Partido Independentista Puertorriqueño
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang Partido Independentista Puertorriqueño o PIP (Tagalog: Partido sa Kasarinlan ng Puerto Rico; Ingles: Puerto Rican Independence Party) ay isang partidong pampolitika sa Puerto Rico na nagkakampanya para sa kasarinlan ng Puerto Rico mula sa Estados Unidos. Isa ito sa tatlong malalaking partidong pampolitika ng Puerto Rico at ito ang ikalawang pinakamatagal sa lahat ng mga nakarehistrong partidong pampolitika.
Tinatawag na mga independentista, pipiolo, o pro-independence activists ("mga aktibistang umaayon sa kasarinlan" sa mga nagsasalita ng Ingles) ang mga sumusunod sa paniniwala o ideyolohiya ng PIP.