Nicolaus Copernicus
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Nicolaus Copernicus (Pebrero 19, 1473 – Mayo 24, 1543) ay isang astronomo na nagbigay ng unang makabagong pormulasyon ng teoriya ng heliosentrismo (nakasentro sa araw) ng sistemang solar sa kanyang aklat, De revolutionibus orbium coelestium (Sa mga Rebolusyon ng mga Selestikal na Esperiko). Ipinanganak si Copernicus noong 1473 sa lungsod ng Toruń (Tinik), sa Makaharing Prussia, isang awtonomong lalawigan sa Kaharian ng Poland. Nakakuha siya ng edukasyon sa Poland at Italya, at ginugol ang karamihan ng kanyang mga gawa sa Frombork (Frauenburg), Warmia, kung saan namatay siya noong 1543.