Wikang Hapones
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang wikang Hapones (Nihongo) ay isang wikang sinasalita ng mahigit sa 130 milyong katao, karamihan sa bansang Hapon at sa mga komunidad ng mga Hapones sa buong mundo.
Ang Hapones ay sinusulat sa magkahalong tatlong magkakaibang uri ng sulat: ang kanji, at ang dalawang baybaying sulat, ang hiragana at katakana. Ang alpabetong Latino, o rōmaji, ay kadalasang ginagamit ng mga makabagong Hapones, lalong lalo na sa mga pangalan ng kumpanya at mga logo, patalastas, at kung ipapasok ang mga salitang Hapon sa kompyuter.
Ang talasalitaan ng Hapones ay labis na naimpluwensyahan ng mga hiram na salita galing sa ibang wika. Malaking bilang ng mga salita ay hiniram sa wikang Tsino, o hinango sa wikang Tsino. Simula noong huling bahagi ng ika-19 na Siglo, ang Hapones ay humiram ng mga salitang galing sa Wikang Indo-Europeo, lalo na ang Ingles.
Dahil din sa espesyal relasyong kalakalan sa pagitan ng Hapon at Olandes noong ika-17 siglo, Ang wikang Olandes din ay naging impluwensyal, tulad ng mga salitang biru (galing sa bier; "serbesa/beer") at kōhī (galing sa koffie; Kape) na nagmula sa wikang Olandes.