Gloria Macapagal-Arroyo
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang artikulong ito ay maaring nangangailangan ng pagsasaayos upang matugunan ang pamantayan sa kalidad ng Wikipedia. Maari po kayong makatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito. (Marso 2007) |
Gloria Macapagal-Arroyo | |
|
|
---|---|
Kasalukuyan | |
Naninilbihan Enero 20, 2001 |
|
Pangulo | Joseph Ejercito Estrada |
Pangalawang Pangulo | Teofisto Guingona (2001–2004) Noli de Castro (2004–present) |
Sinundan si | Joseph Estrada |
|
|
Nanilbihan Hunyo 30, 1998 – Enero 20, 2001 |
|
Sinundan si | Joseph Ejercito Estrada |
Sinundan ni | Teofisto T. Guingona, Jr. |
|
|
Kapanganakan | Abril 5, 1947 San Juan, Rizal |
Partidong pampolitika | Lakas-Christian Muslim Democrats |
Asawa | Jose Miguel Arroyo |
Relihiyon | Katoliko |
Lagda |
Si Maria Gloria Macaraeg Macapagal-Arroyo (ipinanganak Abril 5, 1947) ay ang ikalabing-apat at kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas. Siya ang ikalawang babaeng pangulo ng bansa, at anak ng dating pangulong si Diosdado Macapagal.
Isang propesor ng ekonomiks, si Arroyo ay pumasok sa pamahalaan noong 1987, na naglingkod bilang pangalawang kalihim at undersecretary ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya sa pag-talaga sa kanya ni Pangulong Corazon Aquino. Pagkatapos maglingkod bilang senador mula 1992 hanggang 1998, siya ay nahalal na Pangalawang Pangulo sa ilalim ni Pangulong Joseph Estrada. kahit na ito ay tumakbo sa kalabang partido. Pagkatapos maakusahan si Estrada ng korupsyon, nagbitiw siya sa posisyon niya bilang gabinete bilang kalihim ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunladat sumali sa lumalaking bilang ng mga oposisyon sa Pangulo, na humarap sa paglilitis. Si Estrada ay napaalis sa pwesto dahil sa mapayapang demonstrasyon sa EDSA, at kagyat nanumpa si Gloria Arroyo bilang pangulo noong Enero 20, 2001. Nahalal siyang muli ng anim na taon pa at nanumpa sa tungkulin noong Hunyo 30, 2004.
Mga nilalaman |
[baguhin] Kabataan
Si Pangulong Arroyo ay isinilang na Maria Gloria Macaraeg Macapagal ng pulitikong Diosdado Macapagal, at ng kanyang asawa, [[Eva Macapagal|Evangelina Macaraeg Macapagal==. Siya ay kapatid ni Dr. Diosdado "Boboy" Macapagal, Jr. at Cielo Macapagal-Salgado. Nanirahan siya sa Lubao, Pampanga noong unang mga taon niya kasama ang kanyang dalawang nakatatandang kapatid mula sa unang asawa ng kanyang ama. [1] Sa edad na apat, pinili niyang manirahan sa lola niya sa ina, sa Lungsod ng Iligan.[2] Nanatili siya doon ng tatlong taon, at hinati niya ang kanyang oras sa Mindanao at Maynila hanggang sa siya'y maglabing-isang taon.[2] Mahusay siya sa Wikang Ingles, Wikang Tagalog, Kastila at iba pang wika sa Pilipinas.
Noong 1961, nang si Gloria ay 14 pa lamang, ay nahalal bilang pangulo ang kanyang ama. Siya at ang kanyang pamilya ay lumipat sa Palasyo ng Malakanyang sa Maynila. Isang bayan ang ipinangalan sa kanya, ang Gloria, Oriental Mindoro. Nag-aral siya ng elementarya at sekundarya sa Assumption Convent, kung saan ay nakapagtapos siya bilang Valedictorian noong 1964.
Noong 1961, nang si Gloria ay 14 na taon gulang pa lamang, ang kanyang ama ay nahalal na pangulo ng Pilipinas. Lumipat siya kasama ang kanyang pamilya sa Malakanyang sa Maynila. Nag-aral siya ng elementarya at sekundarya sa Assumption College at nakapagtapos na valedictorian noong 1964. Pagkatapos ay nag-aral si Gloria ng dalawang taon sa Walsh School of Foreign Service ng Georgetown University sa Washington, D.C. na kung saan ay naging kamag-aral niya noon ang magiging pangulo ng Estados Unidos na si Bill Clinto at napanatili ang pangalan nito sa talaan ng Dekano. [3] Nakuha niya ang kanyang Batsilyer sa Arte sa Ekonomiks mula sa Assumption College, na kapagtapos na magna cum laude noong 1968.
Noong 1968, napangasawa ni Gloria ang isang abugado at negosyanteng si Jose Miguel Arroyo na tubong Binalbagan, Negros Occidental, na nakilala niya nang siya ay nasa kanyang kabataan pa lamang. [1] Sila ay may tatlong anak, sina Juan Miguel (1969), Evangelina Lourdes (1971), at si Diosdado Ignacio Jose Maria (1974). Ipinagpatuloy ni Gloria ang kanyang pag-aaral at nakuha ang Master na degree sa Ekonomiks mula Ateneo de Manila noong 1978 at ang Doctoratena degree sa EKonomiks mula sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1985. [4] Mula 1977 hanggang 1987, humawak siya ng mga posisyon sa pagtuturo sa iba't ibang mga paaralan, gaya ng Unibersidad ng Pilipinas at Ateneo de Manila.
Noong 1987, siya ay inanyayahan ni Pangulong Corazon Aquino na lahukan ang pamahalaan bilang Pangalawang Kalihim ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya. Siya ay napromote bilang undersecretary pagkatapos ng dalawng taon.
[baguhin] Personal na impormasyon
[baguhin] Pamilya
Ipinanganak siya noong Abril 5, 1947 sa San Juan, Kalakhang Maynila. Ang kanyang mga magulang ay ang ika-siyam na Pangulo ng Pilipinas, si Diosdado Macapagal at si Dra. Evangelina Macaraeg-Macapagal.
Noong Agosto 2, 1968, ikinasal siya sa abogadong si Jose Miguel T. Arroyo na nagtapos sa Ateneo Law School noong 1972. May tatlo silang mga anak:
- Juan Miguel (ipinanganak Abril 26, 1969) — nagtapos ng Diploma in Business Administration sa University of California, Berkeley
- Evangelina Lourdes (Hunyo 5, 1971) — nagtapos ng MS in Foreign Service sa Georgetown University
- Diosdado Ignacio (ipinanganak Setyembre 4, 1974) nagtapos ng BS in Legal Management, sa Ateneo de Naga
[baguhin] Edukasyon
- Elementarya
- Assumption Convent High School (1954-1960)
- Mataas na Paaralan
- Assumption Convent High School (1960-1964) — Valedictorian
- Kolehiyo
- Georgetown University, AB Economics (1964-66) — Dean’s Lister
- Assumption College, AB Economics (1968) — Magna cum Laude
- Post Graduate
- Ateneo de Manila University, MA Economics (1978)
- UP School of Economics, Ph.D. in Economics (1985)
[baguhin] Mga palabas na kawing
- Gloria Macapagal Arroyo, opisyal na website
- Gloria Arroyo Nagmamahal sa Pangulo website
- ↑ 1.0 1.1 Gloria Macapagal-Arroyo. Current Biography International Yearbook 2004. The H. W. Wilson Company. Nakuha noong 2007-06-04.
- ↑ 2.0 2.1 Spaeth, Anthony (2001-01-29). Glory, Gloria!. TIME Pacific. Nakuha noong 2007-06-04.
- ↑ Gloria Arroyo, The Most Powerful Women. Forbes: (2005-11-01). Nakuha noong 2007-06-04.
- ↑ President Gloria Macapagal-Arroyo Biography. Office of the President. Nakuha noong 2007-06-04.
Mga tungkuling pulitikal | ||
---|---|---|
Sinundan: Joseph Estrada |
Pangulo ng Pilipinas 2001 – present |
Incumbent |
Sinundan: Joseph Estrada |
Pangalawang Pangulo ng Pilipinas 1998 – 2001 |
Susunod: Teofisto Guingona |
Sinundan: Teofisto Guingona |
Kalihim ng Ugnayang Panlabas 2002 |
Susunod: Blas Ople |
Sinundan: Angelo Reyes |
Kalihim ng Tanggulang Pambansa 2003 |
Susunod: Eduardo Ermita |
Sinundan: Franklin Ebdalin |
Kalihim ng Ugnayang Panlabas 2003 |
Susunod: Delia Albert |
Sinundan: Avelino Cruz |
Kalihim ng Tanggulang Pambansa 2006 – 2007 |
Susunod: Hermogenes Ebdane |
Mga tungkuling pangpartido pulitikal | ||
Sinundan: Jose de Venecia |
National Chairman ng Lakas-CMD 2004 – kasalukuyan |
Incumbent |
Sinundan: Luis Villafuerte |
Chairman Emeritus ng KAMPI 2004 – kasalukuyan |
Incumbent |
|
|
Persondata | |
---|---|
NAME | Arroyo, Gloria Macapagal |
ALTERNATIVE NAMES | |
SHORT DESCRIPTION | 14th President of the Philippines |
DATE OF BIRTH | April 5, 1947 |
PLACE OF BIRTH | San Juan, Rizal, Philippines |
DATE OF DEATH | |
PLACE OF DEATH |