Wikipedia:Maghanap o magkumpuni ng stub
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang stub ay isang napakaiksing artikulo na binubuo ng humigit-kumulang isang talata. Karamihan ng mga stub ay hindi natatalakay ang kabuuan ng isang paksa. Subalit hindi ito nangangahulugan na ang stub ay hindi isang lehitimong artikulo. Nangangailangan lamang ito ng karagdagang impormasyon.
[baguhin] Pagdadagdag sa mga stub
Upang magdagdag sa mga stub, pindutin lamang ang link na baguhin na makikita sa itaas ng pahina. Maaaring maglagay ng mga link o maghanap ng impormasyon tungkol sa paksa mula sa mga search engine tulad ng Google at Yahoo!. Ang iyong sariling kaalaman ay maaari ding ilagay.