Hummus
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang hummus o hummus bi tahini (Arabo: حمص بطحينة, Ebreo: חומוס, Armenyo: համոս) ay isang sawsawan o palaman na gawa sa giniling na garbanso, tahina, katas ng lemon, at bawang. Popular ang hummus sa iba't iba nitong mga lokal na anyo sa Gitnang Silangan, bagaman hindi tiyak kung saan mismo doon ito nagmula.