Utak
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
- Para sa ibang gamit ng katagang utak, tingnan utak (paglilinaw). Para sa impormasyon sa utak ng tao, tingnan ang artikulo nito.
Sa mga hayop, ang utak, o encephalon (Griyego para sa "loob ng ulo"), ay sentro ng kontrol ng gitnang sistemang nerbyos. Karamihan ng mga hayop, matatagpuan ang utak sa ulo na malapit sa pangunahing pandamang aparato at ng bibig. Habang may mga utak ang sistemang nerbyos ng lahat ng vertebrate, mayroong sistemang nerbyos ng isang sentralisadong utak o mga koleksyon ng indibiduwal na ganglion ang mga invertebrate. Labis na masalimuot ang utak; mayroon ang utak ng tao ng 100 bilyon o mas marami pang mga nyuron, na nakakabit ang bawat isa sa 10,000 iba pang nyuron. [1] Ginagawang magkaroon ng katalinuhan ang utak ng tao ang napakalaking bilang ng mga interkoneksyon na ito.