Telekomunikasyon
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang telekomunikasyon ay ang ekstensyon ng komunikasyon sa ibabaw ng malayong distansya. Sa pagsasanay, kinikilala nito na maaaring may mawala sa proseso; dahil dito sinsakop ng katagang 'telekomunikasyon' ang lahat ng anyo ng distansya at/o pagbabago ng orihinal na mga komunikasyon, kabilang ang radyo, telegrapiya, telebisyon, telepono, komunikasyong pang-datos at computer networking.
Ang elemento ng isang sistema ng telekomunikasyon ay ang taga-padala o transmitter, isang taga-pamagitan o medium (linya) at marahil isang channel na nakapataw sa taga-pamagitan (tignan baseband at broadband gayon din ang multiplexing), at taga-tanggap o receiver. Isang kagamitan ang taga-padala na pinapalitan ang anyo o ini-encode ang isang mensahe sa isang pangyayaring pisikal; ang signal. Pinapalitan o pinapababa ng taga-pamagitan, sa pamamagitan ng kanyang pisikal na kalikasan, ang signal sa kanyang dinadaanan mula sa taga-padala hanggang sa taga-tanggap. May mekanismong pang-decode ang taga-tanggap na may kakayahang makuhang muli ang mensahe sa loob ng mga tiyak na hangganan sa pagbaba ng signal. Sa ibang mga kaso, ang mata o tenga ng tao ang huling "taga-tanggap" (o sa ibang di pangkaraniwang kaso ang ibang pandamang bahagi ng katawan) at ginawa ng utak ang pagkuha muli ng mensahe (tignan sikoakustiko.)
Maaari na ang telekomunikasyon ay point-to-point, point-to-multipoint, o pamamahayag, na isang partikular na anyo ng point-to-multipoint na pumupunta lamang mula sa mga taga-padala hanggang sa mga taga-tanggap.
Isa sa mga ginagampanan ng inhinyero sa telekomunikasyon ang pagsusuri ng pisikal na katangian ng mga linya o transmision medium, at ang estadistikang katangian ng mga mensahe upang idibuho ang pinaka-epektibong mekanismo sa pag-encode at pag-decode.
Kapag ang mga sistema ay dinibuho upang makipagkomunikasyon sa pamamagitan ng mga pandamang bahagi ng katawan ng tao (kadalasan ang paningin o pandinig, kailangan bigyan pansin ang pisiolohikal at sikolohikal na mga katangian ng persepsiyon ng tao. Mayroon mahalagang implikasyon ito sa ekonomiya at sinasaliksik ng mga inhinyero kung ano ang sira na maaaring ipahintulot sa signal na sa kabila noon hindi naaapektohan ng masama ang pagkita at pagdinig nito.