Tamod (pluido)
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
- Ang artikulong ito ay tungkol sa isang pluidong organiko. Tingnan ang tamod (selula) para sa selulang reproduktibo ng isang lalaki.
Ang tamod[1] o tamud[1] o semen[1] ay isang pluidong organiko na karaniwang naglalaman ng spermatozoa. Nililikha ito ng mga gonad (glandulang sekswal) at ibang mga kasangkapang sekswal ng lalaki o mga hermaproditikong hayop para pertilisahan ang ova ng babae. Ang gawaing pagpapalabas o pagpapaputok ng tamod ay tinatawag na ejaculation (bigkas: e-dya-ku-ley-syon) sa wikang Ingles, at nagaganap ito sa panahon ng pakikipagtalik, basang panaginip (Ingles: wet dreams) o sa pamamagitan ng pagsasalsal.
[baguhin] Mga talasanggunian
- ↑ 1.0 1.1 1.2 Diksyunaryong Tagalog-Ingles ni Leo James English, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, 1583 mga dahon, ISBN 971910550X