Pagpapalaglag
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang pagpapalaglag, pagpapaagas o aborsiyon[1] ay ang sinadyang pagtatanggal ng embryo o fetus sa loob ng matris, na nagsasanhi ng kamatayan nito. Pwede itong mangyari ng biglaan tulad ng kapag ang babae ay nakunan, o ng artipisyal sa pamamagitan ng kemikal, pagtistis at iba pa. Sa pangkalahatan, ang "pagpapalaglag" o abortion sa Ingles ay tinutukoy sa inuudyokang pagpapalaglag sa panahon ng pagbubuntis; sa medikal na pagtawag, tinatawag na nakunan ang babae kung ang pagpapalaglag ay nangyari bago ang ika-dalawampung linggo ng pagbubuntis, kung saan ito ay tinuturing na hindi pa buhay.
Maraming mga paraan para umudyok ng paglaglag sa buong kasaysayan natin. Ang mga legal at moral na mga batayan nito ay usapin sa mga pagtatalo sa maraming mga bahagi ng mundo.
[baguhin] Sanggunian
- ↑ "Aborsiyon, pagpapalaglag, pagpapaagas, agas". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). (1990).