Antique
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sensus ng 2000—471,088 (ika-26 pinakamaliit)
Densidad—187 bawat km² (ika-46 pinakamataas)
Ang Antique ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa Rehiyon ng Kanlurang Visayas. San Jose de Buenavista ang kabisera nito. Matatagpuan ang lalawigan sa kanlurang bahagi ng pulo ng Panay. Umaabot sa mga lalawigan ng Aklan, Capiz, at Iloilo ang hangganan nito sa silangan. Nakaharap ang Antique sa Dagat Sulu sa kanluran.
Ang Antique ay isa sa tatlong dating mga sakup (mga distrito) ng Panay bago dumating sa isla ang mga mananakop na Kastila. Ang Antique ay kilala noon sa katawagang Hantik, na ipinangalan sa malalaki at maiitim na mga langgam na matatagpuan sa isla, na ang tawag ay hantik-hantik. (Tingnan ang Seksyon ng Kasaysayan sa ibaba.)
Mga nilalaman |
[baguhin] Mga Tao at kultura
Karay-a ang tawag sa mga katutubo (tomanduk) ng Antique, bagaman kilala ang rin ang mga taga rito bilang Antiqueno. Ang salitang Kinaray-a ay hango sa salitang katutubong raya o iraya na ang ibig sabihin ay bundok. Ang wikang panlalawigan nito ay na ginagamit ding wika sa mga bulubunduking bayan ng Iloilo at Capiz. Ayon sa mga kasalukuyang pananaliksik sa aghamtao, nagmula sa rehiyon ng Timog Tsina ang mga ninuno ng mga Karay-a at mga kayumangging taga-Panay.
[baguhin] Ekonomiya
Pangingisda at pagsasaka ang pangunahing kabuhayan ng Antique. Palay ang pangunahing produktong agrikultural ng lalawigan. Nagmumula ito sa mga malalking bayang may sapat na patubig at matabang lupa kagaya ng Sibalom, Hamtic, Tibiao, Bugasong at Culasi. Sumusunod dito ang niyog na sagana din sa buong lalawigan. Kung kaya marami din ang ibang produkto kagaya ng tuba o alak ng niyog, suka mula sa niyog at kopra. Kilala naman ang muskubadong asukal na mula sa bayan ng Patnongon.
Samantala, pangingisda naman ang pangunahing kabuhayan sa halos lahat ng bayang humaharap sa saganang Dagat Sulu maliban sa Valderama at San Remigio na pawang landlocked. Pagpapastol at paghahayupan naman ang kabuhayan sa dalawang bayang ito kung saan maraming damuhan sa mga mababato nitong bulubundukin.
Sinusubukan ding palaguin ang lokal na ekonomiya sa pamamagitan ng turismo lalung lao na sa mga bayan ng Tibiao, Pandan, Sibalom, Caluya at Anini-y.
[baguhin] Heograpiya
Ang Antique ay isang makitid na lalawigang hugis kabayong-dagat. Sakop nito ang buong babayin ng kanlurang Panay, gayundin ang iilang mga pulo sa pagitan ng Panay at Mindoro na siyang bumubuo sa bayan ng Caluya at iilang mga pulo ng Culasi at Anini-y. Kilala ang Antique bilang 'ang lugar kung saan nagkikita ang bundok at dagat' dahil sa kakaibang heograpiya nito. Ang kanluran ng lalawigan ay ang baybaying humaharap sa Dagat Sulu, habang ang silangan nito ay binubuo ng mga burol, talampas at bulubundukin. Ang mga bulubundukin sa silangan ng lalawigan ang siyang humihiwalay sa Antique sa Aklan, Capiz at Iloilo na naghahati-hati sa Kapatagan ng Panay. Ang pinakamataas na bahagi ng lalawigan ay ang Nangtud sa bayan ng Barbaza na 2049m ang taas. Karamihan sa lupa ng Antique ay mabato at mabuhangin kung kaya hindi ito gaanong sagana.
[baguhin] Politika
Ang Antique nahahati sa 18 mga bayan.
[baguhin] Mga Bayan
[baguhin] Pisikal
[baguhin] Kasaysayan
Sinasabing ang simula ng lahing Karay-a ay ang Maragtas. Kung saan sa pamumuno ni Datu Puti, naglayag ang sampung datu na galing Bornay (Borneo). Sa sampung datu si Datu Sumakwel ang siyang nanirahan at nagtayo ng pamayanan sa lupaing ngayong sakop ng Antique.
[baguhin] Panlabas na link
- Official Website of the Provincial Government of Antique (sa wikang Ingles)
- Pandan.gov.ph - Official Website of the Municipality of Pandan, Antique, Philippines (sa wikang Ingles)
- PANDAN.PH - Pandan Antique Philippines (sa wikang Ingles)
[baguhin] Mga Sanggunian
- Vanzi, Sol Jose. “The Many Facets of Antique.” Philippine Headline News Online. [1]
- Website of the Provincial Government of Antique (old) [2]
- The Antique Circle USA. [3]
Lalawigan ng Antique | ||
Anini-y | Barbaza | Belison | Bugasong | Caluya | Culasi | Hamtic | Laua-an | Libertad | Pandan | Patnongon | San Jose | San Remigio | Sebaste | Sibalom | Tibiao | Tobias Fornier | Valderrama |