Negros Oriental
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sensus ng 2000—1,126,061 (ika-20 pinakamalaki)
Densidad—208 bawat km² (ika-41 pinakamataas)
Ang Negros Oriental (tinatawag ding Oriental Negros; Kastila para sa Silangang Negros) ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Gitnang Visayas. Sinasakop nito ang timog-silangang kalahati ng pulo ng Negros, kasama ang Negros Occidental na sinasakop ang hilaga-kanlurang kalahati. Kabilang din dito ang Pulo ng Apo, isang tanyag na lugar sa pagsisid para sa mga lokal at banyagang turista. Cebu ang nasa silangan ng Negros Oriental sa ibayo ng Kipot ng Tañon at sa timog-silangan ang Siquijor. Cebuano ang pangunahing sinasalita dito, at ang Katolisismo ang namamayaning relihiyon. Lungsod ng Dumaguete ang kapital, luklukan ng pamahalaan, ang pinakamataong lungsod.
[baguhin] Administrasyon
Ang lalawigan ng Negros Oriental ay nahahati sa 20 bayan at 5 lungsod, at ang mga ito ay hinati pa sa 557 na mga barangay.
Ang Lungsod ng Dumaguete ay ang kabiseran ng lalawigan at ang sentro ng pamahalaan. Ito rin ang pinakamaraming taong lungsod, kahit na ito ay may pinakmaliit na sukat ng lupa.
Lungsod | Populasyon | Area (km²) | Densidad (bawat km²) |
---|---|---|---|
Lungsod ng Bais | 68,115 | 319.64 | 213.1 |
Lungsod ng Bayawan | 101,391 | 699.08 | 145.0 |
Lungsod ng Canlaon | 46,548 | 170.93 | 273.3 |
Lungsod ng Dumaguete | 102,265 | 33.62 | 3041.8 |
Lungsod ng Tanjay | 70,169 | 276.05 | 254.2 |
Mga Bayan | Populasyon | Area (km²) | Densidad (bawat km²) |
Amlan | 19,227 | 111.85 | 171.9 |
Ayungon | 40,744 | 265.10 | 153.7 |
Bacong | 23,219 | 40.30 | 576.2 |
Basay | 21,366 | 162.00 | 131.9 |
Bindoy | 34,773 | 173.70 | 200.2 |
Dauin | 21,077 | 114.10 | 184.7 |
Guihulngan | 83,448 | 388.56 | 214.8 |
Jimalalud | 26,756 | 139.50 | 191.8 |
La Libertad | 35,122 | 139.60 | 251.6 |
Mabinay | 64,451 | 319.44 | 201.8 |
Manjuyod | 37,863 | 264.60 | 143.1 |
Pamplona | 32,790 | 202.20 | 162.2 |
San Jose | 15,665 | 54.46 | 287.6 |
Santa Catalina | 67,197 | 523.10 | 128.5 |
Siaton | 64,258 | 335.90 | 191.3 |
Sibulan | 37,523 | 163.00 | 230.2 |
Tayasan | 30,477 | 154.20 | 197.6 |
Valencia | 24,365 | 147.49 | 165.2 |
Vallehermoso | 33,914 | 101.25 | 335.0 |
Zamboanguita | 23,338 | 85.86 | 271.8 |