Camarines Sur
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sensus ng 2000—1,551,549 (ika-15 pinakamalaki)
Densidad—295 bawat km² (ika-22 pinakamataas)
Ang Camarines Sur (Timog Camarines) ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa Rehiyon ng Bicol sa Luzon. Pili ang kabisera nito at pinapaligiran ito ng Camarines Norte at Quezon sa hilaga, at Albay sa timog. Sa silangan nito ang islang lalawigan ng Catanduanes sa ibayo ng Maqueda Channel.
Pinakamalaki ang Camarines Sur sa anim na lalawigan ng Bikol sa lawak ng lupa at populasyon. Ang Lungsod Naga, ang komersyal at kultural na sentro ng lalawigan, ipinagmamalaki ang mga mall katulad ng LCC Central (isang sangay ng LCC Chain na nakabase sa Lungsod ng Legazpi), ang Robertson's na nasa Diversion Road, mga maliliit hanggang sa katamtamang tindahan, at institusyong edukasyonal. Matatagpuan sa Lawa ng Bato at Lawa ng Buhi ang isdang pinakamaliit na komersyal na inaani, ang Sinarapan (Mistichthys luzonensis).
Sa Camarines Sur matatagpuan ang Bundok Isarog.
Mga nilalaman |
[baguhin] Kasaysayan
[baguhin] Bago Dumating ang mananakop na Kastila
[baguhin] Panahon ng Kastila
Ang lalawigan ay bahagi ng Ambos Camarines.
[baguhin] Digmaang Pilipino-Amerikano
[baguhin] Panahon sa ilalim ng pamumuno ng Amerika
[baguhin] Panahon sa ilalim ng pamumuno ng Hapon
[baguhin] Pagkatapos ng pangalawang pandaigdigang digmaan
[baguhin] Batas Militar
Sa lalawigan ng Camarines Sur ipinanganak ang Bagong Hukbong Bayan ng rehiyong Bicol. Pagkatapos idineklara ni Ferdinand Marcos ang martial law noong ika-21 ng Septiembre, Mula sa kamaynilaan, umurong nag ilang aktibista sa lalawigan upang mag-organisa ng armadong pakikibaka sa rehiyon. Pinangunahan ang pag-oorganisang ito ni Romulo Jallores sa may Partido area.