H. G. Wells
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Herbert George Wells (Setyembre 21, 1866 - Agosto 13, 1946) ay isang kilalang manunulat sa larangan ng mga kathang-isip na kwentong pang-agham. Kabilang sa mga interes niya ang sosyalismo, kasaysayan, pilosopiya, sining at pananampalataya.[1]
[baguhin] Talambuhay
Ipinanganak si Wells sa Bromley, Inglatera. Sa gulang na 13, nagtrabaho siya bilang isang taga-ingat kwenta. Noong 1883, naging isa siyang guro kasabay ng pagiging isang mag-aaral. Nakapag-aral siya sa Paaralang Normal na Pang-agham sa London, kung saan naging guro niya si T. H. Huxley. Nagtapos siya mula sa Pamantasan ng London noong 1890. Siya ang pinakaunang patnugot ng Science Schools Journal) at nakapagsulat din para sa Educational Times.[1]
Nagpakasal si Wells sa isang pinsan noong 1895, na humantong lamang sa paghihiwalay. Pagkatapos madiborsyo ang kaniyang unang asawa, muling nag-asawa si Wells. Ikinasal siya kay Amy Catherine Robbins.[1]
Sumulat si Wells ng mahigit sa 100 mga aklat. Nahulaan niya ang pagdating ng paggamit sa larangan ng digmaan ng mga eroplano, tangke, at bombang atomiko. Naging tagapagtaguyod din siya ng deklarasyon ng karapatang-pantao sa Organisasyon ng Mga Nagkakaisang Bansa.[1]
[baguhin] Mga akda
- The Time Machine (1895)
- Anticipations of the Reactions of Mechanical and Scientific Progress upon Human Life and Thought (1901)
- The Outline of History (1920)
- The Science of Life (1931)
- The Work, Wealth and Happiness of Mankind (1932)
[baguhin] Mga talasanggunian
- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), nasa wikang Ingles, Grolier Incorporated, 1977, ISBN 0717205088