Daequan Cook
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pinagdududahan ang kawalan ng kinikilingan ng artikulong ito. Mangyaring tignan ang usapan. (Enero 2008) |
Ang artikulo (o seksyon) na ito ay maaring nangangailan ng pag-wikify upang matugunan ang pamantayan sa kalidad ng Wikipedia. Maari po kayong makatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito, lalo na sa pambungad, kaayusan ng mga seksyon, at mga kaugnay na kawing paloob. (tulong) (Enero 2008) |
Daequan Cook (ipinanganak noong ika-28 ng Abril taong 1987 mula sa Dayton, Ohio) ay isang Amerikanong manlalaro ng basketbol at sa kasalukuyan ay shooting guard ng koponan ng Miami Heat.
Noong ika-28 ng Hunyo taong 2007, si Cook ay napili mula sa 21st overall ng NBA Draft ng koponan ng Philadelphia 76ers ngunit daglian ding naipalit sa Miami Heat na may katumbas ding konsiderasyong pangpinansiyal, kapalit ni Jason Smith.
Si Cook ay may taas na 6 na talampakan at 3.75 na pulgaga at may bigat na 203 libras.
Mga nilalaman |
[baguhin] Mga unang taon
Si Daequan Cook ay anak ni Renae Cook. Siya ay may tatlong kapatid na sina Keishawn, Wendell, at Tauyonne.
[baguhin] Noong hayskul
Si Daequan Cook ay nagtapos ng high school mula sa Dunbar High School sa Dayton, Ohio. Bilang isang senior, pinangunahan niya ang Dunbar para sa kampeonatong pang-estado ng Ohio Divisio II . Sa loob ng dalawang laro sa Ohio State’s Value City Arena, siya ay nagkaroon ng karaniwang puntos na 24.5, 6.0 rebounds, 5.0 assists, at 3.5 steals sa loob ng 30.5 na minuto kada laro. Si Cook ay nagtamo ng parangal na third-team all state honors ng Ohio Division II bilang isang sophomore at first-team selection at co-player of the year ng Division II bilang isang junior at senior. Siya ay nakasama sa All American Team ng McDonald noong 2006. Sa kanyang paglalaro para sa West, si Daequan ay pumuntos ng 17 na nagpakita ng 5 sa 9 na 3-pointers.
Si Cook ay naglaro din sa SPICE Indy Heat hayskul kasama sina Greg Oden at Mike Conley, Jr. Si Cook ay siya ring pangunahing manlalaro sa pagpuntos nuong Big Time Event sa Las Vegas noong 2004. Ang koponan ay walang pagkatalo at siyang itinanghal na kampiyon.
[baguhin] Sa kolehiyo
Bilang miyembro ng isa sa mga coach ng Ohio State University na si Thad Mata ng pamosong Thad Five, si Cook ay nagtala ng pangkaraniwang puntos na 10.2, 4.5 rebounds, 1.1 assists at 0.7 steals sa loob ng 20.4 minuto kada laro. Dahil nakilala siya sa kanyang purong jump shoot at abilidad na i-drive ang bola sa rim, sinasabi na si Cook ay may potensyal na maging star. Nuong nakaraang Abril 20, 20007, si Cook ay nagpahayag ng kanyang intensiyon na pumasok sa NBA Draft ng 2007 kasama sina Oden at Conley.
[baguhin] Bilang miyembro ng Miami Heat
Si Daquean Cook ay orihinal na pinili ng Philadelphia 76ers para sa pang-21 pili sa draft ngunit daglain din siyang ipinalit sa Miami Heat para kay Jason Smith at sa konsiderasyon ng halaga ng bayad. Sinabi ng coach ng Miami Heat na si Pat Riley na si Cook ay isang iskorer na siyang kinakailangan ng Miami Heat.
[baguhin] Sanggunian
[baguhin] Mga palabas na kawing
Walang kategorya ang artikulong ito.
Makakatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito sa paglalagay ng isa o higit pang kategorya upang maisama ito sa mga kaugnay na artikulo (paano?). Alisin po lang ang tag pagkaraan ng pagsasauri, hindi bago nito.(Enero 2008)
|