Vincent Bueno
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Vincent Bueno | ||
---|---|---|
Impormasyon | ||
Buong pangalan | Vincent Mendoza Bueno | |
Kapanganakan | Disyembre 10, 1985 | |
Pinagmulan | Vienna, Austria | |
Genre | Classical, Vocal | |
Trabaho | mang-aawit, kompositor | |
Instrumento | piano, tambol, bass guitar, gitara | |
Taong aktibo | 2008 (kasalukuyan) | |
Website | http://vincentbueno.com |
Si Vincent Bueno ay isang Pilipinong mang-aawit na pinanganak sa Austria noong Disyembre 10, 1985. Noong Enero 12, 2008 ay nanalo siya sa isang palabas sa ORF, ang Musical! Die Show (Musical! The Show), isang kumpetisyong pang-tugtuging pantelebisyon sa Austria. Nagsimulang nag-aral ng pagsasayaw si Bueno sa gulang na 4. Kamakailan, umawit at nagtanghal siya sa konsyerto ni Sarah Geronimo sa Byena.
Mga nilalaman |
[baguhin] Maagang Edukasyon
Nakapagtapos si Bueno sa larangan ng tugtugin at sining sa pagtanghal sa Vienna Conservatory of Music. Tagapaglikha rin siya ng mga awiting R&B. Kumuha rin siya ng espesyal na kurso sa pag-arte, pag-awit, at pagsayaw. Sa gulang na 11, nagawa niyang maging bihasa sa apat na instrumentong tugtugin - piano, gitara, tambol, at bass guitar. Ang kanyang ama ay dating isang bokalista.
Bihasa si Bueno sa Tagalog bukod sa Aleman at Ingles.
[baguhin] MUSICAL! Die Show
Tinalo ni Bueno sina Eva Kiklovics at Gudrun Ihninger ng sampung kontestante, at umani ng premyong € 50,000 (na katumbas ng halos Php3,000,000.00) pati ang "chance of a lifetime". Una niyang itinanghal ang awit na "Grease Lightning" (mula sa musikal na Grease), at saka ang "Music of the Night" (mula sa Phantom of the Opera).[1] Nakakuha si Bueno 67 bahagdan ng boto (landslide victory) mula sa mga manonood sa Austriya at mga kalapit bansa. Nakatanggap naman ng 37 bahagdan ang ikalawang panalo na si Eva Klikovics, habang maagang natanggal si Gudrun Ihninger, na nasa ikatlong pwesto. Ang naturang palabas sa telebisyon ay isang eality-based talent contest na kung saan tinitignan ang mga kakayahan ng mga sumali sa pagsayaw at sa pagtanghal sa teatro, na hinahatulan din ng mga manonood sa pamamagitan ng telepono os sa SMS.[2][3][4][5]
[baguhin] Tignan din
[baguhin] Mga Sanggunian
- ↑ services.inquirer.net, Filipino rocker hits global stage
- ↑ showbizandstyle.inquirer.net, Vincent Bueno: Pinoy int’l star is born
- ↑ www.pressdisplay.com, Kandidaten stellen sich vor
- ↑ kleinezeitung.at, Kandidaten für "Musical! - Die Show" stehen fest
- ↑ www.vol.at/news, Zehn Musical-Star-Anwärter stehen fest
[baguhin] Mga Kawing Panlabas
- www.fnets.net, Vincent Bueno
- Wow Filipino Celebrities
- www.youtube.com, Vincent Bueno
- www.youtube.com, Vincent Bueno sings @ Sarah Geronimo's concert in Vienna
- www.fnets.net, Vincent Bueno