Seoul
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang Seoul ay ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod sa Timog Korea. Ito ay matatagpuan sa gitnang bahagi ng Timog Korea, at nahahati rin ng Ilog Han. Ito ang pinakahilagang bahagi ng Timog Korea.
Ito ang sentro ng pulitika, ekonomiya, kultura, transportasyon, at ng edukasyon para sa mga taga-Timog Korea. Ito rin ang pinakamatandang lungsod sa bansa, at ang kanyang kasaysayan ay nagsimula pa noong 18 BC. ang Dinastiyang Goryeo ay nagtayo ng palasyo sa Seoul, na tinatawag noong "Kabisera ng Katimugan". Hindi lumaon , ginawa rin ng Dinastiyang Joseon ang Seoul bilang kanilang kabisera. Ito pa rin ang naging kabisera kahit noong panahon ng panahong sinakop ng mga Hapon ang Korea noong 1910 hanggang 1945.