Elizabeth I ng Inglatera
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Elizabeth I, (Setyembre 7, 1533 – Marso 24, 1603) ay Reyna ng Inglatera at Reyna ng Ireland mula Nobyembre 17, 1558 hanggang kanyang kamatayan. Minsang tinutukoy bilang Ang Birheng Reyna (sa kadahilanang hindi siya nakasal), Gloriana, Good Queen Bess at Faere Queene, si Elizabeth I ang ikaanim at huling monarka sa dinastiyang Tudor, pagkatapos niyang sinundan ang kanyang kalahating-kapatid na si, Mary I. Naghari siya noong panahon na malakihang kaguluhan sa relihiyon sa kasaysayan ng Inglatera.