Web Analytics

See also ebooksgratis.com: no banners, no cookies, totally FREE.

CLASSICISTRANIERI HOME PAGE - YOUTUBE CHANNEL
Privacy Policy Cookie Policy Terms and Conditions
Adolf Hitler - Wikipedia

Adolf Hitler

Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Adolf Hitler
Adolf Hitler

Si Adolf Hitler (Abril 20, 1889Abril 30, 1945) ay ang dating Kansilyer ng Alemanya mula 1933, at ang "Führer" (Pinuno) ng Alemanya mula 1934 hanggang sa kanyang pagkamatay. Siya ang pinuno ng Partido ng Pambansang Sosyalistang Manggagawang Aleman (Nationalsozialistische Deutsche Arbeiterpartei o NSDAP), na mas kilala bilang ang Partidong Nazi.

Nakakamit si Hitler ng kapangyarihan sa isang Alemanyang nahaharap sa krisis matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig. Sa pamamagitan ng paggamit ng propaganda at maaalindog na talumpati, nagawa niyang umapela sa pangangailangan ng mga mahihirap at paigtingin ang mga ideya ng nasyonalismo, kontra-Semitismo, at kontra-Komunismo. Sa pagtatatag ng maayos na ekonomiya, pinaigting na militar, at isang rehimeng totalitarian , gumamit si Hitler ng isang agresibong patakarang panlabas (foreign policy) sa paghahangad na mapalawak ang Lebensraum ("living space") ng mga Aleman, na nagpasimula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig nang salakayin ng Alemanya ang Poland. Sa pinakamalaking abot-saklaw nito, sumailalim ang kalakihan ng Europa sa kontrol ng Alemanya, subalit kasama ang ibang Axis Powers, sa huli'y natalo pa rin ito ng mga Kapangyarihang Magkakakampi (Allied Powers). Mula noon, natapos ang mga patakarang panlahi ni Hitler sa pagpapapatay ng humigit-kumulang 11 milyong tao, kasama na rin ang pagpaslang ng 6 milyong Hudyo, na ngayo'y kilala bilang ang Holocaust.

Sa mga huling araw ng digmaan, si Hitler, kasama ang kanyang bagong asawang si Eva Braun, ay nagpakamatay sa kanyang taguan sa ilalim ng lupa sa Berlin matapos mapalibutan ng hukbong Sobyet ang lungsod.

Mga nilalaman

[baguhin] Talambuhay

[baguhin] Kabataan at Erensiya

Ipinanganak si Adolf Hitler noong Abril 20, 1889 sa Braunau am Inn, Austria, isang maliit na bayan sa Hilagang Austria. Siya ang ikatlong anak na lalaki at ikaapat sa anim na anak ni Alois Hitler (ipinanganak bilang Schicklgruber) (1837–1903), isang menor na opisyal ng adwana (customs), at Klara Pölzl (1860–1907), ang kanyang ikalawang pinsan, at ikatlong asawa. Dahil sa malapit na relasyon ng dalawa, isang "papal dispensation" ang kinailangang makuha bago sila maikasal. Sa anim na anak nina Alois at Klara, tanging si Adolf at ang kanyang nakababatang kapatid na si Paula ang nakaabot sa pagka-adulto. Si Alois Hitler ay mayroon ding anak na lalaki, si Alois Jr., and isang anak na babae, si Angela, sa kanyang ikalawang asawa.

Si Alois ay ipinanganak bilang isang ilehitimong anak at sa unang tatlumpu't siyam na taon ng kanyang buhay ay kanyang ginamot ang apelyido ng kanyang ina na "Schicklgruber". Noong 1876, sinumulan na ni Alois gamitin ang pangalan ng kanyang ama sa muling pagaasawa ng ina, si Johann Georg Hiedler, matapos bisitahin ang paring humahawak sa mga rehistrong pangkapanganakan (birth certificates) at ideklara na si Hiedler ang kanyang tunay na ama (Nagbigay si Alois ng impresyon na buhay pa si Hiedler, bagamat siya'y matagal ng patay). Ibinaybay ang kanyang apelyido sa sari-saring baybay tulad ng Hiedler, Huetler, Huettler and at maaaring ginawa na lamang "Hitler" ng isang eskribyente. Mayroong dalawang teorya patungkol sa pinagmulan ng ngalang ito:

  1. Galing sa wikang Aleman Hittler, "taong nakatira sa kubo", "pastol".
  2. Galing sa wikang Slavic Hidlar at Hidlarcek.

Nang lumaon, inakusahan si Adolf Hitler ng kanyang mga kalaban sa pulitika ng di pagiging tunay na Hitler, kundi pagiging isang Schicklgruber. Ito rin ay pinagsamantalahan sa propaganda ng Kapangyarihang Magkakakampi noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa pamamagitan ng pagsasaboy mula sa kalangitan ng mga pampletang naglalaman ng pariralang "Heil Schicklgruber" sa mga lungsod ng Alemanya.

Ang pangalan ni Hitler, "Adolf", ay nagmumula sa lumang salitang Aleman na ang katumbas sa tagalog ay "osong maharlika" ("Adel"="maharlika" + "wolf").[1] Samakatwid, isa sa mga palayaw na ibinigay ni Hitler sa sarili niya ay Wolf o Herr Wolf — sinumulan niyang gamitin ang palayaw na ito noong 1920's at ang tumatawag lang sa kanya ng ganito ay ang mga malapit sa kanya (bilang "Uncle Wolf" sa mga Wagners) hanggang sa pagbaksak ng Ikatlong Imperyo ng Alemanya (Third Reich). Sa kanyang mga pinakamalapit na kamag-anak, si Hitler ay kilala lamang bilang "Adi". Ipinakikita din ng mga pangalan ng kanyang iba't ibang punong himpilan na nagkalat sa kontinental na Europa (Wolfsschanze sa Silangang Prussia, Wolfsschlucht sa Pransya, Werwolf sa Ukraine, atbp.) ang ideyang ito.

Bilang bata, si Hitler ay nilalatigo halos araw araw ng kanyang ama. Makalipas ang ilang taon sinabi niya sa kanyang sekretarya , "Nagpasya ako noon na hindi na ako iiyak tuwing ako'y lalatiguhin ng aking ama. Makalipas ang ilang araw, nagkaroon ako ng pagkakataon na subukin ang aking pasya. Ang aking ina, sa katakutan, ay nagtago sa harapan ng pintuan. Ako naman, patahimik ko na binilang ang bawat palo ng patpat na sumugat sa aking puwit. (I then resolved never again to cry when my father whipped me. A few days later I had the opportunity of putting my will to the test. My mother, frightened, took refuge in the front of the door. As for me, I counted silently the blows of the stick which lashed my rear end.)" [2]

Si Hitler ay hindi sigurado kung sino ang kanyang lolo sa ama, subalit marahil ito ay si Johann Georg Hiedler o ang kanyang kapatid na si Johann Nepomuk Hiedler. Nagkaroon din ng mga usap-usapin na si Hitler ay isang-kapat na Hudyo at ang kanyang lola sa ama, si Maria Schicklgruber, ay nabuntis matapos magtrabho bilang katulong sa isang Hudyong pamamahay sa Graz. Noong mga 1920's, ang mga implikasyon ng mga bali-balitang ito kasama na ang kasaysayan ng kanyang pamilya ay kagimbal-gimbal, lalo na para sa isang tagataguyod ng mapanlahing (racist) ideolohiya. Sinubukang patunayan ng mga kalaban na si Hitler, ang pinuno ng kontra-Semitang Partidong Nazi, ay may mga Hudyong ninuno. Bagamat ang mga bali-balitang ito ay hindi napatunyan, para kay Hitler ay sapat na iyong rason para ilihim ang kanyang pinagmulan. Ipinilit ng progpagandang Sobyet na si Hitler ay isang Hudyo, bagamat ang ideyang ito'y unti-unting ipinapawalambisa ng mas modernong pananaliksik. Ayon kay Robert G. L. Waite sa The Psychopathic God: Adolf Hitler, ipinagbawal ni Hitler ang pagtatrabaho ng mga babaing Aleman sa mga Hudyong pamamahay, at matapos ang "Anschluss" (aneksasyon) ng Austria, pinasabog ni Hitler ang bayan ng kanyang ama sa pamamagitan ng paggawa nitong ensayuhan ng mga artilyero (artillery range). Si Hitler ay tila takot malaman na siya ay isang Hudyo na ayon kay Waite, ang katotohanang ito ay higit na mas mahalaga kaysa kung siya ay Hudyo talaga.

Dahil sa trabaho ni Alois Hitler, madalas lumipat ang kanyang pamilya, mula Braunau patungong Passau, Lambach, Leonding, at Linz. Bilang bata, si Hitler ay ibinalitang mahusay na estudyante sa iba't ibang paaralang elementaryang kanyang pinasukan; subalit, sa ikaanim na baitang (1900–1), ang kanyang unang taon ng paaralang sekondarya (Realschule) sa Linz, siya'y bumagsak ng tuluyan at kinailangang ulitin ang baitang. Ibinalita ng mga guro na siya'y "wala kagustuhang magtrabaho." Isa sa mga kaklase ni Hitler sa Linz Realschule ay si Ludwig Wittgenstein, na naging isa sa mga magaling na pilosopo ng ika-20 siglo.[3]

Ipinaliwanag ni Hitler na ang kanyang biglang pagbaba sa pag-aaral ay isang uri ng pagrerebelde laban sa kanyang amang si Alois, na gustong pasunurin si Hitler bilang isang opisyal ng adwana tulad niya, bagaman ginusto ni Hitler maging pintorthis educational slump as a kind of rebellion against his father Alois, who wanted the boy to follow him in a career as a customs official, although Adolf wanted to become a painter. Ang paliwanag na ito ay sinusuportaha din ng paglalarawan ni Hitler sa kanyang sarili bilang isang artistang mali ang pagkakakilala. Subalit, matapos ang pagkamatay ni Alois noong Enero 3, 1903, kung kailan si Adolf ay may 13 taong gulang, hindi nagbago ang estado sa pag-aaral ni Hitler. Sa gulang na 16 taon, iniwan ni Hitler ang paaralan ng walang nakamit na kwalipikasyon.

[baguhin] Pamumuhay sa Vienna at Munich

Mula 1905 , Nabuhay si Hitler sa pamamaraan ng isang Bohemian na umaasa sa pensyon ng mga batang walang ama at sustento ng kanyang ina. Tinanggihan siya ng dalawang beses ng Akademiya ng Mahusay na Sining ng Vienna (Academy of Fine Arts Vienna) (1907 – 1908) dahil sa kanyang "di-kabagayan sa pagpipinta" , at sinabihan na ang kanyang kagalingan ay nasa larangan ng arkitektura. Ipinapakita ng kanyang memoryas ang kanyang pagkahalina sa larangang ito:

"Ang rason ng aking paglalakbay ay para pag-aralan ang isang galera ng litrato sa Museong Court, subalit walang akong ibang tinitingnan kundi ang Museo mismo. Mula umaga hanggang gabi, palipat-lipat ako ng pinag-iinteresan, subalit ang mga gusali lamang ang tanging pumukaw ng aking interes." (Mein Kampf, Kapitulo II, parapo 3).

Matapos malaman ang rekomendasyon ng rector ng akademiya, siya din ay nakumbinsi na iyon ang tamang landas na tahakin, subalit kulang siya ng akademikong preperasyon para sa paaralang pang-arkitektura:

Sa loob ng ilang araw naisip ko din na balang araw ako'y dapat maging isang arkitekto. Para makapanigurado, napakahirap nitong landas; dahil ang mga araling aking di pinansin dahil sa inis sa Realschule ay labis na kinakailangan. Ang isa'y di maaaring pumasok sa paaralang arkitektural ng Akademiya nang hindi muna pumapasok sa paaralang panggusali sa Technic, at kinailangan nito ng antas sa mataas na paaralan. Wala ako ng kahit anong kailangan. Ang pagkakatotoo ng aking pangarap sa sining ay tila di na magkakatotoo.

"Sa loob ng ilang araw naisip ko din na balang araw ako'y dapat maging isang arkitekto. Para makapanigurado, napakahirap nitong landas; dahil ang mga araling aking di pinansin dahil sa inis sa Realschule ay labis na kinakailangan. Ang isa'y di maaaring pumasok sa paaralang arkitektural ng Akademiya nang hindi muna pumapasok sa paaralang panggusali sa Technic, at kinailangan nito ng antas sa mataas na paaralan. Wala ako ng kahit anong kailangan. Ang pagkakatotoo ng aking pangarap sa sining ay tila di na magkakatotoo. '"(Mein Kampf, Chapter II, paragraph 5 & 6).

Noong Disyembre 21, 1907, ang kanyang inang si Klara ay binawian ng buhay dahil sa kanser sa suso sa gulang na 47. Ibinigay ni Hitler ang parte niya ng benepisyong pang-alila sa kanyang mas batang kapatid na si Paula, ngunit nung siya'y 21 taong gulang pinamanahan siya ng pera ng kanyang tiya. Nagtrabaho siya bilang isang naghihirap na pintor sa Vienna, kumokopya ng mga tanawin mula sa mga postcard at ibinebenta ang kanyang mga kuwadro sa mga mangangalakal at turista (mayroong ebidensya na siya'y nakagawa ng higit sa 2000 na pinta bago magsimula ang Unang Digamaang Pandaigdig).

Matapos tanggihan ng Akademiya ng Sining sa ikalawang pagkakataon, unti-unting naubusan si Hitler ng pananalapi. Noong 1909, naghanap siya ng matitirhan sa isang lugar ng mga walang tahanan, at simula 1910, nanirahan na siya ng tuluyan sa lugar ng mga nagtatrabahong mahihirap na kalalakihan.

[baguhin] Unang Digmaang Pandaigdig

Nagsilbi si Hitler sa Pransya at Belhika sa ilalim ng Ikalabing-anim na Reserbang Rehimen ng Bavaria (tinawang na Rehimen ng Listahan sunod sa unang namuno sa grupo). Isa siyang mensahero, ang pinaka-delikadong trabaho sa Kanlurang Larangan, at madalas makasalubong ng mga kaaway sa daan.

Dalawang ulit siyang pinarangalan sa kanyang katapangan. Natanggap niya ang Krus na Bakal, Ikalawang Uri, noong 1914 at ang Krus na Bakal, Unang Uri, noong 1918----isang parangal na bihirang ibigay sa isang Gefreiter. Sa kabila ng lahat, dahil iniisip ng mga namumuno sa rehimen na wala siya masyadong alam, hindi naitaas ang kanyang ranggo sa Unteroffizer. Ang ibang mananaliksik ng kasaysayan ay nagsasabing hindi naitaaas ang kanyang ranggo sa kadahilanang hindi siya Aleman. Ang kanyang trabaho sa kampo, sa kabila nang pagiging delikado, ay nagbigay ng oras para sa kanya upang umpisahan ang kanyang pagguhit. Gumawa siya ng mga larawan para sa isang diyaryong pang-militar. Noong 1916, nasugatan siya sa binti, ngunit bumalik siya sa digmaan noong Marso 1917. Nakatanggap siya ng "Wound Badge" bago lumipas ang taon. Sa pagtukoy ni Sebastian Haffner sa mga karanasan ni Hitler sa digmaan, nasabi niyang may pagkakaintindi si Hitler ng militar.

Static Wikipedia (no images)

aa - ab - af - ak - als - am - an - ang - ar - arc - as - ast - av - ay - az - ba - bar - bat_smg - bcl - be - be_x_old - bg - bh - bi - bm - bn - bo - bpy - br - bs - bug - bxr - ca - cbk_zam - cdo - ce - ceb - ch - cho - chr - chy - co - cr - crh - cs - csb - cu - cv - cy - da - de - diq - dsb - dv - dz - ee - el - eml - en - eo - es - et - eu - ext - fa - ff - fi - fiu_vro - fj - fo - fr - frp - fur - fy - ga - gan - gd - gl - glk - gn - got - gu - gv - ha - hak - haw - he - hi - hif - ho - hr - hsb - ht - hu - hy - hz - ia - id - ie - ig - ii - ik - ilo - io - is - it - iu - ja - jbo - jv - ka - kaa - kab - kg - ki - kj - kk - kl - km - kn - ko - kr - ks - ksh - ku - kv - kw - ky - la - lad - lb - lbe - lg - li - lij - lmo - ln - lo - lt - lv - map_bms - mdf - mg - mh - mi - mk - ml - mn - mo - mr - mt - mus - my - myv - mzn - na - nah - nap - nds - nds_nl - ne - new - ng - nl - nn - no - nov - nrm - nv - ny - oc - om - or - os - pa - pag - pam - pap - pdc - pi - pih - pl - pms - ps - pt - qu - quality - rm - rmy - rn - ro - roa_rup - roa_tara - ru - rw - sa - sah - sc - scn - sco - sd - se - sg - sh - si - simple - sk - sl - sm - sn - so - sr - srn - ss - st - stq - su - sv - sw - szl - ta - te - tet - tg - th - ti - tk - tl - tlh - tn - to - tpi - tr - ts - tt - tum - tw - ty - udm - ug - uk - ur - uz - ve - vec - vi - vls - vo - wa - war - wo - wuu - xal - xh - yi - yo - za - zea - zh - zh_classical - zh_min_nan - zh_yue - zu -

Static Wikipedia 2007 (no images)

aa - ab - af - ak - als - am - an - ang - ar - arc - as - ast - av - ay - az - ba - bar - bat_smg - bcl - be - be_x_old - bg - bh - bi - bm - bn - bo - bpy - br - bs - bug - bxr - ca - cbk_zam - cdo - ce - ceb - ch - cho - chr - chy - co - cr - crh - cs - csb - cu - cv - cy - da - de - diq - dsb - dv - dz - ee - el - eml - en - eo - es - et - eu - ext - fa - ff - fi - fiu_vro - fj - fo - fr - frp - fur - fy - ga - gan - gd - gl - glk - gn - got - gu - gv - ha - hak - haw - he - hi - hif - ho - hr - hsb - ht - hu - hy - hz - ia - id - ie - ig - ii - ik - ilo - io - is - it - iu - ja - jbo - jv - ka - kaa - kab - kg - ki - kj - kk - kl - km - kn - ko - kr - ks - ksh - ku - kv - kw - ky - la - lad - lb - lbe - lg - li - lij - lmo - ln - lo - lt - lv - map_bms - mdf - mg - mh - mi - mk - ml - mn - mo - mr - mt - mus - my - myv - mzn - na - nah - nap - nds - nds_nl - ne - new - ng - nl - nn - no - nov - nrm - nv - ny - oc - om - or - os - pa - pag - pam - pap - pdc - pi - pih - pl - pms - ps - pt - qu - quality - rm - rmy - rn - ro - roa_rup - roa_tara - ru - rw - sa - sah - sc - scn - sco - sd - se - sg - sh - si - simple - sk - sl - sm - sn - so - sr - srn - ss - st - stq - su - sv - sw - szl - ta - te - tet - tg - th - ti - tk - tl - tlh - tn - to - tpi - tr - ts - tt - tum - tw - ty - udm - ug - uk - ur - uz - ve - vec - vi - vls - vo - wa - war - wo - wuu - xal - xh - yi - yo - za - zea - zh - zh_classical - zh_min_nan - zh_yue - zu -

Static Wikipedia 2006 (no images)

aa - ab - af - ak - als - am - an - ang - ar - arc - as - ast - av - ay - az - ba - bar - bat_smg - bcl - be - be_x_old - bg - bh - bi - bm - bn - bo - bpy - br - bs - bug - bxr - ca - cbk_zam - cdo - ce - ceb - ch - cho - chr - chy - co - cr - crh - cs - csb - cu - cv - cy - da - de - diq - dsb - dv - dz - ee - el - eml - eo - es - et - eu - ext - fa - ff - fi - fiu_vro - fj - fo - fr - frp - fur - fy - ga - gan - gd - gl - glk - gn - got - gu - gv - ha - hak - haw - he - hi - hif - ho - hr - hsb - ht - hu - hy - hz - ia - id - ie - ig - ii - ik - ilo - io - is - it - iu - ja - jbo - jv - ka - kaa - kab - kg - ki - kj - kk - kl - km - kn - ko - kr - ks - ksh - ku - kv - kw - ky - la - lad - lb - lbe - lg - li - lij - lmo - ln - lo - lt - lv - map_bms - mdf - mg - mh - mi - mk - ml - mn - mo - mr - mt - mus - my - myv - mzn - na - nah - nap - nds - nds_nl - ne - new - ng - nl - nn - no - nov - nrm - nv - ny - oc - om - or - os - pa - pag - pam - pap - pdc - pi - pih - pl - pms - ps - pt - qu - quality - rm - rmy - rn - ro - roa_rup - roa_tara - ru - rw - sa - sah - sc - scn - sco - sd - se - sg - sh - si - simple - sk - sl - sm - sn - so - sr - srn - ss - st - stq - su - sv - sw - szl - ta - te - tet - tg - th - ti - tk - tl - tlh - tn - to - tpi - tr - ts - tt - tum - tw - ty - udm - ug - uk - ur - uz - ve - vec - vi - vls - vo - wa - war - wo - wuu - xal - xh - yi - yo - za - zea - zh - zh_classical - zh_min_nan - zh_yue - zu

Static Wikipedia February 2008 (no images)

aa - ab - af - ak - als - am - an - ang - ar - arc - as - ast - av - ay - az - ba - bar - bat_smg - bcl - be - be_x_old - bg - bh - bi - bm - bn - bo - bpy - br - bs - bug - bxr - ca - cbk_zam - cdo - ce - ceb - ch - cho - chr - chy - co - cr - crh - cs - csb - cu - cv - cy - da - de - diq - dsb - dv - dz - ee - el - eml - en - eo - es - et - eu - ext - fa - ff - fi - fiu_vro - fj - fo - fr - frp - fur - fy - ga - gan - gd - gl - glk - gn - got - gu - gv - ha - hak - haw - he - hi - hif - ho - hr - hsb - ht - hu - hy - hz - ia - id - ie - ig - ii - ik - ilo - io - is - it - iu - ja - jbo - jv - ka - kaa - kab - kg - ki - kj - kk - kl - km - kn - ko - kr - ks - ksh - ku - kv - kw - ky - la - lad - lb - lbe - lg - li - lij - lmo - ln - lo - lt - lv - map_bms - mdf - mg - mh - mi - mk - ml - mn - mo - mr - mt - mus - my - myv - mzn - na - nah - nap - nds - nds_nl - ne - new - ng - nl - nn - no - nov - nrm - nv - ny - oc - om - or - os - pa - pag - pam - pap - pdc - pi - pih - pl - pms - ps - pt - qu - quality - rm - rmy - rn - ro - roa_rup - roa_tara - ru - rw - sa - sah - sc - scn - sco - sd - se - sg - sh - si - simple - sk - sl - sm - sn - so - sr - srn - ss - st - stq - su - sv - sw - szl - ta - te - tet - tg - th - ti - tk - tl - tlh - tn - to - tpi - tr - ts - tt - tum - tw - ty - udm - ug - uk - ur - uz - ve - vec - vi - vls - vo - wa - war - wo - wuu - xal - xh - yi - yo - za - zea - zh - zh_classical - zh_min_nan - zh_yue - zu