Martes
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang Martes ay ang araw ng linggo sa pagitan ng Lunes at Miyerkules.
Mga nilalaman |
[baguhin] Etimolohiya
Ang salin ng Martes sa Ingles ay "Tuesday" na hanggo sa Ingles na "Twisday." Ito ay na hango rin sa makalumang salin na "Tiwes dæg" na ang sinunod naman sa pangalan ng diyos-diyosan ng mga na Nordic na si Tyr. Si Tyr ay katumbas na diyos ng digmaan ng mga Romano na si Marte (en:Mars), at ng mga Griyegong si Ares.
Sa Latin, ang Martes ay hango sa "Martis dies" na ang ibig sabihin ay "Araw ni Marte." Sa Romanong lengguwahe naman, maliban sa Portuges, ang salitang Martes ay galin din sa kahalintulad na Latinong pangalan na Mardi (Pranses), Martes (Espanyol), Martedi (Italyano), Dimarts (Catalan) at Marţi (Romano).
Ang mga nabubuhay pang mga lengguwaheng Seltiko (en:Celtic) ay nagpanatili ng mga Latinong pangalan.[1] Gayumpaman, wala sa mga lengguwaheng ito ang nag-ugat sa Latin. Ang Martes ay dé máirt sa Irish, Meurzh sa Breton,[2] at dydd Mawrth sa Welsh.[3] Pinanatili naman ng mga Scottish Gaelic ang salin na Dimàirt para sa araw ng Martes. [4][5][6]
Ang Ingles at Scandinavian na bersyon ng Martes ay hanggo sa pangalan ng diyos-diyosang Nordic na si Týr:
- Lumang Frisian: tîesdei
-
- Modernong Kanluraning Frisian: tiisdei
- Lumang Ingles: tíwesdæg
-
- Anglo-Norman:
- Middle English: tíesdæi, tywesdai, twysday
- Early Modern English: towesday, Twesdaie, Tyisday, Tiseday,
- Modernong Ingles: Tuesday
- Old High German: zîestag
-
- Middle High German: zîstag
- Alemannic German: ziischtig
- Old Norse: týrsdagr
-
- Swedish: Tisdag
- Danish: Tirsdag
- Norwegian: Tirsdag o Tysdag
- Icelandic: Týsdagur
Ang salitang Alemang Dienstag, maging ang mababang Alemang Dingsdag, Deensdag at ang Dutch Dinsdag (mula sa 13 siglo, MHG dinsdag, dinsedag, dincetag, dinstag, dingstag) ay maaring nagmula sa interpretasyong dies judicii (araw ng mga bagay) o sensus dies na popular na etimolohiya (Grimm) Isa ring posibilidad ay ang tuwirang pagsunod sa pangalan ng diyos ng mga Romano na si Mars Thingsus, ang diyos ng mga Thing, at maari ring si Tyr.[8]
[baguhin] Mga Paggunita
[baguhin] Sa Astrolohiya
[baguhin] Mga Araw na Sinunod sa Martes
[baguhin] Talasanggunian
- Grimm, Jacob. 1875–78. Deutsche Mythologie. Fourth ed., curated by Elard Hugo Meyer, 3 vols. Berlin: F. Dümmler. Reprinted Darmstadt: Wissenschaftliche Buchgesellschaft, 1965.
[baguhin] Reperensiya
- ↑ MacBain, Alexander. An Etymological Dictionary of the Gaelic Language. Gairm Publications, 1982 reprint of 1896 original.
- ↑ Dicts.info Breton to English to Breton Dictionary
- ↑ Welsh-English / English-Welsh On-line Dictionary, University of Wales, Lampeter
- ↑ MacFarlane, Malcolm. The School Gaelic Dictionary. Eneas MacKay, Stirling, 1912.
- ↑ English-Gaelic Parliamentary Dictionary, published by the Scottish Parliament, 2001.
- ↑ Stòr-dàta Briathrachais Gàidhlig
Wiktionary, ang malayang talahulugan.