Valens
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Flavius Iulius Valens (sa Latin: IMPERATOR CAESAR FLAVIVS IVLIVS VALENS AVGVSTVS; 328 – Agosto 9, 378) ay ang emperador ng Roma mula 364-378. Siya'y naging emperador nang ibigay sa kanya ang Silangang bahagi ng Imperyo Romano ng kanyang kapatid na si Valentinian I. Si Valens ay natalo at napatay sa Digmaan sa Adrianople na siyang tanda ng simulang pagbagsak ng Imperyo Romano.
|