Mayo 2006
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Abr – Mayo – Hun | ||||||
LU | MA | MI | HU | BI | SA | LI |
1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 |
8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 |
15 | 16 | 17 | 18 | 19 | 20 | 21 |
22 | 23 | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 |
29 | 30 | 31 | 1 | 2 | 3 | 4 |
2006 Kalendaryo |
[baguhin] Mayo 1, 2006 (Lunes)
- Sumali ang Espanya, Portugal, Finland at Gresya sa United Kingdom, Republika ng Ireland at Sweden upang pahintulutan ang mga manggagawa mula sa sampung bansa na sumali sa Unyong Europeo noong nakaraang dalawang taon na magkaroon ng malayang pagpasok sa kanilang kalakalan ng paggawa. (BBC)
[baguhin] Mayo 2, 2006 (Martes)
- Hindi sinipot ng tatlong opisyal ng gabinete ni Pangulong Arroyo ang isang pandinig ng Senado ng Pilipinas na tila bagang paglabag sa kapasyahan ng Korte Suprema sa Executive Order 464. (inq7.net)
- Pinalaya sa Iraq ang dalawang Aleman na bihag na sina René Bräunlich and Thomas Nitzschke. Nabihag sila ng 3 buwan ng mga rebelde simula pa noong Enero 24, 2006. (BBC)
[baguhin] Mayo 12, 2006 (Biyernes)
- Sumumpa si Yoweri Museveni bilang Pangulo ng Uganda sa kanyang ikatlong termino. NDTV.com
- Tinuligsa ni Gaudencio Kardinal Rosales at gayun din ang CBCP ang mga nilalaman ng nobelang Da Vinci Code ni Dan Brown na ginawang din pelikula. (inq7.net)
[baguhin] Mayo 13, 2006 (Sabado)
- Pumasok sa Pilipinas ang Bagyong Caloy (Typhoon Chanchu). Anim na katao ang namatay at lima ang inulat na nawawala pagkatapos tumaob ang isang bangka sa maalong dagat sa ibay ng pulo ng Masbate. (CNN)
[baguhin] Mayo 15, 2006 (Lunes)
- Nagtalumpati ang Pangulo ng Estados Unidos na si George W. Bush ukol minungkahing malaking reporma sa imigrasyon sa Estados Unidos. (Washington Post)
- Pumutok ang Bundok Merapi, sang-ayon sa pambansang ahensya ng balita sa Indonesia. (CNA)
- Sang-ayon kay Senador Miriam Defensor-Santiago ng Pilipinas, makakatipid daw ang pamahalaan ng Pilipinas ng 5 bilyong piso kung aalisin ang Senado ng Pilipinas kapalit ang isa lamang kamara sa ilalim ng sistemang parliamentaryo. (inq7.net)
[baguhin] Mayo 18, 2006 (Huwebes)
- Pumasok ang Bagyong Chanchu (Caloy sa Pilipinas), ang pinakamalakas na bagyo na natala na nakapasok sa Timog Dagat Tsina, sa Tsina pagkatapos manalanta sa Pilipinas at 41 katao ang namatay. (BBC) (Reuters)
[baguhin] Mayo 19, 2006 (Biyernes)
- Pagkatapos na marating ng mga Pilipinong namumundok (mountain climber) na sina Leo Oracion (noong Mayo 17, 2006) at Erwin Emata (noong Mayo 18, 2006) ang Bundok Everest, matagumpay na narating din ni Romi Garduce ang tutok ng Everest noong Mayo 19, 2006 na pinapurihan naman ni Sir Edmund Hillary, ang unang nakaakyat sa Everest, ang tatlong Pilipino. (inq7.net)
- Bumoto ang Senado ng Estados Unidos para susugan ang isang panukalang batas para sa reporma sa imigrasyon na "...idedeklara ang Ingles bilang isang pambansang wika ng Estados Unidos", na nagbibigay sa Ingles sa ng karagdagang kakayahang de jure (karagdagan sa pagiging de facto) bilang isang opisyal na wika ng bansa. Pagbobotohan pa ang panukulang batas, S. 2611, sa Senado. (AP via Forbes) (CBS) (U.S. Senate)
[baguhin] Mayo 24, 2006 (Miyerkules)
- Sa bisa ng Proklamasyon Blg. 1069 ng Pilipinas ipinahayag bilang National Artist (Pambansang Artista) si Fernando Poe, Jr. sa larangan ng pelikula sa kabila ng mga kontrobesiya sa kanyang nominasyon. (inq7.net)
- Pinangangabahan na mahigit isang daang katao ang namatay pagkatapos ng malakas na ulan at baha sa hilagang Thailand. (BBC)
[baguhin] Mayo 27, 2006 (Sabado)
- Isang lindol na may lakas 6.2 sa Richter scale ang yumanig sa pulo ng Java, Indonesia na kumitil sa mahigit 4300 katao. Matatagpuan ang sentro ng lindol sa timog-kanluran ng lungsod at malapit sa pumutok na Bundok Merapi. (BBC) (CNN) (AP)
2008: Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo
2007: Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo, Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre, Oktubre, Nobyembre, Disyembre
2006: Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo, Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre, Oktubre, Nobyembre, Disyembre
2005: Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo, Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre, Oktubre, Nobyembre, Disyembre