Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ito ay isang talaang pinagkasunud-sunod ayon sa panahon ng unang pagkakalabas ng mga bersyon ng mga operating system na nagngangalang Microsoft Windows, isang operating system na ginawa ng Microsoft Corporation.
Ang Windows 9x ay ang pangalan ng isang hanay ng mga pantahanang operating system na nakabatay sa MS-DOS, bagaman ang mga bersyong 1.0, 2.0, 2.1x, 3.0 at 3.1x, ay hindi mga OS kundi mga graphical user interface at operating environment, isang pagpapalawig ng mga kakayahan ng MS-DOS ngunit lahat pa rin ng mga proseso ay ginaganap pa rin ng MS-DOS,[1] lamang,[2][3] na ginawa ng Microsoft simula sa paglalabas ng kanilang pinakaunang OS hanggang sa taong 2000. Tumutukoy dito dati ang katawagang "Windows" ngunit nagtapos nang inilabas ang Windows XP na nagsanib ng Windows 9x sa isang pang hanay ng mga OS ng Microsoft na tinatawag namang Windows NT, ang hanay ng Microsoft para sa mga tanggapan.
- Windows 1.0x — Ito ang pinakaunang bersyon ng Microsoft Windows, at ito rin ang mayroong pinakamahinang benta. Inilabas ito noong Nobyembre 1985 sa presyong USD 100 matapos ang maraming pagkaantala.
- Windows 2.x — Ito ang ikalawang bersyon ng Microsoft Windows, at, kagaya ng naunang Windows 1.0, ito rin ay ibinibenta sa presyong USD 100. Isa sa mga bagong bagay na itinatampok dito ay ang kakayahan nitong magpatung-patong ng mga bintana. Ito rin ay mas naging mabenta kaysa sa nauna nitong bersyon.[4]
- Windows 3.0 — Ang bersyong itong inilabas noong Mayo 22, 1990 ang isinasabing nagpasikat sa Windows bagaman mas mahal ito kaysa sa mga na una; ibinibenta ito nang USD 149.95, at nakapagbenta ng higit pa sa 10 milyong kopya.[5] Isa sa mga bagong kakayahan nito ang kakayahan nitong gumamit nang higit pa sa 16 MB ng alaala, at magpatakbo nang mga programang Windows at DOS nang sabay-sabay; parehong bagay na hindi kayang gawin ng karamihan ng mga katunggali nito noong inilabas ito.[6]
- Windows 3.1x — Ang bersyong ito ay isang serye ng mga pagdaragdag sa Windows 3.0. Isa sa mga bago sa Windows 3.1x ang suporta nito sa True Type,[7] habang ang Windows 3.2 naman ay mayroong suporta para sa Tsinong titik.[8]
- Windows 95 — Itinatampok sa bersyong ito ang isang bagong GUIng ibang-iba sa mga naunan nitong bersyon, at hindi kagaya ng mga naunang bersyon, ito ay isang ganap na OS,[9] at hindi na nangangailangang magsimula sa DOS upang mapatakbo.[10] Ito rin ay naging lubhang mabenta, at nakabenta ng higit sa isang milyong kopya sa unang apat na araw simula nang ilabas ito sa mga pamilihan.
- Windows 98 — Gumagamit ang bersyong ito ng GUI na kagaya ng sa Windows 95. Ngunit hindi kagaya ng Windows 95, mas malawak ang suporta nito para sa mga programang pang-Internet kagaya ng Internet Explorer, at sa harwer kagaya ng USB.[11][12]
- Windows Me — Ilan sa mga iniragdag sa bersyong ito ang Windows Media Player at Movie Maker. Lahat-lahat, kaunti lamang ang ipinagbago nito sa Windows 98.[13][14] Ang OS na ito rin ay lubhang ikinukutiya, at isa sa mga naging pinakamalaking kawalan ng Microsoft. Itinuturing pa nga ng ilang ito ang pinakamasamang OS magpakailanman dahil sa aking daw na kabagalan at iba pang bagay nito.[15] Karaniwan ding itong ihinahambing sa Windows Vista, isa ring bersyon ng Windows na nakakatanggap ng mararaming pangungutiya.[16][17]
Ang Windows NT ay isang hanay ng mga operating system na iginawa para sa mga tanggapan, at, hindi kagaya ng mga Windows 9x, lahat ng mga bersyon ng Windows NT ay mga ganap na OS. Ang Windows NT ay hango sa OS/2 pinagtulungang gawin ng IBM at Microsoft hanggang naghiwalay ang dalawang samahan ng landas.[18]
- Windows NT 3.1 — Ito ang pinakaunang bersyon ng Windows NT. Sinimulan itong ibenta noong Hulyo 27, 1993[19] matapos ang mahabang-mahabang pagsusulit ng OS na ito sa presyong GBP 395. Gumagamit ito ng parehong graphical user interface ng sa Windows 3.1.
- Windows NT 3.5 — Ito ay isang ipinagbuting bersyon ng Windows NT 3.1, at mayroong mas malaking pagpapaganap, at mas kaunting pangangailangan sa alaala.
- Windows NT 3.51 — Kagaya ng Windows NT 3.1 at NT 3.5, gumagamit ito ng mala-Windows 3.1 na GUI. Malawak ang suporta nito sa pakikipaggawa sa Windows 95 na inilabas tatlong buwan matapos ilabas ito.[20]
- Windows NT 4.0 — Ang bersyong ito ang pinakaunang bersyon ng Windows NT na gumamit ng GUI ng Windows 95. Ilan sa mga bagong kagamitan nito ang Internet Explorer. Ngunit ang OS na ito ay walang kakayahang magpatakbo ng maraming mga laro at hardwer.[21]
- Windows 2000 — Ang bersyong ito ay inilabas sa maraming edisyon.[22] Mas malawak ang suporta nito sa Internet, at mas malaki ang kaligtasan kung ihahambing sa mga huling bersyon.[23]
- Windows XP — Itinatampok sa bersyong ito ang mararaming pagbabago at pagdaragdag lalo na sa GUI, suporta sa mga hardwer, at kaligtasan, isa na roon ang Windows Firewall. Kagaya ng Windows 2000, inilabas ito sa ilalim ng maraming edisyon.[24] Sa bersyong ding ito, nag sanib na ang dalawang dating hiwalay na hanay ng mga OS ng Microsoft: ang Windows 9x at Windows NT.[25]
- Windows Fundamentals for Legacy PCs — Ang bersyong ito ay isang ipinababang-kalidad na XP para sa mas mababang presyo at mga lumang kompyuter.[26][27][28] Ito ay ginawa lalo na para sa mga nagmamay-ari ng mga Windows 98 at Me ngunit hindi kayang makapagpatakbo ng XP, at dahil wala nang suporta ang mga iyon, inaasahan ng Microsoft na magiging dahilan ito upang gamitin ng mga tao ang WinFLP.[29]
- Windows Vista — Ang bersyong ito ang kasalukuyang pinakabagong bersyong pantahanan at pantanggapan. Itinatampok sa bersyong ito ang napakaraming mga pagbabago lalo na sa GUI, kagaya ng mga malasalamin nitong mga bintana, kaligtasan, kagaya ng UAC at Windows Defender, at iba pa.[30][31][32][33][34] Halo ang pagtanggap nito; mayroong ilang natutuwa rito,[35] mas maraming ikinukutiya ito.[36] Ang mga pangungutiyang ito ay karamihan dahil sa angking kabagalan ng Vista, at laki ng mga pangangailangan nitong antas sa hardwer kagaya ng alaala.[37][38][39]
Ang Windows Home Server ay isang tatak ng mga bersyon nakabatay sa Windows NT ng Microsoft Windows na ginawa para sa mga serbidor.
- Windows Server 2003 — Ang bersyong ito, ayon sa Microsoft at sa karamihan ng mga nagsiyasat nito, ay mas mapagpaganap, at kung gagamitin ay mas makakamura.[40][41][42]
- Windows Home Server — Ang bersyong ito ay ginawa para sa mga tahanang mayroong mararaming mga kompyuter, at gumagamit ng GUI ng para ng sa Windows Vista. Maganda ang naging pagtanggap nito. Ilan sa mga kadahilanan nito ay ang gabihan nito pagback-up na kaya nitong gawin sa hanggang 10 kompyuter.[43][44]
- Windows Server 2008 — Ang bersyong ito ay ang kasalukuyang pinakabagong bersyon ng Windows para sa mga serbidor. Itinatampok sa bersyong itong mayroong walong edisyon[45] ang kabilisan nitong mas mabilis kaysa sa Windows Server 2003 lalo na kung ang mga pinapamahalaang kompyuter ay Windows Vista ang gamit,[46] at, kagaya ng Windows Vista, ang mas mataas nitong kaligtasang matatagpuan din sa Vista;[47] ito ay dahil hango sa kernel ng Vista ang operating system na ito.[48]
Ito ang mga bersyon ng Microsoft Windows na kasalukuyang sumasailalim ng pagpapabuti.
- Windows 7 — Ito ang codename ng ipangsusunod sa Windows Vista ng Microsoft.[49] Inaasahang ilalabas lamang ito sa 64-bit[50] sa bandang 2011.[51]
- Windows 7 Server — Inaasahang ilalakip dito ang Direct Connect.[52]
Ito ang mga kinanselang bersyon ng Microsoft Windows, at hindi kailanman ibinenta sa pamilihan.
- Windows Cairo — Ginawa ang operating system na ito upang maging angkop sa bagay noong bandang 1992 — 1994.[53] Karamihan ng mga teknolohiyang nakalakip sa OS na ito ay inilakip na lamang sa ilang mga bersyon ng Microsoft Windows, isa na roon ang remote procedure call.[54]
- Windows Nashville — Ginawa ang OS na ito noong bandang 1996 upang maging isang maliit na pandagdag sa Windows 95. Ianaasahan itong ilabas sa ikatlong sangkapat ng taong 1996. Nakalakip dito ang isang basa-basahin para sa web, basa-basahing pantalaksan, at ilang mga software na pangnegosyo, kagaya Microsoft Word at Excel.[55]
- Windows Neptune — Ginawa ang OS na ito noong 1999 — 2000 upang maging edisyong pantahanan ng Windows 2000, at dahil doon ito rin ay hango sa Windows 2000. Ngunit itinigil ang proyekto nito noong 2000, at isinanib sa proyekto ng Windows XP, at inilabas na lamang ng Microsoft ang Windows Me bilang pantahanang OS.[56] Kung naituloy, inaasahang ilalabas ito noong 2001.[57] Itinatampok sa OS na ito ang sarili nitong firewall at mas malawak na suporta sa mga hardwer.[58][59]
- Windows Odyssey — Ginawa ang OS na ito noong 1999 — 2000 nang kasabay ang Windows Neptune. Ginawa ito upang maging kasunod ng Neptune ngunit itinigil sa parehong dahilan ng pagtigil ng Neptune.[60]
[baguhin] Talasanggunian
Mga nilalaman ng Microsoft Windows |
|
Pusod |
Aero · ClearType · Desktop Window Manager · DirectX ·Windows Explorer · Taskbar · Start menu · Windows Shell (Ngalang-espasyo ng Shell · Special Folders · Mga pagsasamang pantalaksan) · Windows Search (Iniligtas na paghanap, iFilters) · Graphics Device Interface · Windows Imaging Format · Salansang Next Generation TCP/IP · .NET Framework · Awdyo · Paglilimbag (XML Paper Specification) · Windows Script Host (VBScript, JScript) · COM (OLE, OLE Automation, DCOM, ActiveX, Nakayaring pagsisilid)
|
|
Mga kagamitan |
Backup and Restore Center · Calculator · Calendar · Character Map · Cmd.exe · Contacts · Control Panel (Mga bahagi) · Device Manager · Disk Cleanup · Disk Defragmenter · DVD Maker · Event Viewer · Fax and Scan · Internet Explorer (Mga katangian) · Mail · Magnifier · Management Console · Media Center · Meeting Space · Mobile Device Center · Mobility Center · Movie Maker · Narrator · Notepad · Paint · Photo Gallery · PowerShell · Private Character Editor · Problem Reports and Solutions · Remote Assistance · Sidebar · Snipping Tool · Sound Recorder · Sysprep · System Configuration · System File Checker · System Restore · Sistemang Unix · Windows Installer · Windows Media Player · Windows Speech Recognition · Task Manager · Windows Update · WordPad · WinSAT
|
|
Kernel |
Ntoskrnl.exe · hal.dll · Paggawang pampagtigil ng sistema · Svchost.exe · Registry · Windows service · Service Control Manager · WOW/WOW64 · DLL · EXE · NTLDR/ Windows Boot Manager · Winlogon · Recovery Console · P/A · WinRE · WinPE · Kernel Patch Protection
|
|
Mga pagsisilbi |
AutoPlay · BITS · Task Scheduler · Wireless Zero Configuration · Shadow Copy · Windows Error Reporting · Multimedia Class Scheduler · CLFS
|
|
Mga sistemang pantalaksan |
NTFS (Tahasang kawing, Salikop, Mount Point, Hiwalayan, Symbolong kawing, TxF, EFS) · FAT32·FAT16·FAT12 · exFAT · CDFS · UDF · DFS · IFS
|
|
Serbidor |
Domains · Active Directory · DNS · Group Policy · Roaming user profiles · Distributed Transaction Coordinator · SharePoint Services · Windows Media Services · Rights Management Services · IIS · Terminal Services · WSUS · Network Access Protection · DFS Replication
|
|
Arkitektura |
Arkitektura ng NT · Object Manager · Startup process (Vista) · I/O PH · Kernel Transaction Manager · Logical Disk Manager · Security Accounts Manager · Windows Resource Protection · LSASS · CSRSS · SMSS
|
|
Kaligtasan |
UAC · BitLocker · Defender · DEP · Protected Media Path · Mandatory Integrity Control · UIPI · Windows Firewall · Security Center
|
|
Mga laro |
Chess Titans · FreeCell · Hearts · Hold 'Em · InkBall · Mahjong Titans · Minesweeper · Purble Place · Solitaire · Spider Solitaire
|
|
Microsoft |
|
Pantahanang software |
|
|
Panserbidor na software |
Windows Server · SQL Server · IIS · Exchange · BizTalk · Commerce · ISA Server · Systems Management · System Center · Licensing Services
|
|
Teknolohiya |
Active Directory · DirectX · .NET · Windows Media · PlaysForSure · Microsoft Application Virtualization
|
|
Mga pag-aaring sa web |
Windows Live · Office Live · MSNBC · msnbc.com · ninemsn · MSN · Hotmail · Live Messenger · Spaces · Groups · Live ID · Ignition · CodePlex · HealthVault
|
|
Laro |
Microsoft Game Studios · Zone · XNA · Xbox · Xbox 360 · Xbox Live (Arcade, Marketplace) · Games for Windows (LIVE, Tray and Play) · Live Anywhere
|
|
Hardwer |
Surface · Zune (4, 8, 30, 80) · MSN TV · Natural Keyboard · Keyboard · Mouse · LifeCam · LifeChat · SideWinder · Ultra-Mobile PC · Fingerprint · Audio System · Cordless Phone · Pocket PC · RoundTable · Response Point
|
|
Edukasyon at pagkakilanlan |
MCPs · MSDN · MSDNAA · MSCA · Microsoft Press · Microsoft MVP · Microsoft Student Partners · Mga kaugnay na pag-aaral sa Microsoft
|
|
Paglilisenya |
Client Access License · Shared Source
|
|
Mga pagsasakdal |
United States v. Microsoft · European Union v. Microsoft
|
|
Lupon ng mga patnugot |
Ballmer · Cash · Dublon · Gates · Gilmartin · Hastings · Marquardt · Noski · Panke · Shirley
|
|