Kabisera
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang kabisera (o punong lungsod/bayan/munisip(i)yo o kapital) ay ang pangunahing yunit pangheopolitika na naiuugnay sa gobyerno at mga operasyon nito. Ito ay maaring siyudad na pisikal na sumasakop sa tanggapan at himpilan o pulungan ng mga nakaupo sa pwesto ng pamahalaan o alinsunod sa sinasabi ng batas. Ang ugat ng salitang ‘kapital’ ay hango sa Latin na caput na ngangahulugang “ulo” at naiuugnay sa katawagang ‘kapitol’ na siya namang gusali na pag-aari at kinagaganap ng mga operasyong kaugnay o kinababahiganan ng pamahalaan.
Halimbawa:
Mayroon ibang bansa na mahigit iisa ang kapital (hal. Timog Afrika) at mayroon ding mga iba pa na walang opisyal na kapital (hal. UK).