Dagat Mediterranean
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang Mediterranean o Mediteranyo ay isang dagat ng Karagatang Atlantiko na halos natatakpan ng mga anyong-lupa. Kabilang na dito and Europa sa Hilaga, Aprika sa Timog at Asya sa Kanluran. May sukay itong 2.5 million km² (965,000 sq mi). Ang tanging koneksyon nito sa Atlantiko ay ang Kipot ng Gibraltar) na 14 km² (9 mi) lamang ang lawak. Sa Osyanograpiya, tinatawag itong dagat Eurafrican Mediterranean o Dagat European Mediterranean para matukoy ito sa iba pang uri ng dagat mediterranean.
Ang dagat na ito ay naging mahalaga sa pakikipagkalakalan at paglalakbay noong mga sinaunang panahon. Ang mga kulturang nakinabang sa dagat ay ang Mesopotamiya, Ehipto, Semetiko, Persyano, Phenisyano, Carthage, Griyego, Levantino at mga Romano.