Nueva Ecija
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang Nueva Ecija (Bagong Ecija) ay isang walang pampang na lalawigan sa Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Gitnang Luzon. Ang Lungsod ng Palayan ang kapital nito. Napapalibutan ang Nueva Ecija ng Bulacan, Pampanga, Tarlac, Pangasinan, Nueva Vizcaya, and Aurora.
Sensus ng 2000—1,659,883 (ika-13 pinakamalaki)
Densidad—314 bawat km² (ika-18 pinakamataas)
Mga nilalaman |
[baguhin] Ekonomiya
Tinuturing na pangunahing nagpapatubo ng palay na lalawigan sa Pilipinas. At saka ang nangungnang taga-gawa ng mga sibuyas (sa munisipalidad ng Bongabon) sa Timog-silangang Asya.
[baguhin] Heograpiya
[baguhin] Pulitikal
Nahahati ang Nueva Ecija sa 27 mga munisipalidad at 5 mga lungsod.
[baguhin] Mga lungsod
- Lungsod ng Cabanatuan
- Lungsod ng Gapan
- Lungsod ng Palayan
- Lungsod ng San Jose
- Lungsod Agham ng Muñoz
[baguhin] Mga bayan
|
[baguhin] Kasaysayan
Nabuo ang Nueva Ecija bilang isang comandancia militar noong 1777 sa pamamagitan ni Gobernador Heneral Clavería, kasama ang kapital sa Baler (bahagi na ngayon ng Aurora). Dating kabilang sa lalawigan ng Pampanga. Mula sa pagkatatag nito sa simula, lumaki ang lawak ng lupain upang sakupin ang buong pulo ng Luzon. May mga talaan ng mga Kastila na kinikilala ang 2 Kastilang lalawigan (county) sa Pasipiko —Las Islas Filipinas at Nueva Ecija. Kahirapan ang naging dahilan kung bakit hindi binigyan na pagkilala ng Hari ng Espanya noong dekada 1840 ang Nueva Ecija bilang isang hiwalay ng bansa sa Pilipinas. Mula 1777 hanggang 1917, nahati ang teritoryo ng Nueva Ecija upang magbigay daan sa palikha ng ibang lalawigan. Ang lalawigan ng Tayabas (Aurora at Quezon ngayon) kabilang ang mga pulo ng Polilio, ang lalawigan ng Palanan (Isabela ngayon), Cagayan, ang lalawigan ng Nueva Vizcaya, ang teritoryo na naging kabilang sa Lalawigan ng Quirino, at ang lalawigan ng Maynila hilaga ng lalawigan ng Tondo noong 1867, at ang Distrito ng Morong (Rizal ngayon) ay nalikha mula sa Nueva Ecija.
Ipinangalan ang lalawigan sa lumang lungsod ng Écija sa Seville, Espanya.
Noong 1896, isa ang Nueva Ecija sa mga unang lalawigang nag-alsa laban sa Espanya, at isa sa mga lalawigan na nagdeklara ng kalayaan noong 1898.