Negros Occidental
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sensus ng 2000—2,565,723 (ika-2 pinakamalaki)
Densidad—324 bawat km² (ika-15 pinakamataas)
Ang Negros Occidental (Kastila para sa Kanlurang Negros) ay isang lalawigan sa Rehiyong Visayas sa Gitnang Pilipinas. Isa ito sa dalawang lalawigan na nasa pulo ng Negros. Nagsasalita ng wikang Hiligaynon ang karamihan sa nakatira dito, ngunit Cebuano naman ang wika sa silangang bahagi nito. Bacolod ang punong lungsod nito.
Pinapalibutan ng Kipot Tañon at Negros Oriental sa gawing silangan, Kipot Guimaras at Look ng Panay sa gawing kanluran, Dagat Sulu sa timog at Dagat Visayas sa hilaga. Ang Bundok Kanlaon ang pinakamataas na pook sa Negros Occidental, at sa buong Visayas.
Mga nilalaman |
[baguhin] Heograpiya
[baguhin] Pulitikal
Ang lalawigan ng Negros Occidental ay nahahati sa 19 na bayan at 13 lungsod.
[baguhin] Mga Lungsod
[baguhin] Mga bayan
- Binalbagan
- Calatrava
- Candoni
- Cauayan
- Enrique B. Magalona (Saravia)
- Hinigaran
- Hinoba-an (Asia)
- Ilog
- Isabela
- La Castellana
- Manapla
- Moises Padilla (Magallon)
- Murcia
- Pontevedra
- Pulupandan
- Salvador Benedicto
- San Enrique
- Toboso
- Valladolid