Sulat ng Platong Tanso ng Laguna
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang artikulong ito ay hindi sumisipi ng anumang sanggunian o pinagmulan. (Marso 2008) Tumulong sa pagpaganda ng artikulo sa pagdagdag ng mga sipi sa mga makakatiwalaang pinagmulan. Ang hindi matiyak na nilalaman ay maaaring mapagdudahan at matanggal. |
Ang artikulo (o seksyon) na ito ay maaring nangangailan ng pag-wikify upang matugunan ang pamantayan sa kalidad ng Wikipedia. Maari po kayong makatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito, lalo na sa pambungad, kaayusan ng mga seksyon, at mga kaugnay na kawing paloob. (tulong) (Abril 2008) |
Kinakailangang isulat muli ang artikulong ito. Pag-usapan ang mga pagbabago sa pahina ng usapan. |
Ang Sulat sa Tanso sa Laguna (Ingles: Laguna Copperplate inscription o LCI) ay ang unang dokumentong nakasulat sa isang wikang mula Pilipinas. Natagpuan noong 1989 sa Laguna de Bay, Pilipinas, nakasulat sa tanso ang petsang 822 sa panahong Saka, katumbas sa 900 CE. Naglalaman ito ng maraming salita mula sa Sanskrit, lumang Javanese, lumang Malay a lumang Tagalog. Nakalagay sa dokumento ang pagpatawad ng utang na ginto ng isang taong nagngangalang Namwaran.[1] Binabanggit ng dokumento ang mga lugar ng Tondo, Pila at Pulilan sa palibot ng Look ng Maynila at ang Medan, Indonesia. Nabigyan diin ng ebidensyang natagpuan sa pagkatuklas ng kasalutang ang mga ugnayang kultural sa pagitan ng mga nagsasalita ng Tagalog nang mga panahong ito at iba't ibang mga kabihasnan sa Asya, katulad ng Gitnang mga kaharian ng India at ang imperyo ng Srivijaya empire, isang paksa sa kasaysayan ng Pilipinas na hindi gaanong alam.
[baguhin] Salin ng nakasulat sa tanso
Ang bagong salin sa Tagalog ng sulat sa tanso na halaw sa artikulong "Philippine Leaf" ni Ginoong Hector Santos. Ang pagsalin nito ay batay sa pagiging katunog ng mga salita nito sa kasalukuyang Tagalog ng Cavite at Batangas at maaari pang pag-igihin ng marunong ng Tagalog sa mga kilalang pamantasan. Ang bagong salin mula sa wikang ipinalagay na kawi o matandang wika na maaring pinagmulan ng Tagalog at mga kauri nito dito sa Timog-Silangang Asya. Narito ang talaan ng mga sinaunang salita mula sa KASULATAN SA TANSO Taong 822 na may katumbas ng mga kahulugan nito sa kasulukuyang Tagalog:1. swasti=sumaatin, 2. warsatita=pinakamabuting uri, 3. waisaka=iwaksi, 4. masa=masasama 5. dyotisa=iisang dios natin, 5. caturthi=pinababatid na kautusan 6. kresnapaksa=kinasusulatan ng paksa 7.somawara=sumawala/makalaya 8. tatkala=tanikala 9. sadana=sa danio, 10. lawan dengan na sanak= saklaw dangan at kamag anak ito 11. dibari waradana= di bali wala na ang danio/sa pangyayaring wala na ang danio, 12. wi shuddhapatra=nauwi sa pagsunud sa patakaran, 13. senapati=sanay pati/bihasa at pantas , 14. hwan=huwaran 15. nayaka=nayakag 16. tuhan=tao/tauhan na may katungkulan sa bayan/baranggay 17. urang= tao na naglalakbay at kinakailangan suriin kung anong pakay kung kayat tinawag na urang o uuriin muna 18. dengan dang kaya siha=dangan at may kakayahan siya, 19. shuddha nu diparlappas hutang= sumunod/sumangayon na umalpas sa pagkakautang,20. barjadi=nabayaran/kaukulang upa sa paglilingkod, 21. barjadi ganashakti=nabayaran sa ganang kaniya, 22. walenda=walang inda/walang angal,23. dihadappan=sa harap/sa harapan , 24. bishruta tathapi sadana= pawalan ng bisa ang tanikala ng pagkakaalipin dahil sa danio, 25. sanak=mag anak, 26. kapawaris=pinawi at inalis, 27. dari bhaktinda= madaliang pagpapabatid/mula sa pinagsamang baktuhin o pasanin at tinda o ilako o ipagsabi, 28. diparhulun sang pamegat=paghulug ng bayad sa isang taong may katungkulan o pamagat, 29. cucu = iniukol, 30. syat=sumiyasat,31. syapantaha=sapantaha, 32. pashkat=pasikat, 33. ding ari kamu dyan=hindi naman kayu maaari diyan, 34. ada=idada/ipagsabi, 35. urang barujara=bagong daan na tao/taong kadadaan lamang,36. welung lappas hutang= walang umalpas sa utang, 37. dang=at, 38. ya=kaya 39.ulih-pagsasa ulih/pagbalik ng nahiram o sa dating kalagayan
[baguhin] ANG LIMBAG SA TANSO NG LAGUNA TAONG 822 A.D.
Sumaatin ang kabutihan ng taong 822 at iwaksi ang masasama sa tulong ng iisang DIOS natin.Ang kautusang ito ay kinasusulatan ng paksa patungkol sa paglaya sa tanikala ng danio nila Dayang Angkatan at ng kamag anak niya na kilala sa ngalan na Bukah.Ang mga taong ito ay pawang mga anak nang taong si Huwarang Namwaran.Sa dahilang napawi na ang danio nila ay sumunod na sinangayunan ito ng mga pantas at bihasang mga tao mula sa Tundun at maging ng huwarang tao na si Jayadewa na tao ng Pailah. Sa kaganapang naitala, Itong si Huwarang Namwaran dangan at may kakayahan siya ay sumang ayon na maka alpas sa pagkakautang kung kaya't walang inda siyang nagpawala ng halagang 1 Kati at 8 Suwarna bilang kabayaran sa harap ng nayakag na taong huwaran ng puliran na si kasumuran.At dito nabayaran sa ganang kaniya ang huwarang tao ng Pailah na si Jayadewa.ang taong nayakag na si huwarang binwangan ay nabayaran naman upang pawalan ng bisa ang tanikala ng pagka alipin dahil sa dania nila kay Gat Dewata.At ito namang may katungkulan na si Gat Medang ay nabayaran din para sa madaliang pagpapabatid ng ulat ng kaganapang ito ng paghulug ng lubus na bayad sa utang ni huwarang Namwaran sa taong may katungkulan na si Gat Dewata. Kaya ika nga, Dahil sa paguukol ng panahon na iginawad upang makalaya sa danio ,Siya at mga anak niya, ay nagkaroon nga ng katuparan at kaganapan.Dahil sa ginawang pagsunud ni Huwarang namwaran sa patakaran ng pagbabayad sa utang ay napawing lubus ang lahat ng bayarin niya.Ito nga ang nabayarang pagkakautang ni Huwarang Namwaran sa taong may katungkulan na si Gat dewata. At kung sakali na may sumiyasat at magbigay ng kakaibang sapantaha dahil sa pagpapasikat na hindi naman kayo maaari diyan at ipagsabi sa iba pang mga tao na kadadaan lamang na walang umalpas sa pagkakautang at itong si huwarang...