Aba Ginoong Maria
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang Ave Maria o Aba Ginoong Maria[1] ay ang bati ng Arkanghel Gabriel kay Maria sa Mabuting Balita. Bahagi rin ang dasal na ito ng pagrorosaryo.[2]
Sa mga Katoliko, ito rin ang tawag sa isang panalangin. Ito ay ang sumusunod na mga linya[1]:
- Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasiya,
- Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.
- Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
- At pinagpala rin naman ang anak mong si Hesus.
- Santa Maria, Ina ng Diyos
- Ipanalangin mo kaming makasalanan
- Ngayon at kung kami'y mamamatay.
- Amen
Kung mapapansin ang "Ave Maria" sa Tagalog ay tumukoy sa "Ginoo" imbes na "Ginang o Binibini" ito ay dahil sa Lumang Tagalog, ang mga "kalalakihan" ay may "mataas" na pagkilala kumpara sa kababaihan. Ipinilit na gamitin ang "mataas na pagkilalang ito" sa kalagayan at katauhan ni Maria, na ayon sa Romano Katoliko ay Ina ng Diyos.
[baguhin] Mga talasanggunian
- ↑ 1.0 1.1 Landsnes, David G. (para sa “Aba Ginoong Maria sa 404 na mga wika” ng Ordine Equestro del San Sepolcro di Gerusalemme, Milano, 1931), Aquinas Duffy (para sa Aba Ginoong Maria at Luwalhati), at Wolfgang Kuhl (para sa Tanda ng Krus, Aba Po Santa Mariang Hari at Sumasampalataya Ako). Mga Dasal na nasa Wikang Tagalog, Tagalog (Filipino, Pilipino), Christus Rex, Inc., christusrex.org, kinuha noong Pebrero 26, 2008
- ↑ Maliit na Dasalan ng Pagrorosaryo