at arabo.Ang Asya ay may kabuoang sukat na 17,159,995 milya kuwadrado sa lawak ng lupaing nasasaklawan at dito rin matatagpuan ang karagatang INDIA, dagat ng timog tsina,bahagi ng karagatang PASIFIKO at karagatang ARTIKO.Ang Europa ang kadikit nitong continente na pinaghiwalay lang ng mga hangganan ng kabundukan ng URAL, Dagat ng caspia,Itim na dagat at ng kabundukan ng Cawkasus.Ang Suez Canal naman ang siyang hangganan nito bago dumating sa bansang egipto ng continenteng africa .Sa dami ng mga pangkat ng lahi ng mga tao,ang ASYA pa rin ang nangunguna at patuloy na yumayabong sa paglabas nito patungo sa iba pang mga bansa at pagdagsa din dito ng mga ibang lahi ng tao mula sa continente ng Europa,Amerika at Afrika.
Mga teritoryo at rehiyon
Pangalang ng rehiyon[1] at teritoryo, kasama ang watawat |
Lawak (km²) |
Populasyon (taya ng Hulyo 1, 2002) |
Densidad ng populasyon (bawat km²) |
Kabesera |
---|---|---|---|---|
Gitnang Asya: | ||||
Kazakhstan[2] | 2,346,927 | 13,472,593 | 5.7 | Astana |
Kyrgyzstan | 198,500 | 4,822,166 | 24.3 | Bishkek |
Tajikistan | 143,100 | 6,719,567 | 47.0 | Dushanbe |
Turkmenistan | 488,100 | 4,688,963 | 9.6 | Ashgabat |
Uzbekistan | 447,400 | 25,563,441 | 57.1 | Tashkent |
Silangang Asya: | ||||
China[3] | 9,584,492 | 1,384,303,705 | 134.0 | Beijing |
Hong Kong (China)[4] | 1,092 | 7,303,334 | 6,688.0 | — |
Japan | 377,835 | 126,974,628 | 336.1 | Tokyo |
Macau (China)[5] | 25 | 461,833 | 18,473.3 | — |
Mongolia | 1,565,000 | 2,694,432 | 1.7 | Ulaanbaatar |
North Korea | 120,540 | 22,224,195 | 184.4 | Pyongyang |
South Korea | 98,480 | 48,324,000 | 490.7 | Seoul |
Taiwan[6] | 35,980 | 22,548,009 | 626.7 | Taipei |
Hilagang Asya: | ||||
Russia[7] | 13,115,200 | 39,129,729 | 3.0 | Moscow |
Timog-silangang Asya:[8] | ||||
Brunei | 5,770 | 350,898 | 60.8 | Bandar Seri Begawan |
Cambodia | 181,040 | 12,775,324 | 70.6 | Phnom Penh |
Indonesia[9] | 1,419,588 | 227,026,560 | 159.9 | Jakarta |
Laos | 236,800 | 5,777,180 | 24.4 | Vientiane |
Malaysia | 329,750 | 22,662,365 | 68.7 | Kuala Lumpur |
Myanmar (Burma) | 678,500 | 42,238,224 | 62.3 | Naypyidaw[10] |
Pilipinas | 300,000 | 84,525,639 | 281.8 | Maynila |
Singapore | 704 | 4,483,900 | 6,369.0 | Singapore |
Thailand | 514,000 | 62,354,402 | 121.3 | Bangkok |
Timor-Leste (East Timor)[11] | 15,007 | 952,618 | 63.5 | Dili |
Vietnam | 329,560 | 81,098,416 | 246.1 | Hanoi |
Timog Asya: | ||||
Afghanistan | 647,500 | 27,755,775 | 42.9 | Kabul |
Bangladesh | 144,000 | 133,376,684 | 926.2 | Dhaka |
Bhutan | 47,000 | 672,425 | 14.3 | Thimphu |
India[12] | 3,287,590 | 1,045,845,226 | 318.2 | New Delhi |
Iran | 1,648,000 | 68,467,413 | 41.5 | Tehran |
Maldives | 300 | 320,165 | 1,067.2 | Malé |
Nepal | 140,800 | 25,873,917 | 183.8 | Kathmandu |
Pakistan | 803,940 | 147,663,429 | 183.7 | Islamabad |
Sri Lanka | 65,610 | 19,576,783 | 298.4 | Colombo |
Timog-kanlurang Asya: | ||||
Armenia[13] | 29,800 | 3,330,099 | 111.7 | Yerevan |
Azerbaijan[14] | 46,870 | 3,845,127 | 82.0 | Baku |
Bahrain | 665 | 656,397 | 987.1 | Manama |
Cyprus[15] | 9,250 | 775,927 | 83.9 | Nicosia |
Gaza[16] | 363 | 1,203,591 | 3,315.7 | Gaza |
Georgia[17] | 20,460 | 2,032,004 | 99.3 | Tbilisi |
Iraq | 437,072 | 24,001,816 | 54.9 | Baghdad |
Israel | 20,770 | 6,029,529 | 290.3 | Jerusalem[18] |
Jordan | 92,300 | 5,307,470 | 57.5 | Amman |
Kuwait | 17,820 | 2,111,561 | 118.5 | Kuwait City |
Lebanon | 10,400 | 3,677,780 | 353.6 | Beirut |
Oman | 212,460 | 2,713,462 | 12.8 | Muscat |
Qatar | 11,437 | 793,341 | 69.4 | Doha |
Saudi Arabia | 1,960,582 | 23,513,330 | 12.0 | Riyadh |
Syria | 185,180 | 17,155,814 | 92.6 | Damascus |
Turkey[19] | 756,768 | 57,855,068 | 76.5 | Ankara |
United Arab Emirates | 82,880 | 2,445,989 | 29.5 | Abu Dhabi |
West Bank[20] | 5,860 | 2,303,660 | 393.1 | — |
Yemen | 527,970 | 18,701,257 | 35.4 | Sanaá |
Kabuuan | 43,810,582 | 3,902,404,193 | 89.07 |
Talababa
- ↑ Rehiyong kontinental ayon sa pag-uuri ng UN (mapa), hindi kabilang ang 12. Depende sa depinisyon, ang ibang teritoryo sa ibaba (notes 6, 11-13, 15, 17-19, 21-23) ay maaring matatagpuan sa Asya at isa sa mga sumusunod: Europa, Aprika, o Oceania.
- ↑ Minsan ay itinuturing na bansang transkontinental ang Kazakhstan sa Gitnang Asya at Silangang Europa; ang pigura ng populasyon at lawak ay para sa bahaging nasa Asya lamang.
- ↑ Ang kasalukuyang estado ay pormal na kilala bilang People's Republic of China (PRC). Ang mga pigura ay para lamang sa mainland China at hindi kasama ang Hong Kong, Macau, at Taiwan.
- ↑ Ang Hong Kong ay isang Special Administrative Region (SAR) ng PRC.
- ↑ Ang Macau ay isang Special Administrative Region (SAR) ng PRC.
- ↑ Ang pigura ay para sa pook sa ilalim ng de facto kontrolado ng pamahalaang Republic of China (ROC). Inaanking buo ng PRC; tingnan ang estadong pampolitika ng Taiwan.
- ↑ Malawakang itinuturing ang Russia na isang bansang transkontinental sa Silangang Europa (UN region) at Hilagang Asya; ang pigura ng populasyon at lawak ay para sa bahaging nasa Asya lamang.
- ↑ Hindi kabilang ang Christmas Island at Cocos (Keeling) Islands (panlabas na teritoryo ng Australia na nasa Karagatang Indian sa timog-kanluran ng Indonesia).
- ↑ Ang Indonesia ay itinuturing na bansang transkontinental sa Timog-silangang Asya at Oceania; hindi kasama sa pigura ang Irian Jaya at Maluku Islands, na karaniwang itinuturing na nasa Oceania (Melanesia/Australasia).
- ↑ Ang kabeserang administratibo ng Myanmar ay opisyal na inilipat mula Yangon (Rangoon) sa isang militarised greenfield na nasa kanluran ng Pyinmana noong Nobyembre 6, 2005.
- ↑ Ang Timor-Leste ay kalimitang itinuturing na isang bansang transkontinental sa Timog-silangang Asya at Oceania.
- ↑ Kasama ang Jammu at Kashmir, isang pinagtatalunang teritoryo ng India, Pakistan, at ng PRC.
- ↑ Ang Armenia ay minsang itinuturing na isang bansang transkontinental: pisikal na matatagpuan ito sa Kanlurang Asya, ngunit mayroon itong historikal at sosyopolitikal na koneksyon ito sa Europa.
- ↑ Ang Azerbaijan ay kalimitang itinuturing na isang bansang transkontinental sa Kanlurang Asya at Silangang Europa; ang pigura sa populasyon at lawak ay para sa bahaging ansa Asya lamang. Kasma sa pigura ang Nakhchivan, isang nagsasariling exclave ng Azerbaijan na pinalilibutan ng Armenia, Iran, at Turkey.
- ↑ Ang pulo ng Cyprus ay minsang itinuturing na isang teritoryong transkontinental: sa Eastern Basin ng Dagat Mediterranean timog ng Turkey, ito ay may historikal at sosyopolitikal na koneksyon sa Europa. Ang Turkish Republic of Northern Cyprus (TRNC), na iba sa de jure na Republic of Cyprus sa timog, ay kinilala lamang ng Turkey.
- ↑ Ang Gaza at West Bank, na tinatawag na "Occupied Palestinian Territory" ng UN, ay mga teritoryo na bahagyang sakop ng Israel ngunit nasa de facto na sa ilalim ng administrasyon ng Palestinian National Authority.
- ↑ Ang Georgia ay kalimitang itinuturing na isang bansang transkontinental sa Kanlurang Asya at Silangang Europa; ang pigura sa populasyon at lawak ay para sa bahaging nasa Asya lamang.
- ↑ Noong 1980, ang Jerusalem ay ipinahayag na pinagsanib na kabesera ng Israel, pagkaraan ng annexation ng East Jerusalem sa panahon ng 1967 Six-Day War. Hindi ito kinikilala ng United Nations at maraming bansa, kaya maraming bansa ang nagtatayo ng embahada sa Tel Aviv na lamang.
- ↑ Ang Turkey ay pangkahalatang itinuturing an isang bansang transkontinental sa Kanlurang Asya at Timog Europa; ang pigura sa populasyon at lawak ay para sa bahaging nasa Asya lamang, at hindi kasama ang buong Istanbul.
- ↑ Ang West Bank at Gaza, tinatawag na "Occupied Palestinian Territory" ng UN, ay teritoryong sakop ng Israel ngunit nasa de facto na administrasyon ng Palestinian National Authority.