Dagat
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang dagat ay isang malaking lawas ng tubig-alat na nakadugtong sa isang karagatan, o ng isang malaking lawang-alat na walang likas na lagusan gaya ng Dagat Caspian at Dagat Patay (Dead Sea). Ang Dagat ng Galilee (Sea of Galilee) ay isang maliit na lawang-tabang na may likas na lagusan, ngunit ang katawagan ay ginamit pa rin para dito. Sa kolokyal na gamit, singkahulugan ng katawagan ang karagatan.