Tiberius
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Tiberius Caesar Augustus, na ipinanganak bilang Tiberius Claudius Nero (Nobyembre 16, 42 BC – Marso 16 AD 37), ang ikalawang Emperador ng Roma mula sa pagkamatay ni Augustus na unang emperador hanggang sa kanyang kamtayan noong 37. Si Tiberius ay isang Claudian sa kapanganakan at anak nina Tiberius Claudius Nero at Livia Drusilla. Ang kanyang ina ay hiwalay sa kanyang ama at muling nagpakasal kay Octavian Augustus noong 39 BC. Si Tiberius ay nagpakasal sa anak na babae ni Augustus na si Julia ang Nakatatanda at kalaunan ay inampon si Tiberio ni Augustus na siyang naging dahilan kung bakit siya ay naging isang Julian.
|