Lungsod ng Helsinki
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang Helsinki, o Helsingfors ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod sa Finland. Ito ay nasa katimugang bahagi ng Finland sa baybayin ng Golpo ng Finland sa 60°10′Hilaga 24°56′Silangan ng Dagat Baltic. Ang populasyon ng lungsod ng Helsinki ay 564,643 (31 August 2006).[1] Ang rehiyong urban ng Helsinki ay naglalaman din ng mga kalapit na lungsod ng Espoo, Vantaa at ng Kauniainen, na pagpinagsasama ay tinatawag ng kabiserang rehiyon. Ang lugar na ito ay may total na populasyon na umaabot sa 997,291 residente.[1] Ang Kalakhang Helsinki ay naglalaman din ng marami pang kalapit na lungsod at may populasyong aabot sa 1,293,093, [1] na ibig sabihin na ang isa sa bawat apat na Finn ay nakatira sa Kalakhang Helsinki.