Timog-kanlurang Asya
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang artikulo (o seksyon) na ito ay maaring nangangailan ng pag-wikify upang matugunan ang pamantayan sa kalidad ng Wikipedia. Maari po kayong makatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito, lalo na sa pambungad, kaayusan ng mga seksyon, at mga kaugnay na kawing paloob. (tulong) (Pebrero 2008) |
Ang artikulong ito ay hindi sumisipi ng anumang sanggunian o pinagmulan. (Pebrero 2008) Tumulong sa pagpaganda ng artikulo sa pagdagdag ng mga sipi sa mga makakatiwalaang pinagmulan. Ang hindi matiyak na nilalaman ay maaaring mapagdudahan at matanggal. |
Ang Timong-kanlurang Asya (tinatawag ding Gitnang Silangan) ay ang timog-kanlurang bahagi ng Asya. Ang katawagang Kanlurang Asya ay kadalasang ginagamit sa mga kasulatan tungkol sa arkeolohiya ang huling bahagi ng prehistory ng rehiyon. Ang Kanlurang Asya ang rehiyong pinagtatagpuan ng hangganan ng tatlong mahahalagang kontinente sa daigdig—ang Africa, Asya at Europa. Ito ay binubuo ng mga bansang Arabo tulad ng Saudi Arabia, Lebanon, Jordan, Syria, Iraq, at Kuwait. Kasama rin sa rehiyong ito ang tinatawag naman na Gulf States ng Yemen, Oman, United Arab Emirates, Qatar, at Bahrain. Kasama rin sa Kanlurang Asya ang Iran, Israel, Cyprus, at Turkey. Pangunahing pinagkukunan ng langis ang rehiyong ito. Nanggaling din dito ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig gaya ng Judaism, Kristiyanismo, at Islam. Ang Kanlurang Asya ay itinuturing na Moslem World at ikinakategorya bilang Arid Asya o bahagi ng Asya kung saan matatagpuan ang malalawak na disyerto at tuyong lugar mula Jordan tungong Arabia hanggang sa Iraq, Iran, at Afghanistan. Umaabot hanggang Pakistan at bahagi ng dating Gitnang Asya at Mongolia ang tinatawag na Arid Asia. Ang Kanlurang Asya ay bumubuo sa sangkatlo (1/3) ng Asya, may sukatna nasa pagitan ng 6.5 at 9.8 milyong milya kwadrado.
Kinabibilangan ng mga bansa at teritoryo sa Timog-kanlurang Asya ang mga sumusunod:
- Afghanistan
- Armenia
- Azerbaijan
- Bahrain
- Cyprus
- Egypt (Sinai Peninsula)
- Gaza Strip
- Georgia
- Iran
- Iraq
- Israel
- Jordan
- Kuwait
- Lebanon
- Oman
- Qatar
- Saudi Arabia
- Syria
- Turkey (Anatolia)
- United Arab Emirates
- West Bank
- Yemen
Ang Anatolia, Arabia, Levant, at Mesopotamia ay mga subrehiyon ng Timog-kanlurang Asya.