Lumba-lumba
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Lumba-lumba[1] Hangganan ng mga labi: Maagang Miocene - Kailan lang |
||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Isang Bottlenose Dolphin na sumasabay sa along sanhi ng isang bangkang de-motor
|
||||||||||||
Pag-uuring pang-agham | ||||||||||||
|
||||||||||||
Genera | ||||||||||||
Tingnan ang artikulo. |
Ang mga lumba-lumba (mas kilala sa tawag na dolphin [Ingles] o delfin [Kastila]) ay mga mamalyang pantubig na malapit na kamag-anakan ng mga balyena at mga porpoise (mga lumba-lumbang may mga pangong ilong at bibig). Mayroong halos mga 40 espesye ng mga lumba-lumba sa loob ng 17 genera. Nagkakaiba-iba sila sa laki mula sa 1.2 metro (4 na piye) at 40 kilogramo (88 libra), katulad ng dolpin sa Maui, Hawaii; hanggang sa 9.5 m (30 piye) at 10 tonelada, katulad ng mga Orka o balyenang mamamatay (Ingles: killer whale). Matatagpuan sila sa buong mundo, karamihan ang sa mga mabababaw na karagatan ng mga pitak pangkontinente. Mga kumakain ng karne (o karniboro), at halos isda at mga pusit lamang. Ang pamilyang Delphinidae ang siyang pinakamalaki sa mga Cetacea, at pinakakaylan lamang lumitaw. Lumitaw ang mga lumba-lumba nang may 10 milyong mga taon na ang nakalilipas, sa kapanahunang Miocene. Tinatanggap na ang mga dolpin na kabilang sa mga pinakamatatalinong hayop, at ang kanilang kadalasang maamong anyo at tila mapaglarong ugali ang sanhi ng kanilang kabantugan sa kalinangan ng mga tao.
[baguhin] Pinagmulan ng pangalan
Hinalaw ang pangalang dolpin mula sa matandang wikang Griyegong delphís (δελφίς) (Ingles: dolphin; Kastila: delfin), na may kaugnayan sa salitang Griyegong delphys (δελφυς) o sinapupunan. Samakatuwid, ang pangalan ng hayop na ito ay maaaring isalin bilang "isdang may sinapupunan".[2] Nadala ang pangalan sa pamamagitan ng salitang delphinus ng wikang Latin, ng dolfinus ng Gitnang Latin at ng daulphin ng Matandang Pranses, na muling gumamit ng mga titik na ph sa loob ng salita.
Ginagamit ang salita sa ilang magkakaibang paraan. Maaaring tumukoy ito sa:
- Anumang miyembro ng pamilyang Delphinidae (mga lumba-lumbang pandagat),
- Anumang miyembro ng mga pamilyang Delphinidae at Platanistoidea (lumba-lumbang pandagat at yaong pang-ilog),
- Anumang miyembro ng sub-order na Odontoceti (mga balyenang may ngipin; kabilang dito ang mga pamilyang nabanggit sa itaas at ilang iba pa),
- Kaswal na ginagamit bilang sinonimo o kasingkahulugan ng bottlenose dolphin (lumba-lumbang may ngusong-bote), ang pinakapangkaraniwan at pinakakilalang espesye ng mga lumba-lumba.
[baguhin] Katawagan sa grupo ng mga lumba-lumba
Sa wikang Ingles, ang isang grupo ng mga lumba-lumba ay tinatawag na school, paaralan ng mga lumba-lumba, at pod, kalipunan ng mga lumba-lumba.
[baguhin] Mga talasanggunian
- ↑ "Lumba-lumba". UP Diksyonaryong Filipino. (2001).
- ↑ The American Heritage® Dictionary of the English Language (Talatinigan sa Wikang Ingles ng Pamanang Amerikano), Pang-apat na edisyon, Pinasok na lahok (online entry) ay nasa Dictionary.com, kinuha noong Disyembre 17, 2006.