Marco Polo
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Marco Polo (Setyembre 15 1254, Venice, Italya; o Curzola, Venetian Dalmatia - Korčula, Croatia ngayon — Enero 8, 1324, Venice) ay isang mangangalakal na taga-Venice at eksplorador na, kasama ang kanyang tatay Niccolò at tiyuhing Maffeo, naging unang taga-Kanluran ang naglakbay sa Daanang Seda sa Tsina (na tinawag niyang Cathay) at binisita ang Dakilang Khan ng Imperyong Mongol, Kublai Khan (apo ni Genghis Khan). Isinulat ang kanyang mga paglalakbay sa Il Milione ("Ang Milyon" o Ang mga Paglalakbay ni Marco Polo).